Morisette Amon kay Dave Lamar sa kanilang 1st wedding anniversary: “I will continue to take care of you.”

Morissette at Dave may sweet na mensahe sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Morissette Amon at Dave Lamar nagdiriwang ng kanilang 1st wedding anniversary.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Morissette Amon and Dave Lamar wedding anniversary
  • Mensahe ni Dave at Morissette sa isa’t isa

Morissette Amon and Dave Lamar wedding anniversary

Larawan mula sa Instagram account ni Morissette Amon

Nagdiriwang ngayon ang singers na sina Morissette Amon at Dave Lamar ng kanilang 1st wedding anniversary. Ang special event na ito sa kanilang buhay ay ibinahagi ni Dave at Morisette sa kani-kanilang Instagram account.

Si Morisette binalikan ang nangyari sa kanilang kasal kung saan sila ay inulan. Pero sabi pa ng singer, ang nangyaring pag-ulan ay mas nagbigay ng meaning sa kanilang pag-iisang dibdib ni Dave.

“Although there were heavy rains that day, I was only reminded of how God orchestrated our love story and got us through it all; how like an umbrella, He is the one who unites and shelters us with His love & grace.”

Ito ang bahagi ng post ni Morissette tungkol sa wedding anniversary nila ng mister na si Dave.

Sabi pa ni Morisette, ang pagmamahalan nila ngayon ni Dave ay mas lalong lumalim nang sila ay maging mag-asawa na at alam niyang marami pang taon silang pagsasamahan. Sa ngayon sa unang anibersaryo ng kanilang kasal ay pinasalamatan niya ang mister na si Dave na tinawag niyang MVP ng buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This love of ours now within marriage has been far greater than the love we've had before, and we still have a long way to go. It's been such a beautiful journey so far, thank you for holding my hand with every step. And I will also continue to take care of you like the MVP that you are in my life.”

Sa huli ay binati ni Morisette ang mister sa selebrasyon na ito sa kanilang pagsasama.

“I love you from here, all the way to the moon, and always come back home to you, @davejlamar. Happy 1st, bana nako!!!!”

Ito ang mensahe ni Morissette sa mister niyang si Dave.

BASAHIN:

LOOK: Morissette Amon at nobyong si Dave Lamar, engaged na!

Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Rachel Peters took snaps of her body 8 months after giving birth

Mensahe ni Dave kay Morissette

Larawan mula sa Instagram account ni Morissette Amon

Si Dave sa kaniyang Instagram account ay binalikan rin ang naging eksena sa kanilang naging kasal ni Morissette. Doon ay ikinuwento niya ang hindi inaasahang nangyari sa kasal nila.

Kuwento ni Dave, fifteen minutes bago magsimula ang outdoor wedding nila ni Morisette ng biglang umulan. Ito daw ay malakas kaya kailangan nilang mag-adjust at magbago ng kanilang plano. Pero magkaganoon man natuloy ang kanilang kasal na kasing ganda at saya ng inaasahan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Plans changed but we still pushed through and everything still turned out beautiful and exactly how God wanted it.”

Ngayon, isang taon ng kasal si Dave at Morisette, ay may isang bagay daw siyang natutunan sa kanilang naging pagsasama. Ito ay ang gawing sentro ang Diyos ng relasyon nila.

“If there is one thing I have learned more than ever this past year, it’s to just completely rely on God and keep Him in the center of my marriage at all times. I don’t always have the answers, but God is faithful to reveal them in His time."

Si Dave pinuri rin si Morissette at sinabing ito ay incredible wife. Ibinahagi niya rin na masaya siya sa naging isang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. At syempre pinaabot niya dito ang kaniyang mainit na pagmamahal.

“God has given me such an incredible wife and it has been such a privilege trying to figure out life beside her. What a ride it has been! I’m excited to see where God continues to lead. One year down and I look forward to the gift of every single day I get to spend beside this beautiful woman that I get to call my wife!”

“Morissette mi love, gihigugma tika!”

Matatandaang Enero nitong taon nang inaanunsyo nina Morissette at Dave na sila ay kasal nila. Ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng isang vlog at Instagram post.

“Surprise after surprise after surprise! We are so happy to finally officially announce that WE ARE MARRIED!”

Ito ang masayang pag-aanunsyo ni Morisette sa kasal nila ni Dave.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Morissette Amon

Base sa post ni Morissette, ay ilang buwan na ang nakakalipas ng i-reveal nila ni Dave ang kanilang kasal. Sila ay ikinasal noong June 28, 2021 sa Netherlands-inspired Old Grove Farmstead sa Lipa, Batangas. Pero ito ay kanilang pansamantalang isinekreto na naging mahirap daw gawin. Kaya naman sobrang saya nila ng naibahagi na sa wakas ang kanilang pag-iisang dibdib.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement