Ina ng batang lalaki sa MRT na labas ang bituka, umaapela ng tulong

Alamin dito kung ano ang birth defect na kung tawagin ay imperforate anus at paano ito maiiwasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

MRT Viral Story: Ina ng batang nakalabas ang bituka sa tiyan umaapela ng tulong upang mapa-gamot ang anak at maisaayos ang kalagayan nito.

  • Kuwento ng mag-inang nag-viral dahil sa isang post sa Facebook
  • Inang umaapela ng tulong para sa anak
  • Batang labas at bituka sa tiyan

MRT Viral Story

Viral ngayon sa Facebook ang larawan ng isang mag-ina sa MRT. Ayon sa uploader ng larawan na si Manilyn Palad ay nakasabay niya ang mag-ina sa MRT at naawa siya sa kalagayan ng mga ito. Dahil ang itsura umano ng bata ay halatang nanghihina at masama ang pakiramdam. Nang tanungin nga nila ang ina ng bata ay doon nila nalaman ang sensitibong kalagayan nito.

“Sobra po ako naaawa sa anak ni ate nakasabay ko sya sa MRT. Nakita namin ‘yung bata na parang nanghihina at parang may sakit na nararamdaman. Pinakita samin nu’ng nanay niya na ‘yun palang bituka nu’ng bata nakalabas. Hindi na makakain lahat ng kinakain nasusuka niya na.”

Ito ang pahayag ni Palad sa kaniyang post. Dagdag pa niya, ayon sa ina ng bata na nagpakilalang si Rosemarie, papunta sila ng anak sa Ospital ng Pasig. Doon ay nagbabakasali silang tanggapin at matingnan anga anak. Sa mga nauna kasing ospital na pinuntahan nila’y hindi ito tinanggap sapagkat wala silang perang pambayad. Kaya panawagan ni Palad sa mga netizen na may mabubuting puso, sana’y matulungan ang mag-ina.

“Ngayon po tinanung namin si ate san sila pupunta nu’ng anak niya sabi niya sa ospital ng Pasig magbabakasakali na tanggapin ‘yung niya, kasi daw po ‘yung mga pinuntahan nilang ospital tinanggihan sila kasi wala daw sila maiipngbyad as ospital. Sobra pong nkakaawa na ‘yung bata kasi lakad lang daw sila simula Parañaque. Sa mga nakakaluwag luwag po o angat sa buhay kung sakali po na gusto niyo sila matulungan.”

Ito ang pahayag pa ni Palad.

Batang labas ang bituka sa tiyan

Para malaman ang tunay na kalagayan ng bata sa MRT viral story ay nakipag-ugnayan kami sa ina nitong si Rosemarie. Ayon kay Rosemarie, ay ipinanganak na walang butas sa puwit ang kaniyang anak. Sa medical term ito’y tinatawag na imperforate anus. Para maisaayos ang kaniyang kundisyon ay isinailalim siya sa procedure na tinawag na colostomy. Kung saan may bahagi ng kaniyang intestine ay inilabas sa kaniyang tiyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ganito man ang kaniyang sitwasyon mula ng siya ay sanggol, sinikap naman umanong mabuhay ng anak ni Rosemarie na nagngangalang Ram John ng maayos. Ayon nga sa mga doktor ay malakas ang pangangatawan nito. Pero ngayon umano na 7-anyos na ito’y parang nahihirapan na ang anak. Hindi na nga umano ito nakakain at kung makakain man ay agad ding isinusuka. Kaya naman nais niyang mapatingnan ang anak.

Sa ngayon mula ng mag-viral ang kanilang larawan sa Facebook noong Linggo, November 8 ay nadala na sa doktor si Ram John. Ayon kay Rosemarie, niresetahan na muna ito ng mga vitamins at gamot. Ngunit patuloy pa ring inaalam at inoobserbahan ng mga doktor kung ano ang dapat gawin sa kondisyon niya.

BASAHIN:

Gamot sa pamamanas ng paa habang buntis na dapat mong malaman

4 na bagay na dapat gawin para sa healthy na pagbubuntis

Iwasan ang mga pagkain at inumin na ito habang nagbubuntis

Apelang tulong ng kaniyang ina

Apela ni Rosemarie sa may mabubuting puso, sana matulungan ang kaniyang anak. Lalo na sa pantustos ng kaniyang mga gamot at pagsasaayos ng kaniyang kondisyon. Dahil sila ay kapos sa buhay. Maliban kay Ram John ay mayroon pa siyang apat na anak. At ang sinasahod ng kaniyang asawang restaurant crew ay hindi pa sapat sa kanilang pangangailangan sa araw-araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang gusto lang sana matulungan ‘yung anak ko.  Para maging maayos na siya. Gusto ko lang maoperahan po ‘yung anak ko.”

Ito ang hiling ni Rosemarie.

Sa mga nais makatulong kay Rosemarie ay maari siyang makontak sa kaniyang numero na 09262872534.

Ano ang imperforate anus?

Image from Wiley Online Library

Ang imperforate anus ay isang uri ng birth defect na nangyayari habang ipinagbubuntis pa lang ang isang sanggol. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng improperly developed anus o kawalan ng butas sa puwit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga research, isa sa kada 5,000 sanggol ay maaaring makaranas ng ganitong kundisyon. Madalas itong nangyayari sa mga sanggol na lalaki. Nagsisimula itong mag-develop habang nasa ika-5-7 linggo ng pagbubuntis ang isang sanggol.

Ang mga sintomas ng kondisyon na ito ay makikita agad pagkapanganak ng isang sanggol. Ito ay ang sumusunod:

  • Kawalan ng butas sa puwit.
  • Butas sa puwit na wala sa maayos na posisyon. Maaaring sobrang malapit sa vagina para sa mga babae.
  • Kawalan o hindi pagdumi ng sanggol sa loob ng 24-48 oras matapos maipanganak.
  • Paglabas ng dumi sa ibang bahagi ng katawan. Tulad ng urethra, vagina, o scrotum.
  • Namamaga o malaking tiyan.
  • Abnormal na koneksyon sa pagitan ng rectum at reproductive organ ng sanggol.

Paano ito naitatama o nalulunasan?

Photo by freestocks.org from Pexels

Para maisaayos ang imperforate anus, madalas ay nangangailangang magsagawa ng surgery. Pansamantala, ang mga sanggol na nakakaranas nito ay isinasailalim sa temporary colostomy. Ito ang paglalagay ng butas sa kanilang tiyan kung saan mailalabas ang kanilang dumi. Kapag sila ay nasa tamang edad na ay maaari silang sumailalim sa isa pang surgery upang ito ay tuluyan ng maisaayos. Subalit ito’y nakadepende sa uri o lala ng imperforate anus na kanilang nararanasan.

Sapagkat ito’y isang kundisyon na may kinalaman sa development ng isang sanggol sa tiyan, hinihikayat ng mga eksperto ang mga babaeng buntis na hangga’t maaari ay laging maging maingat sa kanilang pagbubuntis. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Uminom ng vitamins na makakatulong sa maayos na development ni baby. Regular ng magpa-checkup upang masusubaybayan ang kanilang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Healthline

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement