Morning sickness ng buntis: 9 bagay na dapat mong malaman patungkol rito

May mga pagkaing makakatulong para maibsan ang mga sintomas ng morning sickness ng buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Morning sickness ng buntis, alamin kung paano malulunasan sa tulong ng artikulong ito.

Morning sickness ng buntis

Bagama’t ito ay tinatawag na morning sickness o nausea o sa Tagalog ay pagduduwal., ang kondisyon na ito na nararanasan ng mga buntis ay maaaring magdulot ng discomfort sa kaniya anumang oras o sa anumang trimester ng pagdadalang-tao.

Ito ay maisasalarawan bilang kondisyon na kung saan ang isang buntis ay nakakaranas ng pagduduwal o pagsusuka.

Base sa artikulong nailathala sa website na Medical News Today, ang morning sickness ay tinatawag ding nausea gravidarum, emesis gravidarum o nausea/vomiting of pregnancy o NVP. Para sa maraming babae, ito ang isa sa pangunahing sintomas ng pagdadalang-tao.

Ayon naman sa OB-Gynecologist na si Dr. Rona Lapitan ng Makati Medical Center, ang morning sickness ay isa sa reaksyon ng katawan ng maraming babae sa hormonal changes na dulot ng pagbubuntis. Bagama’t, hindi naman umano lahat ng babae ay nakakaranas nito.

Pahayag ni Dr. Lapitan.

“Morning sickness is the reaction of most women to the hormones of pregnancy. There are some women that they react that way others do not. So not all woman has this or they have different early signs of pregnancy like vomiting, dizziness, headache or others would have fatigue.”

Sintomas ng morning sickness

Ang mga kadalasang sintomas ng morning sickness ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Woman photo created by Racool_studio – www.freepik.com 

Ano ang pagkakaiba ng morning sickness sa GERD?

Maraming buntis ang inaakalang ang morning sickness ay sintomas ng GERD o gastroesophageal reflux disease. Pero paliwanag ni Dr. Lapitan, ang dalawa ay magkaiba. Ito ay maibabase sa sintomas na ipinapakita nila.

Paliwanag niya,

“Iyong morning sickness is most associated with dizziness. Tapos iyong heartburn naman sometimes there’s pain in the upper abdomen then without vomiting.”

Samantala, dagdag naman ng ilang pag-aaral, ang morning sickness ay indikasyon din ng malusog na pagbubuntis. Ang mga buntis nga nakakaranas nito ay mas mababa ang tiyansang makaranas ng miscarriage at stillbirth kumpara sa mga buntis na hindi nakaranas ng pagduduwal o pagsusuka.

Kailan dapat magpunta sa doktor ang isang buntis na may morning sickness

Bagama’t ang morning sickness ay normal na bahagi ng pagdadalang-tao, may mga babaeng nakakaranas ng malala o severe morning sickness.

Ito ay ang tinatawag na hyperemesis gravidarum na kung saan ayon kay Dr. Lapitan ay maaaring maging dahilan upang ma-ospital ang isang buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hyperemesis gravidarum is differentiated from nausea and vomiting wherein there is an inability to take food leading to dehydration.

So when you feel that you are not able to take any food anymore, it’s best to seek the advice of your doctor. Kasi you might be admitted to the hospital and have the IV fluids to prevent further dehydration,” sabi ni Dr. Lapitan.

Hand photo created by cookie_studio – www.freepik.com 

Maliban nga umano sa hindi makakain, ang buntis na nakakaranas ng nasabing kondisyon ay maaari ring makaranas ng signs ng dehydration.

Tulad na lamang ng dry lips, dry skin at labis na panghihina ng katawan. Kung ito ay hindi maagapan ang dehydration na nararanasan ng buntis ay maaaring magdulot ng iba pang komplikasyon sa pagdadalang-tao.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Electrolyte imbalances
  • Extreme depression at anxiety
  • Malnourishment sa fetus
  • Excessive strain sa vital organs ng buntis kabilang na ang liver, heart, kidneys at brain.

Samantala, maliban sa sintomas ng hyperemesis gravidarum, ang iba pang palatandaan na dapat ng magpunta ang buntis sa doktor ay ang sumusunod:

  • Malala o madalas ang pagduduwal o pagsusuka.
  • Umiihi lang ng kakaunti.
  • Dark o kulay tsaa ang ihi.
  • Hindi makainom ng tubig o kahit anumang fluid.
  • Nahihilo sa tuwing tumatayo.
  • Nahihimatay o natutumba sa tuwing tumatayo.
  • Bumibilis ang tibok ng puso.
  • Sumusuka ng dugo.
  • Abdominal pain
  • Severe nausea sa second trimester
  • Spotting o pagdurugo 

Paano malulunasan o maiibsan ang discomfort na dulot ng morning sickness?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Food photo created by pressfoto – www.freepik.com

Ano ang sanhi ng hyperemesis gravidarum?

Dahil ito sa mabilis na pagtaas ng serum levels ng hormones tulad ng HCG (human chronic gonadotropin) at estrogen. Ang sobrang pagduduwal o pagsusuka habang nagbubuntis ay nagpapahiwatig ng multiple pregnancy (maaaring kambal ang iyong dinadala o higit pa) o hydatidiform mole (abnormal na paglaki ng tissues at hindi totoong pagbubuntis).

