Hanggang kalian dapat magsuot ng mittens ang baby? Ayon sa mga doktor, dapat ay hindi na pinapagamit ng mittens si baby. Ito ang dahilan kung bakit.
Talaan ng Nilalaman
Hanggang kalian dapat magsuot ng mittens ang baby?
Ang mittens ang isa sa mga must-haves ng mga bagong silang na sanggol. Ito ang paniniwala natin. Una, dahil sa iniisip nating proteksyon nila ito sa lamig. At pangalawa, upang matakpan ang mga mahahaba nilang kuko na maaring makasugat sa mukha nila o makatusok ng kanilang mata.
Ayon sa pediatrician na si Dr. Jennifer Tiglao mula Makati Medical Center, ang paggamit ng mittens ng baby ay inirerekumenda niya lang pagkapanganak ng sanggol. Dahil sa proteksyon nila ito mula sa pagbabago ng temperatura sa kanilang paligid.
Mula sa init sa sinapupunan ng kanilang ina, sila ay exposed na sa lamig at naiibang temperatura ng totoong mundo na kalalakihan nila.
Pero sa oras na nakauwi na ang sanggol sa bahay mula sa ospital ay mabuti umanong tanggalin na ang mittens niya. Dahil sa mga oras na ito ay naka-adjust na ang kaniyang katawan sa bagong temperature sa paligid niya.
“Sa newborns syempre nasa nursery iyan you need to keep them thermo regulated. Iyong temperature nila kasi hindi pa iyan nakakakuha ng init sa katawan nila at birth o during the first 24 hours.
So kailangan mo ng bonet, mittens, socks pero pag-uwi syempre mag-aadjust rin ang temperature niyan from the nursery to the home environment.”
Ito ang pahayag ni Dr. Tiglao.
Photo by Jonathan Borba from Pexels
Mabuting agad na hindi na pasuotin ng mittens si baby dahil hadlang ito sa development niya
Paliwanag pa ni Dr. Tiglao, imbis kasi na makakabuti ang mittens sa sanggol ay maari pa itong maging balakid sa development niya.
Kaya naman rekumendasyon ni Dr. Tiglao, gupitan ang kuko ni baby at tanggalin na agad ang mga mittens niya. Ito ay para sa mas bata niyang edad ay magsimula na ang motor at sensory development niya.
“Ang sinusuggest ko lagi na pagka-gupit ng kuko tanggalin na iyong mittens. Kasi importante iyong touch therapy.
Kasi iyong mga newborns wala pa iyang nakikita, puro light lang so nakakatulong na nakakapa nila iyong nasa paligid nila.
Kaya importante na nakakapag-explore iyong kamay nila for EQ o emotional development at IQ o intellectual development. Kasi natuto sila sa paligid nila kung nararamdaman nila iyon.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Tiglao kung bakit inirerekumenda niyang huwag na sanang magsuot ng mittens ang mga sanggol.
Ang pahayag na ito ni Dr. Tiglao ay sinuportahan ng pahayag mula sa isa pang pediatrician na si Dr. Natasha Burgert mula sa Kansas, USA at miyembro ng American Academy of Pediatrics (AAP).
Baby photo created by jcomp – www.freepik.com
Kung si baby ay naka-mittens dapat ay mas bantayan siya.
Paliwanag ni Dr. Burgert, hindi naman talaga kailangan ng mittens ng mga sanggol. Dahil ang pagiging malamig ng kanilang kamay at paa ay normal umano. Kanila ring maoovercome habang dumadaan ang oras na naipanganak na sila.
Pahayag ni Dr. Burgert,
“The reality is that mittens are rarely needed for newborns. Bluish and cool hands and feet are normal on healthy infants, and the cool sensation of extremities likely do not bother baby at all.”
Ayon naman kay Dr. Stephanie Hemm na mula naman sa Maryland, USA, wala naman totoong benepisyong ibinibigay ang pagsusuot ng mittens sa sanggol.
Kung sakali man na ma-scratch ng sanggol ang kaniyang mukha, hindi rin naman umano magdudulot ng malalim na sugat ito. Hindi magpepeklat at walang long-term effects sa bagong silang na sanggol.
“There are no real benefits to infants wearing mittens. Even if babies scratch their faces, those kinds of scratches don’t cause scarring or long-term effects”, sabi ni Dr. Hemm.
Pero pagdating sa hanggang kalian dapat magsuot ng mittens ang baby, ang desisyon ay iniiwan niya sa mga magulang. Bagamat paalala niya dapat ay bantayan o maging maingat sa ipinapasuot na mittens sa sanggol. Dahil kung ito ay may tali o maluwag ay maari pa itong maging choking hazard sa kanila.
“If mittens have decorations, strings, or loose threads on them, they can pose a choking hazard for infants. If plain cloth mittens are used, and they make parents of newborns feel comfortable”, dagdag pa ni Dr. Hemm.
Benepisyo ng hindi pagsusuot ng mittens ng sanggol
Photo by Felipe Salgado on Unsplash
Pero rekumendasyon niya mas mabuting hindi patagalin ng higit sa dalawang linggo ang pagsusuot ng mittens ni baby. Dahil mahalaga umano na magamit ni baby ang kaniyang kamay para mag-explore sa paligid niya. Isang bagay na makakatulong sa kaniyang development.
“However, I don’t recommend using them for longer than about two weeks. It’s important for infants to use their hands to explore the world around them through their sense of touch and movement.
Whether it’s putting their hands into their mouths, reaching for things, or learning what objects feel like. By about 3 to 4 months old, babies really need their hands to figure out how things work.”
Ito ang pahayag pa ni Dr. Hemm.
Base naman sa mga pag-aaral, sa pag-explore ng mga sanggol sa mga bagay-bagay sa paligid niya ay marami siyang matutunan. Tulad ng mga texture, color, shape at weight ng mga bagay habang siya ay lumalaki.
Ang pagkatuto na ito ay naglelead sa sanggol sa mga language learning opportunities. Ito rin ay maaring makatulong o maka-impluwensiya sa kanilang problem solving abilities. At mahalaga rin sa motor at sensory development ng kanilang katawan.
Mga dapat tandaan
Maliban kay Dr. Tiglao at Dr. Hemm, maraming doktor rin ang sumusuporta sa pahayag na hindi dapat pagsuotin ng mittens ang mga sanggol ng matagal.
Sapagkat sa ang mga ito ay nagiging hadlang sa proper sensory development nila na mahalaga sa development rin ng kanilang utak. Kaya naman, inirerekumenda ng mga eksperto na tanggalin na ang mittens ng sanggol at hayaan silang mag-explore.
Para naman masigurong safe sila kahit wala ng mittens, ito ang ilang bagay na dapat tandaan.
- Gupitan ang kuko ng sanggol. Kung gagawin ito ay siguraduhin lang na maliwanag o may sapat na lighting para maiwasang magupit ang balat nila.
- Kung natatakot na gupitan ang kuko ni baby ay i-file nalang ito. Bagamat mas matagal ay mas safe itong gawin.
- Para magawa ng maayos ang dalawang nabanggit na procedure mas mabuting humingi ng tulong sa iba. Makakatulong kasi na may humahawak na iba kay baby habang ginugupitan o pina-file ang kuko niya. O kaya naman pinaka-mainam ay gawin ito habang tulog siya.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!