Madalas mo na bang napapansin na sumasabog ang iyong emosyon dahilan para mainis at masaktan ang anak? Baka mayroon ka ng mom rage!
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Laging naiinis at nasasaktan ang anak? Baka mayroon kang mom rage
- Paano kontrolin ang iyong galit
Laging naiinis at nasasaktan ang anak? Baka mayroon kang mom rage
Stressful ang pagiging magulang, marami naman kasing dapat intindihin sa pamilya. Magmula sa finances, pagbabantay sa anak, maging sa pagdidisiplina sa kanila. Madalas kung nagsasabay-sabay ang mga problema, napupuno ng emosyon ang parents.
Sa mga pagkakataong ganito, may instances na sumasabog ang mga magulang dahil sa labis na nararamdaman. Ang nagiging bunga nito ay pagkainis at pananakit sa anak. Ang tawag dito ay mom rage.
Larawan mula sa Shutterstock
What is mom rage?
Ayon kay Jen Reddish isang registered master therapeutic counsellor sa Calgary na tumutulong sa mga nanay na may ganitong issues,
“Rage is when the anger becomes uncontrollable.”
Nangyayari raw ito kung naooverpower na ng galit ang isang tao. Maaaring sinabi mo minsan na hindi mo hahampasin ang isang bagay, bubulyawan ang anak, o magbabato ng kung anong bagay pero kung nangyari ito hindi mo na ito mapipigilan.
Dagdag pa niya ito raw ay nangyayari madalas kung hindi nasosolusyunan ang mga pangangailangan bilang tao,
“Unprocessed emotions and experiences along with unmet needs.”
Larawan mula sa Shutterstock
Triggers of Rage
Mahalagang nalalaman ng isang tao kung ano ang maaaring mag-trigger sa rage nila. Ang ilan sa maaaring dahilan para sa parents ay ang mga sumusunod:
- Sa hindi pakikinig ng kanilang anak sa tuwing pinagsasabihan.
- Pagsisigawan o kahit anong ingay sa bahay.
- Pag-aaway ninyo ng iyong partner.
- Nakaranas ng bad day sa trabaho o kahit anong gawain.
- Mga unresolved issues na mula pa sa pagkabata.
How can I deal with your rage issues?
Una sa lahat, laging isipin na may solusyon pa dito. Hindi ka nag-iisa sa problemang ito kaya marami nang inalam ang eksperto para sa ganitong pagkakataon. Kung isa ka sa parents na madalas nakararanas ng rage, ito naman ang ilang bagay na maaaring gawin:
Bumuo ng journal
Magandang way ang pagsulat ng mga nararamdaman dahil effective itong paraan upang ma-work out ang iyong rage issues.
Dito kasi maaaring mailabas kaagad ang emosyon kung sakaling wala pang tao kaagad na makakausap. Magandang subukan na maging as honest as possible sa pagsusulat.
Halimbawa na lang ay ilagay kung bakit ka na-trigger sa isang partikular na bagay at ano ang nagawa mong respond dito. Subukang i-identify at i-articulate ang mga nararamdaman upang hindi kaagad ito sabay-sabay na sumabog.
Mas maganda na natural at tapat mong inaamin lahat ng bagay sa iyong journal.
Larawan mula sa Shutterstock
Alamin ang solusyon bago pa man ma-trigger ang inyong galit
Mahalaga ring pangunahan mo nang solusyunan ang trigger bago pa man ito dumating lalo kung kontrolado mo naman ang bagay na ito. Matapos ma-identify ang mga bagay na nabibigay sa iyo ng trigger subukan ding ilista ang mga solusyon nito.
Halimbawa na lang, kung sakaling madalas lumalabas ang iyong rage kung ikaw ay gutom dapat ay kumain nang tama sa oras. Pumili ng healthy foods na magpapanatili sa iyo na busog for a long time para hindi ka kaagad nagagalit.
Kung sakali namang sumasabog ka sa tuwing puyat, iwasang magstay up all night at magkaroon ng tamang body clock.
Tulungan ang sarili na mafigure out ang mga bagay-bagay at kung paano ito bibigyang solusyon. Iwasan na kaagad ang ilang triggers at alamin ang root cause ng iyong rage.
Subukang mag-meditate
Isa sa mga pinakamabisang pampakalma sa buhay ang meditation. Kinakailangan kasing parating kalmado ang iyong katawan, puso, at isipan upang hindi kaagad nagagalit.
Maaaring mag-try ng pagdidikit ng sticky notes ng pagpapaalala sa iyong to ‘stay relax’, ‘remain calm’, o kaya ay to ‘breathe’. Subukan ding mag-search ng mga meditation-focused videos o kaya naman magdownload ng application sa iyong devices.
Simulan ito sa 10 minuto kada araw sa loob ng 90 days kung saan magiging solid habit mo na ito. Matapos ang ilang buwan, makikita mo ang iyong pagbabago.
Lumapit sa mga eksperto
Kung mayroon mang unang makakapagbigay ng solusyon sa ganitong isyu, professional support ang kailangan mo diyan. Ang mga healtcare provider na ito ang tutulong sa iyo kung paano haharapin ang iyong anxiety, abuse, grief, at lalo na ang rage. Maaaring i-expect mo ang one on one na pagkausap sa kanila, group counselling, o kaya ay support groups na mayroong kaparehong kalagayan tulad ng iyo.
Hindi pa huli ang lahat upang mabigyang solusyon ang iyong anger o rage issues. Lalo kung inuuna mo ang kapakanan ng iyong anak, importanteng mabigyang lunas ito kaagad.
Habang maaga ay tulungan ang sarili ma-overcome ito upang hindi magcause ng trauma sa bata na maaaring madala niya rin once na siya naman ang nagkaroon ng sariling pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!