Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

Bagamat napaka-cute ng mga ito tingnan, babala ng mga doktor maaring pagmulan ito ng injury sa mga sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang tatlong dahilan kung bakit hindi nakakabuti ang mittens at booties para sa baby ayon sa mga pediatrician.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang dahilan kung bakit mas mainam na hindi pagsuotin ng mittens at booties para sa baby ang iyong anak.
  • Kailan dapat tigilan na ang pagpapasuot kay baby ng mittens at booties.

Mittens at booties para sa baby

Nakasanayan na natin ang pagsusuot ng mittens at booties sa mga bagong silang na sanggol. Dahil maliban sa ito ay cute tingan, naniniwala tayong prokteksyon ito ng mga baby mula sa lamig at mahahaba pa nilang kuko.

Pero ngayon, ayon sa mga doktor ay mas mabuting hindi na lang sila pagsuotin ng mga ito. Malamang nagtatanong ka kung bakit at sa katunayan ay kunukwestiyon pa ang payo ng mga doktor na ito.

Pero bakit nga ba ipinagbabawal o mas mabuting hindi suotan ng mittens at booties ang isang sanggol ng matagal? Narito ang mga dahilan kung bakit ayon sa isang pediatrician.

3 dahilan kung bakit hindi dapat pag-suotin ng mittens at booties si baby

Bagamat, napaka-cute tingnan, may delikadong epekto raw ang pagsusuot ng mittens at booties para sa baby. Lalo na kung ito ay magtatagal, ayon sa pediatrician na si Dr. Ahmad Luqman Bukhari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit? Narito ang mga epekto ng masyadong matagal na pagsusuot ng mittens at booties sa sanggol ayon kay Dr. Bukhari.

1. Napipigilan nito si baby na i-explore ang sense of touch niya.

Bagamat sensitive pa ang mga daliri ni baby ay excited siyang hawakan ang mga bagay sa paligid niya. Sa ganitong paraan ay unti-unti niyang napapraktis ang sense of touch niya.

Siya ay natututong humawak ng mga bagay, ganoon rin ang maglagay ng mga bagay sa kaniyang bunganga. Ang stimulation na ito ay nakakatulong sa brain development ni baby.

Nag-aalala sa mahabang kuko ni baby? Ayon sa pediatrician na si Dr. Jennifer Tiglao mula sa Makati Medical Center ay maaari ng agad putulan ang mga kuko ni baby. Ito ay upang maalis na agad ang mittens niya na maaring maging hadlang sa kaniyang motor at sensory development.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Ang mga mata ng sanggol ay hindi fully developed.

Photo by Wayne Evans from Pexels

Ang mga sanggol ay hindi pa aware na may dalawang kamay sila. Hindi parin ganoon ka-developed ang mata nila at hindi pa maayos na nakakakita.

Pero sa tulong ng paglalaro niya sa kaniyang mga kamay ay natutunan ng sanggol na tumingin sa mga bagay-bagay. Ganoon din ang abutin ang mga ito o kahit anumang naaabot ng kaniyang paningin.

Ito ang dahilan kung bakit ang sanggol kahit nakaupo lang ay mukhang excited na nakikipaglaro sa kaniyang mga kamay. Nakakatulong din ang paglalaro niya sa mga daliri niya para makatulog siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang sinusuggest ko lagi na pagka-gupit ng kuko tanggalin na iyong mittens. Kasi importante iyong touch therapy.

Kasi iyong mga newborns wala pa iyang nakikita, puro light lang so nakakatulong na nakakapa nila iyong nasa paligid nila.

Kaya importante na nakakapag-explore iyong kamay nila for EQ o emotional development at IQ o intellectual development. Kasi natuto sila sa paligid nila kung nararamdaman nila iyon.”

Ito ang pahaya ni Dr. Tiglao.

BASAHIN:

Ito ang dahilan kung bakit hindi kailangan suotan ng mittens ang baby, ayon sa mga pedia

Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?

6 parenting mistakes kung bakit hindi na-iengganyo si baby na magsalita

3. Maaaring magdulot din ng pagbara sa ugat o clogged blood vessels ang pagsusuot ng mittens at botties para sa baby.

Ito ang pinaka-nakakatakot na maaaring mangyari sa isang sanggol dahil sa pagsusuot ng mittens at booties. Kung masyadong matagal nang nakasuot ng mga ito ang sanggol ay maaaring bigla na lang mangitim ang kaniyang mga paa at kamay na palatandaan ng pagbabara sa kaniyang ugat.

Ang injury na ito ay maaaring hindi agad na mapansin ng mga magulang o taga-bantay ng sanggol. Nangyayari ito maaring dahil sa sinulid na napulupot sa daliri ng paa o kamay ng sanggol na hindi napapansin.

Kaya naman mahalaga na bago o matapos suotan ng mittens at booties ang sanggol ay i-check muna ang mga daliri niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Payo ng mga doktor, mas mainam na iwasang pagsuotin ng masyadong matagal ng mga mittens at booties ang mga baby. Para masigurong maiiwasan ang mga injuries na maaring maidulot ng mga ito.

HIndi dahil sa cute ito ay lagi na dapat pagsuotin si baby ng mittens at booties. Dahil maaring pagsisihan mo rin ito sa huli.

Kung si Mommy matapos manganak ay pinauwi na ay hindi na kailangang magsuot pa ng mga ito ang sanggol. Kaya naman mas mainam na sa pagbili ng mga gamit ni baby ay bumili lang ng ilang piraso ng mga ito. Saka itabi o itago para magamit pa sa susunod kung nagbabalak pang magkaanak muli.

Ang artikulong ito ay orihinal na nailathala sa the Asianparent Malaysia at isinalin na may pahintulot sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

The Asian Parent