Naipapapasa ang COVID-19 mula sa mga maliliit na water droplets galing sa isang infected na tao.Kaya naman isa pang tinitignan na paraan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ay ang paggamit ng mouthwash.
Maaari nga ba ito?
STUDY: Pag-gamit ng mouthwash, maaring mapigilan ang pagkalat ng COVID-19
Marami na ang naisagawang pag-aaral para mapigilan ang tuluyang pagkalat ng COVID-19. May ilan ring mga pag-aaral pa ang tumutukoy sa mga specific na tao o bagay na maaaring dahilan o madaling kapitan ng nasabing virus.
Mouthwash for COVID-19? | Image from Freepik
Base sa pinakabagong pag-aaral para rito, nakita sa research na maaaring mapigilan ang tuluyang pagkalat ng COVID-19 kung sakaling ikaw ay gagamit ng mouthwash.
Dumadaan sa clinical trials ang pag-aaral na ito para sa mouthwash. Ayon sa Science Daily, posible talaga na mapigilan nito ang pagkalat ng COVID-19.
Maaaring ang mga low-alcohol mouthwash products ay maaaring magamit para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ngunit aminado ang mga author na dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19, mas kinailangan pa nilang pag-aralan ito ng malawak.
COVID-19 vaccine
Nitong Martes ng hapon, August 11, kinumpirma ng Russia ang kanilang kauna-unahang registered COVID-19 vaccine.
Ayon sa presidente ng Russia na si President Vladimir Putin, ang COVID-19 vaccine na ito ay dumaan sa marami at mausisang pag-susuri. Maaari na itong gamitin at makakasiguradong ito ay mayroong lasting immunity sa taong bibigyan nito.
“I would like to repeat that it has passed all the necessary tests.” ito ang panimula ni President Putin. “The most important thing is to ensure full safety of using the vaccine and its efficiency.”
Dagdag pa niya na mismong ang anak nito ay parte ng kanilang experiment sa vaccine. Ibinahagi niyang binigyan ito ng dalawang shot at gumaling agad sa nararamdamang lagnat.
Umabot ng 38 degrees celsius ang lagnat ng kanyang anak. At nang ito ay binigyan ng vaccine, bumaba agad ito kinabukasan ng 37 degrees.
Nagbigay naman ng kasiguraduhan ang Malacañang na magkakaroon ng vaccine ang Pilipinas sa tulong ng bansang Russia.
“The Philippines stands ready to work with Russia on clinical trials, vaccine supply and production, and other areas deemed practicable by relevant Philippine and Russian agencies to address this global health emergency.”
Ayon sa Palasyo, nakahandang tulungan ng Russia ang Pilipinas sa pag supply ng vaccine kontra COVID-19. Handa silang tumulong sa clinical trials, vaccine supply at produksyon nito.
Sa isang press briefing, ibinahagi ni Russian ambassador Igor Khovaev na nakatakda silang magbigay ng tulong sa clinical trials at magtayo ng vaccine production hub sa bansa kapag pumayag na ang gobyerno.
“We are ready to combine our efforts, we are ready to make the necessary investments with our Filipino partners and we are ready to share our technologies simply because we want to build a robust partnership between our two nations,”
Mouthwash for COVID-19? | Image from Unsplash
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Mouthwash for COVID-19? | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
BASAHIN:
Maaari bang mahawa sa COVID-19 sa pamamagitan ng pakikipag-sex?
97,000 na bata sa America nag-positibo sa COVID-19 sa loob lamang ng dalawang linggo
Mas mataas nga ba ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga matatangkad?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!