Homebased mom, nakapagpundar ng two-storey house sa Batangas

Homebased mom, nakapagpundar ng two-storey house sa Batangas

Nais magkaroon ng trabaho kahit nasa bahay lamang? Maaaring bisitahin ang FHMoms Facebook page at pwede ring sumali sa FHMoms FB group nila.

Dahil sa tiyaga, ang dating pangarap lang, ngayon ay hawak kamay na nila. Ito ang pinatunayan ng isang successful homebased mom na si Mommy MK, ang supermom sa likod ng Filipina Homebased Moms. Nakapagpagawa na sila ng two-storey house dahil sa pagiging masipag at dedicated ni MK bertulfo.

Homebased mom, nakapagpundar ng two-storey house sa Batangas

Sa isang Facebook post ni Mommy MK, dito niya masayang ibinahagi ang kanilang ipinapagawang bahay sa Batangas. “Katas ng Homebased is real!” Paglalarawan nito.

“Malapit na talaga kaming lumipat sa bago naming bahay sa Lipa, Batangas! Nakakatuwa developer at architect namin sobrang maasikaso kahit online lang lahat ng transactions. Hindi kami binigyan ng sakit ng ulo.”

Naging smooth lang ang kanilang pagpapagawa ng bahay at hindi nagkaroon ng malaking problema. Laking pasasalamat naman ni Mommy MK sa lahat ng mga taong tumulong para makumpleto ang kanilang dream house.

mk-bertulfo-house

Filipina homebased moms MK Bertulfo house | Image from MK Bertulfo on Facebook

Meet Mommy MK, the supermom behind the success of Filipina Homebased Moms

Sa aming exclusive interview kay Maria Korina Bertulfo o mas kilala bilang Mommy MK, ibinahagi nito kung paano nagsimula ang Filipina Homebased Moms at kung paano nga ba siya bilang isang ina.

Ang pangunahing tungkulin ng Filipina Homebased Moms ay matulungan ang mga nanay na magkaroon ng trabaho kahit na sila ay nasa bahay lang.

Nagsimula ang FHMoms tatlong taon na ang nakakaraan. Ito ay dahil sa simpleng pagtulong lang ni Mommy MK sa kaibigan. Ayon sa kanyang kwento, nang natanggap siya sa isang online job na kayang pinasukan, agad niyang itinuro ito sa kanyang mga kaibigan. At dahil nga sa kanyang pagtuturo, nagkaroon rin agad ng online job ang kanyang kaibigan. Naisipan niyang gumawa ng isang grupo para mas maraming tao ang kanyang matuturuan. Sinunod-sunod na niya ito at nagulat siya ng marami pala talagang interesado na mga mommies sa online job katulad niya.

filipina-homebased-moms-mk-bertulfo

Filipina homebased moms MK Bertulfo house | Image from MK Bertulfo

Pagkatapos ng 6 months ng pagtuturo, nag decide siyang magpa meet-up. Laking tuwa niya ng marami ang dumalo rito at karamihan sa kanila ay galing pa sa iba’t-ibang lugar katulad ng Laguna at Baguio. Pagkatapos nito, nagturo na rin siya sa iba’t-ibang probinsya hanggang nakaabot nga ang kanilang training sa Dubai.

Sa ngayon, mayroon silang 7 na trainors na nagtuturo ng social media management, accounting and bookkeeping, content writing, e-commerce, customer service at online teaching.

Habang tumatagal, mas lumaki ng lumaki ang Filipina Homebased Moms at maraming nanay na rin ang nagkaroon ng trabaho dahil dito.

What makes Mommy MK motivated all the time?

Ayon kay Mommy MK, simple lang ang kanyang dahilan kung bakit siya motivated all the time. Isa na rito ang dahilan na masaya na siyang nakikitang natutulungan ang ibang pamilya.

“Pagbabago sa family namin. ‘Yun ang naging motivation ko to help other families. Ako kasi nanggaling ako sa hirap, alam ko kung gaano kahirap ‘yung lagi kayong gutom ng pamilya mo, marami kayong utang. So, ayokong mangyari ‘yon sa ibang pamilya din.”

‘Life mission’ na rin niya kung ituring ang pagtulong sa kapwa dahil fulfilling ito para sa kanya. Kakaibang saya rin ang kanyang nararamdaman kapag may natutulungan siyang ibang pamilya.

filipina-homebased-moms-mk-bertulfo

Filipina homebased moms MK Bertulfo house | Image from MK Bertulfo

Mahalaga ang magrelax o tumigil muna sa mga bagay na naghahatid ng stress lalo na kung naaapektuhan na nito ang iyong mental health. Sa usapang ‘bad days’ naman, mas binibigyang importansya ni Mommy MK ang kanyang sarili  kapag siya ang nakakaramdam ng pagkapagod o problema.

“What I usually do, is nag stop akong magwork at nag-n-netflix lang ako. Tapos hindi ko na siya masyadong iniisip. Hindi ako masyadong tumatambay sa problema.”

Dagdag pa nito na ‘chill’ lang siya dahil ayaw niyang maapektuhan ang kayanyang business o pamilya kapag sinusubukan siya ng problema. Mas tinitignan rin niya ang bigger picture at kung ano ang posibleng rason nito.

Nais magkaroon ng trabaho kahit nasa bahay lamang? Maaaring bisitahin ang FHMoms Facebook page at pwede ring sumali sa FHMoms FB group nila.

 

BASAHIN:

TAPfluencer Spotlight: Mommy Diaries PH says ‘We discipline with intention.’

TAPfluencer Spotlight: Mommy Practicality says ‘Motherhood is putting your kids first before yourself.’

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner