Money disinfection from COVID 19: Narito ang mga paraan kung paano malilinis ang iyong pera mula sa COVID-19 ng hindi ito masisira.
Money disinfection from COVID-19, a BSP reminder
Ayon sa isang 2017 study, ang pera ay nagtataglay ng napakaraming bacteria at germs na maaring magdulot ng sakit sa isang tao. Sa ngayon, sa panahon ng COVID-19 ay napatunayan ring isang paraan ito upang maihawa at maikalat ang sakit. Pero sa kabila nito ay may babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa pag-didisinfect ng pera. Hindi daw dapat hinuhugasan ng tubig, sabon, alcohol at bleach ang mga perang papel at barya. Dahil sa pamamagitan nito ay maaring masira o ma-damage ang pera na itinuturing na paglabag sa batas.
“Iwasang ibabad o wisikan ang salaping papel at barya ng tubig at sabong panlaba, alcohol, bleach, at iba pang kemikal.”
“Ang pamamaraang ito ay itinuturing na ‘acts of mutilation or destruction of Philippine currency’ at may kalakip na kaparusahan alinsunod sa probisyon ng PD No. 247.”
Ito ang pahayag ng BSP sa isang advisory.
Labag sa batas ang paghuhugas sa sabon at tubig ng pera
Ang paglabag sa Presidential Decree 247 o pagsasagawa ng defacing, mutilating, tearing, burning o destroying ng central bank notes at coins ay may multa ng higit sa P20,000. Maari ring makulong ng hanggang sa 5 taon ang taong lalabag rito.
Payo nila imbis na hugasan ang pera ay mabuting panatilihin nalang ang pagsasagawa ng proper hygiene. At ang mga COVID-19 precautionary measures tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay matapos humawak ng pera.
“Para maiwasan ang pagkalat ng #COVID19, kailangang gawin ang proper hygiene at ituring ang pera na katulad ng ibang mga bagay na laging hinahawakan.”
“Ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa paghawak ng mukha pagkatapos humawak ng pera.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng BSP sa kanilang advisory.
Mabuting tangkilikin nalang muna ang mga cashless transactions sa ngayon
Sa hiwalay na pahayag una ng sinabi ng BSP na mas mabuting tangkilikin muna ng publiko sa ngayon ang mga cashless transactions. Tulad ng online banking at electronic services. Dahil sa ganitong paraan ay maiiwasan ang face-to-face transaction at interaction.
“We are encouraging the use of online banking, e-money services, electronic fund transfer facilities like PesoNet and Instapay to avoid face-to-face transaction and the spread of the virus.”
Ito ang kanilang pahayag.
Ganito rin ang inirerekumendang paraan ng isang infectious disease expert na si Dr. Andrew Stewardson. Dahil mataas umano ang tiyansa na ma-contaminate ng COVID-19 virus ang mga pera. Kaya mas mabuti na munang iwasan ang paggamit at paghawak ng mga ito. Ngunit kung hindi maiiwasan, ang pagsasagawa ng COVID-19 measures at proper hygiene ay mabisang paraan upang mabawasan ang tiyansa na mahawa sa virus.
“It would be reasonable to move from cash to card where feasible without disruption. For situations where cash is unavoidable, routine hygiene measures will substantially reduce any potential risk.”
Ito ang pahayag ni Dr. Stewardson.
Ibang paraan upang masigurong COVID-free ang iyong pera ng hindi masisira
May inirerekumenda namang paraan ang internal medicine specialist mula sa UAE na si Dr. Zaineb Sabri sa paglilinis ng pera. Imbis na labhan o hugasan, dahan-dahang punasan ito ng tela o cotton cloth na bahagyang binasa sa tubig na may sabon.
“As banknotes are made of a special paper that can be cleaned well without affecting the print, we can use simple cloth soaked in soap and water and clean this money and leave it dry before touching it again.”
Ito ang pahayag ni Dr. Sabri.
Ayon naman kay Peter Balke, isang bank executive at senior policy adviser sa US, may isang paraan ng money disinfection from COVID-19 na masisigurong malinis ang iyong pera na hindi ito masisira. Ito ay sa pamamagitan ng heated carbon dioxide na iyong makukuha kung ibibilad mo sa araw ang iyong pera.
Payo naman ng isang scientist, makakatulong rin sa pag-didisinfect ng pera ang paggamit ng UV light sanitizers. Sa katunayan ang paraang ito ay ginagawa ng mga bangko sa China para masigurong malinis at COVID-free ang kanilang mga pera.
Pero para kay Dr. Stephen Berger, isa sa mga founder ng Global Infectious Diseases and Epidemiology Network hindi lang basta pag-didisinfect ng pera ang paraan para makaiwas sa COVID-19. Mas mainam parin ang pagsasagawa ng mga COVID-19 precautionary measures para makaiwas sa sakit. Tulad ng pagsusuot ng mask at pag-praktis ng social distancing. Ganoon din ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. At sa pamamagitan ng antiseptics o chemical wipes kung hindi available ang mga ito.
Source:
UNTV, ABS-CBN News
BASAHIN:
STUDY: Pag-gamit ng mouthwash, maaring mapigilan ang pagkalat ng COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!