Jason Hernandez nagsalita na sa break-up rumor: "Hindi nangaliwa si Moira"

Ayon kay Jason Hernandez, hindi totoo ang mga issue tungkol sa kanilang relasyon ni Moira dela Torre.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi pinatahimik ng break-up rumor ang mag-asawang sina Jason Marvin Hernandez at Moira dela Torre noong nakaraang linggo.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez nadawit sa break-up issue
  • Pahayag ni Jason tungkol sa umano'y hiwalayan nila ni Moira
  • Love story nilang dalawa

Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez nadawit sa break-up issue

Naging sentro ng usapan sa mga nagdaang araw ang couple na sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez. Ito'y matapos mapansin ng ilang netizen ang mga ginawa ni Moira sa kanyang Instagram account.

May ilang social media user ang pumuna nang mawala sa Instagram account ni Moira ang ilang larawan ng singer kasama ang kanyang mister.

May ilan namang natirang larawan ni Jason sa social media account ni Moira.

Isa pang napansin ng mga netizen ay ang pagpunta ni Moira dela Torre sa Singapore. Ngunit hindi kasama ng singer ang kanyang mister.

Tanging ang manager ni Moira at ilang malapit na kaibigan tulad ni social media influencer na si Mimiyuuuh ang kanyang kasama patungo sa Singapore.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Marvin Hernandez

Hindi pa doon natapos ang palaisipan sa mga tagahanga ni Moira tungkol sa umano'y pagkakalabuan nila ni Jason. Ito'y nang ibahin ni Moira ang kanyang pangalan sa kanyang personal na Facebook account.

Dati ay 'Moira Rachelle Hernandez' ang ginagamit na name ng singer sa kanyang account. Ngayon ay pinalitan niya na ito at tinanggal ang apelyido ng kanyang mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod pa diyan, nag-post din si Jason ng kanta sa kanyang Instagram account na may titulong 'Wag Kang Lalapit'.

Heto ang ilan sa lyrics ng naturang kanta na binahagi ni Jason, at tingin ng mga netizen ay baka tungkol ito sa estado ng kanyang relasyon kay Moira.

"Iibigin mo pa ba ako? Pipiliin mo pa ba ito?
Nakaraang pinagsisihan, gusto ko nang makalimutan, hanggang diyan ka na lang, kung ayaw mong masaktan."

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Marvin Hernandez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pahayag ni Jason tungkol sa umano'y hiwalayan nila ni Moira

Noong April 16, Sabado, ay nagsalita na si Jason Marvin Hernandez para sagutin ang mga issue na bumabalot sa kanilang relationship ni Moira.

Unang pinunto ni Jason ang umano'y break-up nila ng kanyang misis. Wika ni Jason, nananatili pa rin silang kasal ni Moira.

Bukod pa diyan, kinontra din ni Jason ang ilang haka-haka ng mga netizen na baka raw may iba na ang kanyang misis. Lahad ni Jason, hindi totoo ang infedelity issue na sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanilang relasyon.

"1. We're still married
2. Hindi nangaliwa si Moira."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahad pa ni Jason, hindi rin totoo na may problema sila sa pera ng kanyang misis na si Moira.

"4. Walang nagnakawan ng pera
5. God is good"

Ayon kay Jason Marvin Hernandez para sa wakas ay matigil na ang rumor tungkol sa kanilang mag-asawa.

Bago pa ang statement ni Jason ay nagparamdam na rin si Moira sa kanyang mga follower. Ito'y matapos niyang i-tag ang kanyang mister sa isang Instagram story habang siya ay nasa Singapore.

Binahagi ni Moira ang larawan ng paboritong pagkain ni Jason na isang seafood. Naka-tag sa naturang story ang kanyang mister habang kitang nakangiti si Moira.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Agad namang nag-reply si Jason at sinabing gusto niya ng kinakain ni Moira.

Isa pa sa mga naging palatandaan ng mga netizen para masabing hindi naghiwalay ang couple ay dahil sa Facebook profile ni Jason.

Makikita pa rin ang status ni Jason na "Married to Moira Rachelle" kaya duda ang kanilang mga tagahanga na totoo ang mga usap-usapan tungkol sa break-up ng dalawang singer.

BASAHIN:

Trina Candaza sa pakikipag-ayos kay Carlo Aquino: “Mahirap na po magkabalikan lalo na kung 'yong mga taong nakapaligid, support sa pagiging single ng tao"

Nico Bolzico never nagselos sa mga nakatambal ni Solenn Heussaff: "That's her job. I really respect her profession."

Donita Rose na-bash matapos ipakilala ang bagong boyfriend: “Yes, they have been painful for me”

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Marvin Hernandez.

Love story nilang dalawa

Sa dating panayam sa 'Gandang Gabi Vice' nina Jason Hernandez at Moira dela Torre bago sila ikasal, ikinuwento ng dalawa paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Ayon kay Jason, pitong taon silang naging magkaibigan ni Moira bago sila naging mag-bestfriend. Hindi rin daw siya attracted noon kay Moira.

Nagsimulang mag-iba ang pagtingin niya kay Moira noong magkaroon sila ng heart-to-heart talk sa rooftop ng singer.

"There was one night po na pumunta kami sa rooftop niya. Tapos doon po 'yong pinaka-first heart-to-heart talk namin. Ever since, mas naging super close po namin."

Mas lalong nahulog si Jason nang mapansin niya ang pagiging selfless ni Moira pagdating sa kanyang mother.

Ikinasal ang dalawa noong 2019 matapos mag-propose ni Jason kay Moira sa shooting ng music video ng kantang 'Tagpuan'.