Mucus plug, ano nga ba ito at ang senyales na ipinahihiwatig nito sa pagdadalang-tao.
Ano ang mucus plug?
Ang mucus plug ay ang thick, jelly-like fluid na pumuprotekta sa cervical canal kapag nagdadalang-tao ang isang babae. Ito ay inilalabas ng cervix at naiipon na nagsisilbing barrier para hindi makapasok ang unwanted bacteria at iba pang source ng infection sa uterus.
Kumpara sa typical na vaginal discharge ay mas makapal at malagkit ang mucus plug. Ito ay maaring clear ang kulay o kaya naman ay pink o lumabas na may kasamang dugo.
Ang mucus plug ng isang buntis ay maari lumabas pagkatapos ng isang cervical exam o kaya naman ay habang nakikipagtalik. Ngunit madalas, ang paglabas nito ay isa sa mga unang senyales ng malapit ng panganganak. Dahil ito ay nangyayari kapag bumubuka na ang cervix bilang paghahanda sa delivery.
Paglabas ng mucus plug bilang senyales ng pagla-labor
Ngunit hindi nangangahulugan na kapag lumabas na ang mucus plug ay agad ng lalabas si baby. Maaring matapos ng paglabas ng mucus plug ay manganak ang isang babae sa loob ng mga susunod na oras o araw. Puwede ding mauna ng lumabas ito ilang linggo bago pa ang panganganak.
Madalas ang mucus plug ay lumalabas matapos ang 37th week ng pagbubuntis. Ngunit may mga kaso rin ng pagdadalang-tao na lumalabas ang mucus plug sa ika-36th week. Ito ay nangangailangan ng agad na pagbisita sa doktor para malaman ang sanhi nito. At para ma-check ang kalagayan ni baby sa loob ng tiyan.
Isa lamang ang paglabas ng mucus plug sa pangunang hudyat at preparasyon ng katawan para sa pinakahihintay na delivery. Lalo pa’t ang senyales ng paglelabor ay iba-iba sa kada babae.
Pero ang paglabas nito na sasabayan ng sumusunod na sintomas ay ang malinaw na indikasyon na malapit ng manganak ang isang buntis:
Mga sintomas at palatandaan ng paglelabor
Lightening
Ang lightening ay ang pagbaba ng posisyon ng iyong baby sa iyong pelvis o ibabang bahagi ng tiyan. Ito ay ang paghahanda niya at pagpuwesto sa posisyon para sa nalalapit niyang paglabas. Dahil sa pagbaba ni baby ay mas nakakahinga na ng maayos ang buntis. Bagamat nadadaganan nito ang bladder ng babaeng nagdadalang-tao, dahilan upang mas madalas parin ang pag-ihi nito.
Pagputok ng panubigan
Ang pagputok ng panubigan ay ang palatandaan na malapit ng ilabas si baby sa mga susunod na oras. Kapag pumutok na ang aminiotic sac o panubigan na pinagbabalutan ni baby sa loob ng iyong tiyan ay asahan na mas lalakas ang contractions na mararanasan. Dahil ito sa kailangan ng lumabas ni baby sa loob ng iyong tiyan.
Cervical thinning (effacement)
Ang pagnipis ng cervix ay ang nagiging dahilan ng paglabas ng mucus plug. Ito rin ay na-iistretch bilang paghahanda sa pagdaan at paglabas ni baby.
Dilation
Ang dilation ay tumutukoy sa kung gaano na kalaki ang buka ng cervix ng isang buntis. Madalas ang cervix na may sukat na 10 centimeters o 10cm ay nangangahulugan na ang buntis ay handa ng manganak.
Ang dilation at effacement ay ang 2 major signs ng paglelabor. Bagamat, may ilang babae ang nakakaranas ng dilation ng kanilang cervix ilang linggo bago pa sila mag-labor at manganak.
Regular at malalakas na contractions
Ang buntis ay nakakaranas ng contractions habang lumalaki ang sanggol na nasa kaniyang sinapupunan. Ngunit ang uri ng contractions na mararanasan niya kapag siya ay manganganak na ay mas masakit at mas regular. At hindi naaalis kahit siya ay mag-iba ng puwesto.
Kapag naranasan na ang hindi maipaliwanag na sakit na ito, ay agad na dapat magpunta na sa ospital o clinic ang isang buntis para sa nalalapit niyang panganganak.
Source:
BASAHIN:
Mga tips para mapadali ang panganganak
Ready ka na ba manganak? You need at least P108,000 according to study
Anong pinagkaiba ng braxton hicks sa true labor?