Mommy groups sa Facebook para sa mga first time moms

Bilang first time mom, marami kang kailangang matutunan. Ito ang ilan sa mga top mommy groups on Facebook Philippines na pwede mong salihan.
Hindi madali ang pagiging first time mom, maaring marami kang tanong pero hindi mo alam kung kanino tatanungin at dahil kailangang mong maging mas maingat, minsan ay natatakot kang magdesisyon o sumubok ng mga bagay na hindi mo sigurado kung makabubuti ba para sa iyong baby. Tulad ng soon-to-be celeb mom na si Anne Curtis, marami na ngayong ang sumasali sa mga mommy groups on Facebook Philippines dahil hindi lang isa kundi libo-libong experienced moms ang gagabay sa iyong journey to motherhood.
Image from Freepik
Mommy groups on facebook Philippines na makakatulong sa first time moms
1. First Time Moms
Dahil wala nang mas makakaintindi pa sa mga experiences mo kundi ang mga kapwa mo rin first time moms. Kung support group ang iyong kailangan, ang mom group na ito ay perfect para sa'yo.
2. Mommy Nation PH
Kung gusto mo namang ma-encourage o makarinig ng mga kwento ng mga kapwa mo mommies, bukas ang Mommy Nation PH para sa'yo. Ito naman ay isang discussion group kung saan nagpopost ang mga mommies ng mga bagay na kanilang na-experience sa kanilang journey bilang mommies. Ang group na ito ay may more than 5 thousand members na at ito ay nabuo lamang nung 2015.
3. Breastfeeding Pinays
Importante din para sa mga first time moms na maging handa pagdating sa breastfeeding. Mula sa basic knowledge hanggang sa mga komplikasyon, marami kang matututunan mula sa mga mommies at professionals sa Facebook group na ito.
4. Pregnant in the Philippines
Para naman sa mga buntis at naghahanda para sa pagdating ng kanilang baby. Lahat ng mga dapat ihanda at malaman ay pwedeng-pwede niyong matutunan sa group na ito.
5. Babywearing Philippines
Ang group naman na ito ay specific sa pagtuturo ng proper babywearing o paggamit ng mga carrier. Mukha lang simple ang konseptong ito, pero ito ay mahalaga pa rin. Bukod sa mga tutorial na naka-post sa group na ito, mayroon din silang scheduled meet-ups para sa mga mommies.
6. Healthy Baby Food Ideas
Para naman sa mga mommies na gustong maging creative pagdating sa paghahanda ng pagkain ng mga bata, ang facebook group na ito ay puno naman ng mga unique na recipes at tips kung paano mo mapapanatiling masustansya ang pagkain na iyong hinahanda.
Bilang first-time mom, maaring maging intimidating ang mga ilang bagay para sa iyo. Kailangan mo lang talagang i-overcome ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap o pagtatanong sa mga kapwa mo mommies. 'Wag kang magdalawang-isip na sumali sa mga mommy groups o 'di naman kaya ay umattend sa mga support groups kung kinakailangan.
Basahin: 12 truths and tips for first time moms
If your hands are full, don’t use your feet at iba pang mga tips para sa first time moms
From the first time to the last time: A mom’s parenting realization