Bilang mom influencer, may pressure nga ba para sa katulad ni Mommy Vanessa? O nakatutulong ba ang kanilang struggle para makapag-share ng mas relatable at helpful na content para sa ibang mommies? Kilalanin si TAPfluencer Vanessa Bernabe o Mom At Last . Kumusta nga ba ang kanyang mom life with her toddler and newborn?
TAPfluencer Spotlight: Mom At Last Vanessa Bernabe
Bukod sa pagiging mom influencer, si Mommy Vanessa ay mom of two din! Sa kanya ngang blog na Mom At Last, ibinabahagi niya ang kanyang mom life at kung paano niya nababalanse ang oras sa dalawa niyang kids at asawa.
Sa kanyang blog entry na To The Mama With A Toddler + Newborn, isinulat ni Mommy Vanessa kung paano mo magagawa ang iyong role without being hard to yourself.
“But the days will keep on getting messy and complicated and frustrating as you find your footing in this new life as a family of four. No matter how much you think you prepared yourself for the worst of tantrums or for days filled with emotionally-charged melt downs, there’s no guarantee you won’t lose it again.
So forgive yourself. Keep going. Keep trucking along. Embrace the holy madness.
Things are rocky and shaky and some days you think you can’t handle it anymore, but right now, this is all you have. And you know life couldn’t get any wonderful, and happy, and joyful than seeing that sparkle in your little ones’ eyes as you call it a day. That moment can be your biggest win today, mama.”
Lahat naman tayo ay dumadaan sa pagiging frustrated at restless. Bilang ina, kasama na ata talaga ito sa ating mom experience. Pero ayon din kay Mommy Vanessa, ang pagkakaroon ng mga anak ay parang rollercoaster ride. Mayroon talagang mga pangyayari na hindi inaasahan at ito ay normal lang.
“There are tight turns and steep slopes, it’s exhilarating, but it’s a one of a kind experience. It’s a kind of experience that will move you to pray you’ll survive. But on a serious note, it’s all good.”
Secret sa pagiging mom ng toddler at newborn
Kuwento pa nga niya, tuwing umaga raw, bago siya magsimula ng kanyang araw ay nagdadasal muna siya na tulungan siyang maging mabuting ina. Dahil ang kanyang goal talaga ay maging better para sa kanyang mga anak.
Pero mommy, normal lang ang magkamali. Huwag kang magpadala sa pressure na dapat ay maging perfect kang ina, dahil una sa lahat ay wala namang perfect kahit sa parenting.
Sa klase ng work ni Mommy Vanessa, aminado siya na demanding din sa time ang mga tasks na kailangan niyang ma-accomplish. Kaya naman tip niya rin para sa mga working moms, magising na lang nang mas maaga o magpa-late ng tulog para hindi maabala ang pagtatrabaho habang gising ang mga bata.
Isa rin na super helpful tip ay ang pagkakaroon ng division of labor para sa inyong mag-asawa. Kailangang hati kayo o magka-agapay sa pagbabantay sa mga bata.
“I wake up super early or sleep very late at night. That way, I get most of my work done just in time for their waking hours.”
Lockdown routine ng kanyang pamilya
Ngayon namang quarantine kung saan hindi pa masyadong nakakalabas ang mga tao, ano naman kaya ang sitwasyon nila Mommy Vanessa sa kanilang bahay at paano nila ito hina-handle?
“I have a tight schedule in the morning, but I make sure we spend quality time together in the afternoon doing things he likes doing. Recently, my kids are fond of swimming. So we go for a dip and his dad and I use it as an opportunity to teach him the basics.”
Pagdating naman sa play dates, hindi pa rin daw ina-allow ito ni Mommy Vanessa. Pero para naman hindi maging sad ang kanyang kids, nagse-set up na lang siya ng online play dates para sa kanila.
“Virtually, yes! I stay beside him and enjoy the fun.”
Mom At Last Vanessa Bernabe, is all about motherhood, life hacks and lessons that I discover along my journey as a mom. I hope that by sharing them on my blog and social media, I get to encourage and inspire moms to live a happier life.
Basahin:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!