Paano ginagamot ang hyperemesis gravidum?

Ang paraan ng paggagamot sa hyperemesis gravidarum at depende kung gaano kalala ang iyong nararamdaman. Ilan sa mga possibleng treatment s aiyo ay kinabibilangan ng;

  • Preventive measures – kinabibilangan ng pressure-point wristband, at vitamin B6 at/o luya.
  • Kaunti ngunit madalas na pagkain
  • Intravenous fluid
  • Total parental nutricion (TPN) – ginagawa lamang ito sa mga sobrang Lalang kaso ng hyperemesis gravidum
  • Mga gamot na para sa pagduduwal o pagsusuka.

Ayon pa rin kay Dr. Lapitan, may magagawa naman ang buntis para maibsan ang discomfort na dulot ng morning sickness. Tulad ng pagbabawas sa pagkain ng mamantikang pagkain at paunti-unting pagkain.

“You decrease your fatty food intake or have small frequent feedings. If you feel that you are already nauseous, you stop. And then maybe after two hours, try to it again.”

Ito ang payo ni Dr. Lapitan.

Maaari rin namang mag-prescribe ang doktor ng mga supplements o medications para maibsan ang pagduduwal ng buntis at matulungang mag-retain ng food at fluid ang kaniyang katawan. Ito ay ang sumusunod na kinakailangan ng reseta ng isang doktor.

  • Antihistamines para matulungan siya sa kaniyang nausea at motion sickness.
  • Phenothiazine para pakalmahin ang severe nausea at pagsusuka na nararanasan ng buntis.
  • Metoclopramide para matulungan ang tiyan ng buntis na maibaba ang pagkain sa kaniyang bituka at maiwasan ang pagsusuka o pagduduwal.
  • Antacids para mapigilan ang acid reflux sa buntis.

Treatment at home remedies para sa morning sickness

Para sa moderate to severe morning sickness, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Vitamin B6 supplements (pyridoxine)
  • Over-the-counter drugs tulad ng doxylamine 
  • Prescription anti-nausea medications para sa mga tuloy-tuloy na sintomas
  • Extra fluids kung masyadong malala ang mga sintomas na maaaring magdulot ng dehydration

Para naman sa gravidum, maaaring kailanganing magpuntang Ospital para makakuha ng:

  • Fluids sa veins (Intravenous o IV)
  • Anti-nausea medications (antiemetics)
  • Corticosteroid medications

Ang iba pang alternative remedies na maaaring gawin ng buntis para maibsan ang sintomas ng morning sickness ayon sa mga pag-aaral at mga eksperto ay ang sumusunod:

  • Magpahinga para hindi na lumala pa ang nausea.
  • Uminom ng madalas ngunit paunti-unting dami ng fluid o tubig para mabawasan ang tiyansa ng pagsusuka.
  • Makakatulong din ang pagsipsip ng ice cubes, lollipop o anumang hard candies.
  • Kumain ng mga pagkaing rich in carbohydrates tulad ng oats at saging.
  • Mas mabuti ring kumain ng mga dry at savory foods gaya ng crackers at crispbread kaysa sa mga matatamis at maanghang na pagkain.
  • Ayon sa maraming kababaihan, ang pagkain ng biscuit 20 minuto bago tumayo sa kama sa umaga ang buntis ay nakakatulong din para maiwasan ang morning sickness.
  • Mas mainam din ang mga malalamig na pagkain kaysa sa mainit para sa mga buntis na may morning sickness. Dapat ang mga pagkaing ding ito ay hindi matapang ang amoy.
  • May ilang pag-aaral naman ang nakapagsabi na ang mga ginger supplements ay nakakatulong para mabawasan ang nausea symptoms ng buntis. Mahalaga lang na bilhin ang mga ito mula sa mapagkakatiwalaang source.
  • Ang acupressure ay nakakatulong din umano para makontrol ang sintomas ng morning sickness. Isang halimbawa na nga nito ay ang pagsusuot ng sea band o special band sa braso ng buntis.
  • Umiwas sa mga amoy na hindi mo gusto
  • Kumain nang kaunti, ngunit madalas ng plain foods na mataas sa carbohydrates pero mababa sa fats tulad ng tinapay, kanin, crackers, at pasta.
  • Hypnosis
  • Umiwas sa usok ng sigarilyo

Risk factors para sa morning sickness

Ang pagbabago sa hormones ang kadalasang iniisip natin na dahilan ng morning sickness sa first 12 weeks ng pagbubuntis.

Pero maaari itong magdulot ng panganib sa’yo kung ikaw ay:

  • Nagbubuntis ng kambal o higit pa
  • May malalang sakit at pagsusuka sa naunang pagbubuntis
  • Mabilis kang makakuha ng motion sickness (halimbawa ay pagkahilo sa sasakyan)
  • Mayroong history ng migraine headaches
  • May family history ng morning sickness
  • Sumasama ang pakiramdam kapag umiinom ng contraceptives na may oestrogen
  • Unang beses na magbubuntis
  • Obese (ang iyong BMI ay 30 o higit pa)
  • Nakakaranas ng stress

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement