Ayon sa pinakabagong motorcycle back ride guidelines na inilabas ng MMDA, pagsusuot ng full-face visor motorcycle helmet required na!
Bagong motorcycle back ride guidelines ng MMDA
Nitong Agosto 19 ay nagbalik GCQ o General Community Quarantine na ang Metro Manila. Ganoon din ang mga kalapit probinsya nitong Bulakan, Cavite, Laguna at Rizal.
Kaugnay nito ay naglabas ng bagong mandato ang National Task Force (JTF) COVID Shield sa mga motorcycle riders. Ito ay ang pagsusuot ng full-face visor helmets kung ba-byahe sakay ng motorsiklo sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ na ipapatupad ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority.
Pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ang bagong alituntunin na ito ay ang sagot ng NTF sa peligrong dulot ng pagsusuot ng face-shield at helmet ng sabay ng mga motorcycle riders.
“Kailangan na kailangan na naka-face mask tayo at naka-face shield pa. So, kung plastic na face shield ang gagamitin sa motor, medyo delikado po ‘yan. Liliparin ‘yan unlike noong full-face visor.”
Ito ang pahayag ni Garcia.
Pagsusuot ng full-face visor helmet sa magkaangkasan sa motorsiklo
Kaugnay nito sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ipinaalam sa publiko ng MMDA ang bagong alituntunin na ito. Sa ilalim nito ay narito ang bagong motorcycle back ride guidelines:
- Required ang pagsuot ng helmet na may full-face visor para sa drayber at angkas ng motorsiklo ngayong GCQ.
- Kailangan abot hanggang baba ang visor o shield ng helmet.
- Dapat isuot ito kasama ng mask sa buong biyahe.
Maliban rito ay pinayagan narin ng NTF COVID ang pag-angkas sa motorsiklo ng walang barrier. Basta ang magkaakasan sa motorsiklo ay nakatira sa iisang bahay. Ngunit para mapatunayan ito ay kailangang maghanda ng ID o dokumento ang driver at angkas na may parehong address sa oras na sila ay ma-kwestyon o hanapan ng patunay ng awtoridad.
Required parin ang barrier sa mga magka-angkasan na hindi nakatira sa iisang bahay
Para naman sa mga mag-aangkasan sa motorsiklo na hindi nakatira sa isang bahay ay required parin ang paggamit ng motorcycle barrier. At kailangang ito ay pasok sa standards at disenyong inilabas ng NDF.
Maliban dito, ay kailangan ring APOR o Authorized Person Outside Residence ang nakaangkas sa motorsiklo. Habang ang driver naman ay pwedeng APOR o hindi. Ang APOR ay tumutukoy sa mga mamamayang edad 21-59 anyos. At ang mga empleyado at manggawang itinakda ng PNP na maaring lumabas sa ilalim ng General Community Quarantine.
Panghuli, dapat ang dalang motorsiklo ay privately-owned. Ito ay dapat hindi inarkilahan o inuupahan lang.
Bagong GCQ guidelines sa Metro Manila
Samantala, maliban sa pagsusuot ng full-face visor helmet ay may bagong GCQ guidelines at protocols rin na inalabas ang NTF sa Metro Manila. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Ang mga mass gatherings na dadaluhan ng higit sa sampung katao ay ipinagbabawal parin.
- Mananatiling sarado ang mga establisyementong nag-ooffer ng serbisyo sa personal care at aesthetic procedures. Maliban sa mga salon at barbershop. Ang mga gyms/fitness studios at mga sports facilities ay mananatiling sarado. Pati ang mga testing at tutorial centers. Ganoon rin ang mga review centers, internet cafes, drive-in cinemas at pet grooming services. Tinatayang sa September 1 ay maari ng magbukas ang mga gyms, review centers, testing centers, at internet cafes sa NCR. Pati na sa mga kalapit probinsya nitong Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan.
- Pinapayagan naman ang pagbubukas ng mga dine-in restaurants. Ganoon rin ang mga salon at barbersop pati na ang kanilang mga serbisyo maliban lang sa full body massage. Ang papayagang bilang ng tao o capacity ng mga customers sa bawat establisyemento ay base sa itatalaga ng mga local government unit ng kada syudad o city.
- Ang curfew hours ay magsisimula ng alas-8 ng gabi hanggang sa alas-5 ng umaga.
- Pagdating sa pagpapatupad ng pagkakaroon ng quarantine passes, ito ay naka-depende na sa desisyon ng local chief executives ng bawat syudad o city.
- Ang pagsusuot ng face shields maliban sa face mask ay ni-rerequire na sa mga commercial places, indoor workplaces at pampublikong transportasyon.
Pahayag ng Malacañang
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang mas istriktong guidelines na ito ay base sa kahilingan at napagkasunduan ng mga mayor sa NCR at kalapit nitong mga probinsya. Ang iba naman dito ay pansamantala lang habang nag-tatransition pa mula sa MECQ at GCQ stage.
“We considered the recommendations of the mayors to actually impose a stricter GCQ because when we consulted the mayors, they were in agreement that it should be GCQ but it should also be a strict type.”
Ito ang pahayag ni Roque sa isang panayam.
Source:
GMA Network, PCOO Gov, Manila Bulletin
BASAHIN:
“No more pain and suffering, hon”: Asawa ng doktor, namatay sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!