Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maayos ang relasyon ng bawat mommy sa kanilang mga biyenan, minsan ay may mga moments na naiinis ang mga nanay sa kanilang in laws. May pagkakataon na nagkakaroon sila ng pagtatalo, lalo pagdating sa usapin ng mga bata.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Mommy naiinis sa kaniyang mga biyenan
- Paano makisama sa iyong mga biyenan
Mommy naiinis sa kaniyang mga biyenan
Lahat ay gagawin ng bawat mommy para masigurong safe at healthy ang kanilang baby. Lalo na sa panahon ngayon kung saan laganap ang sakit.
Kaliwa’t kanan ang mga kumakalat na sakit pagpasok ng 2020s. Nandiyan ang COVID-19 na nagpasimula ng pandemic sa buong mundo. Ngayon naman ay binabantayan ang monkeypox na nakapasok na rin sa Pilipinas.
Kaya naman hindi na sorpresa para sa mga parents na maging protective sa kanilang mga anak. Kasama na rito kung sino lang ang nakalalapit sa kanilang baby dahil mahirap kapag sila ang tinamaan ng sakit dahil hindi pa ganoon kalakas ang kanilang immune system.
Ito ang kinakaharap na problema ng isang mommy na nag-post sa theAsianparent community. Nilarawan niya kasi bilang ‘insensitive’ ang kaniyang mga biyenan na panay ang lapit sa kaniyang anak.
Kwento ng mommy, noong una raw pinipigilan siya ng kaniyang mother-in-law na lumabas kasama ang kaniyang husband at kanilang anak. Dahil daw sa Omicron variant ng COVID-19 kaya ayaw silang paalisin ng kaniyang biyenan.
Natatakot din daw ang kaniyang mother-in-law na baka daw may stranger na kumuha sa kaniyang apo.
Larawan mula sa Shutterstock
“Parang wala siyang tiwala sa amin ni hubby eh kami naman talaga nag-aalaga kay baby. Hands on kami kay baby dahil work-from-home naman kami pareho.”
Tinuloy pa rin nila ang kanilang pag-alis para mabisita ng anonymous sender ang kaniyang nanay. Pero paliwanag niya, super ingat nila noong sila ay lumabas.
Noong mga sumunod na araw, tila nagpaparinig daw ang kaniyang mother-in-law kung saan sinasabi nito na marami daw siyang kakilala ngayon na may sakit.
“Hindi na ako nagko-comment pero feeling ko, sinasabi niya indirectly na ang tigas ng ulo namin na ‘di namin sya sinunod.”
Depensa naman ng sender, sobrang bihira lang silang lumabas ng kaniyang mister. Kahit nga raw ang kanilang paggo-grocery ay dinadaan din nila online. Kahit ang mga parcels na dumadating sa kanilang bahay ay kanila ring dini-disinfect.
Bukod dito, ang kinasama ng loob ni mommy ay ang kaniya pang father-on law. Panay daw kasi ang labas nito ng bahay. Nakikipagkwentuhan din daw ito sa ibang tao habang walang suot na face mask.
Noong lumabas daw ang kaniyang mga biyenan, pag-uwi ay agad na niyakap ang kaniyang baby. Ito ay kahit hindi pa sila naliligo at nagdi-disinfect.
Larawan mula sa Shutterstock
“Pag-uwi, pinuntahan si baby, si father in law, niyakap pa si baby knowing na galing siya sa labas. Hindi pa naliligo at nagdi-disinfect ng katawan.”
“Si mother in law, panay ang halik.”
Ang kinakainis ng anonymous sender ay bakit hindi magawa ng kaniyang mga biyenan ang pinapayo sa kanila tungkol sa pag-iingat. Ito ay para maiiwas sa sakit ang kanilang anak.
“Nakakainis, bakit hindi nila gawin ‘yong pinagpipilitan nila sa amin about being cautious? Sila naman tong hindi maingat.”
Naii-stress na si mommy dahil ayaw naman bumukod ng kaniyang mister. Ang rason nito ay hindi raw nila kaya financially. Pero dahilan ng sender, may pambili raw ng gadgets ang kaniyang asawa kaya mahirap paniwalaan na hindi kayang humiwalay ng tirahan.
Paano makisama sa iyong mga biyenan?
Larawan mula sa Shutterstock
Hindi kaila na minsan, mahirap kapag kasama mo ang iyong mga biyenan sa iisang bahay. Ngunit may mga ways naman para maging maayos ang inyong pagsasama.
Kailangang matanggap na kayo ay parte na ng iisang pamilya. Kaya naman mahalaga na maging harmonious ang relationship mo sa parents ng iyong asawa.
Heto ang ilang ways para maging maayos ang pakikitungo sa iyong in laws:
Kailangan maging iisa ang desisyon niyo ng inyong asawa
Mahalaga na maging united ang desisyon mo sa iyong partner. Ito ay dahil sa mga pagkakataon na salungat ang opinyon mo sa iyong mga biyenan, siguradong may kakampi ka.
Ito rin ay mahalaga para magkaroon ka ng sense of security sa inyong tahanan.
Mag-establish ng boundaries
Kung magkakasama kayo sa iisang bahay, mahalaga na mabigyan pa rin ng boundaries ang inyong binuong pamilya. Kasama na diyan ang usapin tungkol sa finances at mga parenting advice.
Wala namang masama na maging concern sila sa inyong anak, ngunit mahalaga na ma-realize nila na may iba’t ibang way ang mga parents para palakihin ang kanilang anak.
Huwag balewalain ang problema
Ang pag-ignore sa problema ay walang nagagawang mabuti. Imbis kasi na malutas ito ay lalo lang itong lumalala. Kaya naman mahalaga na gawan agad ito ng aksyon.
Be patient
Kung may masabi mang offensive ang iyong biyenan, iwasan na mag-react agad dito. Wala itong maitutulong dahil mauuwi lang ito sa hindi pagkakaintindihan.
Kapag sumobra na ang iyong in laws, mabuting i-assess muna ang sitwasyon at magpalamig muna ng init ng ulo. Kausapin sila kapag kayo ay kalmado na.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!