Nadine Lustre boyfriend na si Christrophe Bariou sa pagiging cancer survivor: “Our lives are way too precious to be wasted.”

Christophe inakalang hindi na siya magkakaanak at sariling pamilya ng malaman noon na may cancer siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nadine Lustre boyfriend na si Christophe Bariou ibinahagi ang naging laban niya sa sakit na cancer. Christophe isa ng survivor ay may realizations sa kaniyang naging karanasan.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Nadine Lustre boyfriend boyfriend na si Christophe Bariou sa pagiging cancer survivor.
  • Relasyon ni Nadine at Christophe.

Nadine Lustre boyfriend boyfriend na si Christophe Bariou sa pagiging cancer survivor

Larawan mula sa Instagram account ni Christophe Bariou

Sa Instagram ay ibinahagi ng Filipino-French entrepreneur na si Christophe Bariou ang kaniyang naging karanasan sa pakikipaglaban sa sakit na cancer. Si Christophe maliban sa matatagumpay niyang negosyo ay kilala rin bilang boyfriend ng aktres na si Nadine Lustre.

Ayon sa post ni Christophe, nagiging nakakatakot noon una para sa kaniya nang malaman na siya ay may bibihirang uri ng cancer. Ito daw ay nangyari three years ago kung saan noong mga panahong iyon siya ay sinabihan na may ilang linggo nalang ang natitira sa kaniyang buhay.

Si Christophe unang naisip noon na hintayin nalang ang kapalaran niya. Tinanggap niya na hindi na siya makakapag-asawa, magkakaanak at magkakaroon ng sarili niyang pamilya. Hanggang sa nalaman niyang may pag-asa pa at mapapahaba pa ang buhay niya.

“A couple days later, while trying my best to accept my fate between fear, anxiety, anger and frustration, I learned from other doctors that there was a chance to heal but I had to drop everything, leave immediately, and go back to France to a specialized hospital.”

“They discovered I had a very rare type of lymphoma and even mentioned it was so rare they had no statistics of survival but that they were still hopeful and my 6 month treatment started.”

Matapos ang cancer treatment niya kasama ang intense chemotherapy, umayos daw ang kalagayan ni Christophe. Gumaling siya mula sa sakit na nagbigay sa kaniya ng mga realizations sa buhay. Isa na nga rito ay ang maging mabuting tao sa komunidad at mga taong nakakasalamuha niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Nadine Lustre

“When it comes to advocacies, it was a brutal reminder that life is fleeting. We do not have the luxury to wander and be mindless. I want to be mindful and conscious in every action.

The best I can do is to lessen the suffering and cruelty around me, and promote kindness and compassion towards all forms of life – human and non-human. Our lives are way too precious to be wasted. In the same breath, other lives are too sacred to be robbed from them, too.”

Ito ang sabi pa ni Christophe.

Sabi pa niya sa karanasan ay may isang bagay rin siyang natutunan. Ito ay ang hindi matakot na gumawa ng pagkakamali at mabuhay sa paraang sasaya siya at walang pagsisisihan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I can make mistakes, I can make bad decisions but one thing I never want to have again is regrets.”

“Live and let live”, sabi pa niya.

Relasyon ni Nadine at Christophe

Taong 2021 ng magkakilala si Nadine at Christophe sa Siargao. Ito ay matapos ang kontrobersyal na break-up ni Nadine at aktor na si James Reid. Si Christophe ay nagmamay-ari ng isang resort sa Siargao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinumpirma ni Nadine ang relasyon nila sa sumunod na taon na sila ay magkakakilala. Bibihira mang mag-share ang dalawa sa social media ng mga larawan nilang magkasama ay mararamdamang masaya ang kanilang pagsasama. At sa pagbabahagi na ito ni Christophe ay nagkaroon ng paliwanag sa paningin ng mga netizens at fans ni Nadine kung bakit siya na-inlove kay Christophe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement