Tumutukoy ang mother’s instinct sa kakayahan ng nanay na mag-response o makaramdam agad sa pangangailangan ng kanilang mga anak, o hindi kaya ay kung may kinakaharap itong challenges. Alamin natin kung ano ang tingin dito ng mga eksperto.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mother’s instincts nag-exist nga ba? Heto ang sabi ng experts
- Strategies that will help you cope with mommy stress
Mother’s instincts nag-exist nga ba? Heto ang sabi ng experts
Sikat na sikat ang ang ‘mother’s instincts’ na kaisipan para sa parents at soon-to-be parents. Ang pagkakaroon ng instinctive desire ng babae kung paano dapat alagaan ang bata ay madalas na ini-expect ng lipunan. Ano nga ba ang mother’s instinct at bakit ito napasa-pasa sa kada henerasyon?
Ano nga ba ang mother’s instinct?
Sa pagbibigay ng kahulugan ni Dr. Catherine Monk, isang psychologist at professor ng medical psychology sa Columbia University Medical Center, tumutukoy raw ang mother’s instinct sa inborn o natural na kakayahan ng isang nanay sa isang certain na stimuli.
“The word instinct refers to something innate — inborn or natural — involving a fixed behavioral response in the context of certain stimuli,”
Ito raw ang pagtingin ng lipunan na automatic nang mayroong part sa isang nanay ang ilan sa caregiving behaviors. Mother’s instinct din ang nagtulak sa mga tao na kinakailangan nilang mag-anak dahil alam naman na nila ang gagawin once na lumabas na si baby. Sa panahong ito nagki-kick-in daw ang instinct at instant na feelings ng motherly love.
Dahil daw dito, nagdudulot pa ng labis na pressure ang ganitong pagtingin sa mga nanay. Kaya tuloy nakakaramdam ng matinding pressure ang maraming mother dahil dito.
Kaya nga ayon din kay Monk, exaggeration din daw ang ganitong pagtingin.
“The idea of a maternal instinct can be quite exaggerated.”
Makikita ang masamang epekto ng mother’s instinct sa iba’t ibang paraan, kabilang na diyan ang:
- Nakaka-contribute sa postpartum depression dahil sa labis na pressure na dala nito.
- Madalas na maramdaman ng mommies ang failure kapag hindi na-meet ang expectations.
- Pagkaramdam ng pagsisisi sa sarili o self-blaming.
- Pagkaramdam ng labis na pagkahiya sa sarili.
- Pagkakaroon ng feeling na hindi parating enough para maging ina.
Pagpapayo pa ni Monk, mahalaga raw na malaman ng mommies na ang parenting ay natututunan at hindi basta-basta na lang nakukuha once na magkaroon ng anak.
“To manage this kind of pressure, it’s important for moms and moms-to-be to remember that parenting is absolutely a learned behavior with significant influences from the past and a lot of opportunities to gain new influences and training in the present. There is no one way to be a good mom,”
Strategies that will help you cope with mommy stress
Imposibleng mommy ka at hindi ka pa na-stress, lahat pagdadaanan ang ganitong problema. Marami na kasing responsibilities ang kailangan mo nang intindihin at isipin lalo at mayroon ka nang anak. Ayon sa ilang pag-aaral, malaking factor daw ang pagmamanage ng stress upang magkaroon ng magandang relasyon sa anak.
Narito ang ilang strategies na maaaring makatulong sa iyo upang hindi gaanong mastress bilang nanay:
- Alamin ang signs ng stress sa iyo. Mahalagang nagbibigay pansin sa mga senyales na ikaw ay stress na. Dapat lang na inaalam mo ito ang physical signs upang malaman kung ano ang sinasabi ng katawan mo sa iyo. Nakakadagdag kasi ito sa maaaring maging mood at pakikitungo mo sa mga nakapaligid sa iyo.
- Bigyan ng “me time” ang sarili. Hindi ka dapat nakokonsensya sa tuwing nagpapahinga dahil okay lang ito sa maraming pagkakataon. Huwag maguilty na binibigyang time ang sarili dahil kailangan mo ito. Hangga’t ligtas ang iyong mga anak sa iyong pagpapahinga ay ayos lamang ito. Maaari i-try ang meditation, relaxation techniques, at abdominal breathing.
- Humanap ng activity na maaaring gawin as a family. Magandang nag-iisip kayo bilang pamilya ng partikular na ctivity na maaari ninyong maenjoy together. Kahit ang simpleng walking, biking, jogging, o swimming ay magandang way na para magkaroon kayo ng bonding.
- Humanap ng support group o community. Malaking tulong ang paghahanap ng grupo ng tao o kakilala na may kaparehang pinagdadaanan sa iyo. May mga kaparehong nanay ka rin kasi na pinagdadaanan ang ganyang kalagayan na may kakayanang bigyan ka ng payo kung ano ang ginawa nila dito. Maaari ka ring makakuha ng positive feedbacks o validation mula sa mga grupong ito.