Nabanlian ng kumukulong tubig ang aksidenteng nangyari sa isang taong gulang na bata sa Ukraine.
Dahil sa nagyari ay nagtamo ito ng paso sa 80% ng kaniyang katawan na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay, labing-isang araw matapos ang aksidente.
Batang nabanlian ng kumukulong tubig
Ang batang nabanlian ng kumukulong tubig at namatay dahil sa aksidente ay kinilalang si Daniil Chernenko mula sa Salhany Village, Southern Ukraine.
Ang aksidente ay nangyari habang inihahanda ng ina ni Daniil na si Tetyana Chernenko ang tubig na pangligo nito.
Ayon sa report ay nagdala ng isang timba ng bagong kulong mainit na tubig si Tetyana sa loob ng kanilang kwarto.
Ang mainit na tubig ay ihahalo niya dapat sa malamig na tubig na ilalagay sa bathtub na pagliliguan ng anak.
Para makakuha ng malamig na tubig ay inilagay muna ni Tetyana ang timba na may bagong kulong mainit na tubig sa sahig malapit sa isang mesa kung saan nakapatong ang bathtub.
Sa puntong iyon ay nasa itaas ng mesa ang kaniyang anak na si Daniil at naglalaro malapit sa bathtub.
Ilang segundo lang matapos kumuha ng malamig na tubig si Tetyana ay nahulog sa mesang pinaglalaruan ang anak at dumeretso sa timbang may bagong kulong mainit na tubig.
Ayon sa kwento ni Tetyana ay nakita niya kung paano nalaglag ang anak at nabanlian ng kumukulong tubig.
Agad nga raw siyang tumakbo papunta sa anak para kunin ito mula sa balde ng mainit na tubig.
Niyakap niya daw ito at binalot ng isang cotton cloth.
At ng tanggalin ang cotton cloth ay nakita niya na nalapnos na ang balat ng kaniyang anak na nabanlian ng kumukulong tubig.
Sinugod agad si Daniil sa ospital at nalagay sa kritical na kondisyon dahil sa paso na natamo sa 80% ng kaniyang katawan.
Mula sa larawang kuha ng isang volunteer na si Katherine Nozhevnikova sa ospital na pinagdalhan kay Daniil ay makikitang tanging noo, mga daliri at paa lang nito ang hindi nabanlian ng kumukulong tubig.
Kwento naman ng isang hospital staff ay namaos nalang ang bata dahil sa kakaiyak na dulot ng sobrang sakit at mga paso sa kaniyang katawan.
Matapos nga ng labing-isang araw na nasa kritikal na kondisyon at dalawang araw matapos ang kaniyang first birthday ay biglang tumigil ang puso ni Daniil.
Sinubukan siyang sagipin ng mga doktor ngunit bumigay na ang katawan ng kaawa-awang bata at pumanaw na ito.
Dahil naman sa nangyari ay hindi mapatawad ng ina niyang si Tetyana ang kaniyang sarili sa naging kapabayaan nito na nagdulot ng aksidente at pagkamatay ng anak.
Source: DailyMail UK
Basahin: Pag-inom ng mainit na kape, nadodoble raw ang risk ng cancer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!