Ipinapatupad na ngayon sa Pasay City ang multa sa hindi naka face mask. Ito ay alinsunod sa mga preventive measures kaugnay ng COVID-19.
Multa sa hindi naka face mask
Dahil sa tumataas pa rin na kaso ng COVID sa bansa, napagdesisyunan ng Pasay City government na magpatong ng 2,000 pesos na multa sa kung sino man ang mga mahuhuling hindi naka-face mask. Ito ay nakasaad sa City Ordinance No. 6098 series of 2020 na nagsasabing kailangan magsuot ng face mask sa lahat ng oras sa tuwing nasa pampublikong mga lugar.
Image from Freepik
Iisyuhan umano sila ng citation ticket para rito, na isusumite sa Office of the City Treasurer kasabay ng babayarang multa.
Tamang paggamit ng face mask
Ayon kay Dr. Joyce Lai, isang general practitioner, ang simpleng allergy mask ay hindi kayang magbigay ng sapat na proteksyon laban sa sakit. Ipinapayo niyang gumamit ng three-ply mask tulad ng surgical mask na may filter at kayang harangin ang mga virus sa pagpasok sa iyong ilong o bibig.
Ngunit upang ganap na maging protektado ay may tamang paggamit ng face mask na dapat sundin. Ito ay ang sumusunod na hakbang.
- Una ay itupi na sakto sa iyong nose bridge ang gitnang parte ng wire na makakapa sa isang bahagi ng iyong facemask. (Ang mga surgical mask ay ginawa na kung saan ang isang side ay may wire habang ang isa naman ay wala. Ayon parin kay Dr. Lai, sa tamang pagsuot ng facemask, dapat ang makakapang wire ay nakatapat sa ating ilong kapag naisuot.)
- Saka ilapit ang facemask sa iyong mukha at isuot sa magkabila mong tenga.
- Sunod na hatakin pababa ang dulo ng facemask sa iyong baba upang ganap na matakpan ito.
- I-seal ang mask sa pamamagitan ng pag-press sa wire sa iyong maxillary bone o ilalim na bahagi ng iyong mga mata.
- Ang face mask na naisuot nang tama ay hindi dapat magdulot ng fog kung ikaw ay nakasuot ng salamin sa mata. Dapat ito ay completely sealed.
Types ng face mask at ang mga gamit nito
Image from Freepik
N Series Respirators
Ang N95 ay kabilang sa N-series ng mga face respirator na kung saan nangangahulugang ito ay not resistant sa oil. O hindi nito kayang salain ang oil particles sa hangin.
Ito ay disposable mask na gawa sa non-woven material at may metal strip sa bandang ilong. May sponge ito sa nose area na nagbibigay sa nakasuot nito ng komportableng paghinga. Habang sinisigurong siya ay protektado laban sa mapanganib na particles sa hangin.
Ayon sa US Food and Drug Administration, ito ay nagbibigay ng “very close facial fit” at “very efficient” na proteksyon laban sa airborne particles.
Kabilang sa N-series ng face respirator ay ang N99 na nagbibigay ng 99% percent na proteksyon. At ang N100 naman ay nagbibigay ng hanggang 100% na proteksyon. Maliban sa mas mataas na level ng proteksyon, mas mahal rin ang presyo ng N99 at N100 kumpara sa N95 face respirator.
Ang mga N-series na face respirator ay walang specific na service life. Kaya naman maari itong gamitin hanggat ito ay walang damage o hindi nahihirapang huminga ang gumagamit nito.
R Series respirators
Para naman sa face respirator na kayang sumala ng oil particles sa hangin ay mayroon ding R series o Resistant to oil. Ito ay may R95 na kayang magbigay ng proteksyon ng hanggang 95%. R99 na nagbibigay proteksyon ng hanggang 99% at R100 na nagbibigay proteksyon ng hanggang 100%. Bagamat hindi tulad ng N-Series, ang R-Series ay mayroon lang service life na hanggang 8 oras.
P Series respirators
Kung gusto naman ng pang-matagalang proteksyon laban sa hazardous airborne particles ay mayroon namang P Series respirators. Ang mga P series respirators ay nagbibigay ng mas matinding proteksyon laban sa oil particles sa hangin o strong resistant to oil kung tawagin. Ito ay maaring gamitin ng hanggang 40 oras o may 30 days na service life. Ngunit, kumpara sa N Series at R Series, ang P Series respirators ay mas mahal o mataas ang presyo sa dalawa.
Surgical face mask
Image from Freepik
Samantala, ang mga surgical mask na madalas nating makikitang isinusuot sa loob ng ospital ay hindi ipinapayong gamitin bilang proteksyon laban sa mga airborne particles. Ito ang facial mask na hugis parihaba na may tig-isang strap sa magkabilang tenga. Ito ay dinesenyo para lamang salain ang bodily fluids ng taong nagsusuot nito. Tulad nalang ng laway at sipon na maaring may taglay ng virus o impeksyon. Isinusuot lang ito kung may sipon, ubo at trangkaso ang isang pasyente. Ngunit hindi nito kayang magbigay ng proteksyon laban sa mga hazardous particles sa hangin.
Dahil sa mabilis na pagkaubos ng N95 face mask Philippines sa ngayon, nagbigay payo ng alternative na paraan ang isang pulmonologist. Ayon kay Giancarlo Arandia, sa oras na walang N95 mask ay maaring gawing alternatibo ang basang towel o bimpo. Saka ito ang itakip sa ilong at bibig. Ang payong ito ay ibinahagi ni Arandia sa isang ABS-CBN interview.
Source:
ABS CBN News
Basahin:
Bagong mutation ng COVID-19, mas nakakahawa ayon sa DOH
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!