Tayo ngayon ay nasa 9th week na ng quarantine na nagsimula noong March 16, 2020. Ito ang ginawang pamamalakad para labanan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas. Matatandaan na unang naitala ang kaso ng COVID-19 noon lamang January sa Luzon. At pagkatapos nito, sunod-sunod na ang nakumpirmang positibo sa nasabing virus.
Kahapon nga, inilabas na ang mga lugar na isinailalim sa bagong uri ng quarantine guidelines. Kung ikaw ay nalilito pa sa meaning at kaibahan ng Modified ECQ, General Community Quarantine at Enhanced Community Quarantine, narito ang dapat mo pang malaman.
ECQ → Modified ECQ → GCQ → Modified GCQ → New Normal
Ano ang Enhanced Community Quarantine?
Ang Enhanced Community Quarantine ay nararanasan ng buong Luzon simula noon pang March. Under ECQ, bawal umabas ang mga sumusunod:
- Below 21 years old
- 60 years old and above
- Mga buntis
- Mga taong may malubang sakit o iba pang health issue katulad ng liver disease, asthma, heart disease, high blood
Maaari lang lumabas ang iba kapag bibili ng grocery o gamot kasama na ang paggawa ng iba pang essential sevices.
Nananatili namang nakabukas ang mga grocery, pharmacy, bangko, at ospital. Available rin para sa delivery ang mga pagkain, gamot, essential goods, veterinary supplies, school supplies, clothes, accessories, housewares at hardware.
Modified ECQ meaning and quarantine guidelines | Image from Freepik
Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) meaning
Noong May May 12, inanunsyo na ang mga lugar na nasa ilalim ng Modified ECQ at General Community Quarantine. Ang mga nasa Modified ECQ ay ang mga lugar sa Metro Manila, Laguna at Cebu City. Samantalang karamihan ay nalipat na sa GCQ.
Pero ang tanong, ano mismo ang meaning ng Modified ECQ? May kaibahan ba ito sa ibang quarantine guidelines katulad ng GCQ at ECQ?
Ayon kay Sec. Harry Roque, ang Modified Enhanced Community Quarantine ay ECQ pa rin kung tutuusin. Pero ang pinagkaiba lang ay may mga industry na papayagang magbukas ngunit 50% capacity lamang.
Sa Modified ECQ, mahigpit pa ring ipinag-uutos ang pag stay sa kani-kanilang mga bahay. Ngunit papayagan ang ilang limited outdoor activities katulad ng paglalakad, pagtakbo, bike o jogging habang sinusunod pa rin ang mga safety protocols katulad ng pagsusuot ng mask o social distancing.
Wala pa ring public transportation at social/mass gathering. Pero papayagan rin ang mga private cars katulad ng personal car, bike, e-scooter o motor pero dapat maximum ng isa lang ang laman nito. Dapat rin ay may special permit mula LTFRB ang mga company shuttle na bibyahe. Tandaan na maaaring bumyahe pero para sa mga essential work and services lamang.
Work from home ang mga ilang government employees (skeletal workforce) habang kanselado pa rin ang pasok sa mga school.
Anong ibig sabihin ng General Community Quarantine?
Para naman sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine, narito ang mga dapat at mahalagang tandaan:
Under GCQ, bawal umabas ang mga sumusunod:
- Below 21 years old
- 60 years old and above
- Mga buntis
- Mga taong may malubang sakit o iba pang health issue katulad ng liver disease, asthma, heart disease, high blood
Maaari lang lumabas ang iba kapag bibili ng grocery o gamot kasama na ang paggawa ng iba pang essential sevices. Magpapatuloy na rin ang full operation ng mga government offices sa ilalim ng General Community Quarantine.
Balik operasyon na rin ang mga sumusunod:
- Agriculture
- Fishery and forestry
- Financial services
- Food Manufacturing
- Food supply chain
- Grocery stores
- Food retail establishments
- Food delivery services
- health-related establishments
- information technology
- BPOs
- Telecommunication company
- Logistics sector
- Legal and accounting
- Auditing services
Anong ibig sabihin ng General Community Quarantine? | Image from GOVPH
Magbubukas na rin ang mga mall at shopping center ngunit mananatiling nakasarado ang mga leisure establishments. Ang mga papasok na tao sa mall ay limited capacity lamang. Hindi rin mawawala ang pagtingin ng temperature sa kanila at proper sanitizing.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpunta sa mass gathering. Ngunit papayagan ang iba katulad ng essential work gathering o religious activities pero dapat ay hindi pa rin kakalimutan ang social distancing at ang pagsusuot ng face mask. Kailangan rin ang limited capacity sa loob ng isang establishment.
Balik operasyon na rin ang mga construction projects under GCQ ngunit kailangang sumunod sa ibibigay na guidelines ng DPWH.
Mananatiling sarado ang mga leisure establishments katulad ng amusement park, fitness establishment at iba pang lugar.
Ang physical classes ay hindi pa rin papayagan sa ilalim ng GCQ. Pero papayagan ang flexible learning arrangement para matapos ang school year 2019-2020.
Dahil balik operasyon na rin ang ibang public transpo katulad ng jeep, bus, rail, taxi, tricycle, shuttle. Pero mahigpit na inuutos ang responsableng pagsakay sa mga pampublikong sasakyan. Katulad na lamang ng pagsusuot ng face mask, 1 meter distance sa mga pasahero at limited capacity.
Uumpisahan na rin ang ibang work arrangements katulad ng 50% capacity o 4-day work week sa government.
Modified ECQ meaning and quarantine guidelines | Image from Freepik
Modified General Community Quarantine (MGCQ) meaning
Ang mga lugar na nas ilalim nito ay babalik na sa dati pero mahigpit pa ring ipinaguutos ang pagsusuot ng mask, social distancing at iba pang health protocols na hatid ng DOH.
Balik trabaho na ang lahat ng mangagawa both private at public sector ngunit dapat ay nakasuot pa rin ng mask at inaalala ang social distancing kasama na ang mga health protocols ng DOH.
Health protocols:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Social distancing
- Iwasang lumabas ng mga taong vulnerable sa COVID-19
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- ‘Wag muna papasok sa trabaho kung may sintomas ng COVID-19
- 1 meter apart sa trabaho
Sa usapang transportation naman sa MGCQ, balik operasyon na rin ang mga public transpo kasama na ang mga flights pero nakataas pa rin ang safety protocols dito.
Source:
GOVPH , Rappler
BASAHIN:
STUDY: Mas madaling kapitan ng COVID-19 ang mga kulang sa Vitamin D
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!