X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Dahil napuno sa sama ng araw niya, lalaki itinapon ang halagang ₱735k sa kalye

3 min read
Dahil napuno sa sama ng araw niya, lalaki itinapon ang halagang ₱735k sa kalyeDahil napuno sa sama ng araw niya, lalaki itinapon ang halagang ₱735k sa kalye

Isang lalaki ang nagkaroon ng bad day ang napuno kaya't nagtapon ng pera na may halagang P735k sa kalye! Ngayon, siya ay nagmamaka-awa na maibalik ang pera

Nagkagulo ang isang kalsada sa Shishi City sa China nang magkalat ang mga pera dito. Dali-daling tumigil ang mga motorista upang pumulot ng pera. Ang mga pedestrian din ay nagmadaling pumunta sa gitna ng kalsada upang makakuha din. Ang pera ay mula sa isang lalaki na napuno sa sama ng kanyang araw kaya ay nagtapon ng pera.

Nagtapon ng pera na may halagang 735k ang lalaki

Si Huang ay isang 42 taong gulang na lalaki na nakatira at nagta-trabaho sa Shishi City, sa probinsiya ng Fujian. Mula siya sa isang ordinaryong pamilya at hindi ubod ng yaman. Ganunpaman, dala ng isang masamang araw, biglaan itong nagtapon ng pera na nagkakahalagang 100,000 Yuan (nasa P734,949.25) sa kalsada.

Makikita sa video na nakapost sa microblogging social media ng China ang pagmamadali ng mga tao upang makakuha ng pera. Ang mga ito ay nagmadali na makakuha ng mga buong 100 Yuan (P734.95) na nakakalat sa kalsada.

Ngayon ay humihingi ng tulong si Huang sa mga pulis upang mabawi ang perang tinapon. Ayon sa kanya, nadala lamang siya ng bugso ng kanyang damdamin dahil sa problema sa trabaho. Binatikos man ng mga pulis ang kanyang nagawa, nag-anunsiyo ang mga pulis na gawin ang tama at ibalik ang pera. Ilan sa mga perang ito ay nadala na sa mga pulis nuong Martes nang gabi.

De-stress

Normal lamang na makaranas ng stress sa buhay. Subalit, kung sumobra ito, maaaring ma-udyok ang isang tao na gumawa ng isang bagay na pagsisisihan nito. Ang mas masama, maaari rin itong maka-apekto sa kalusugan sa paraan ng pagkakasakit. Upang maiwasan ito, maaaring gawin ang mga sumusunod nang mabawasan ang iyong stress:

Partner Stories
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
  • Huminga nang malalim. Ang paghinga ng malalim ay nagdudulot ng dagdag na oxygen sa ating katawan. Dahil dito, maaaring bumagal nervous system at mapakalma ang isang taong nas-stress.
  • Kumain ng mood-boosting na mga pagkain. Ang mga pagkain na nakakapagpasaya ng isang tao ay maaaring makapagpabago ng mood nito. Dahil sa seratonin na nakukuha sa mga paboritong pagkain, kakalma at sasaya nang sapat upang bumaba ang stress levels.
  • Haplos ng pagmamahal. Ang mga kababaihan ay kilalang natural na nakakarelease ng endorphins mula sa haplos ng kanilang partner. Dahil dito, ang halik o mahigpit na yakap ay magandang panlaban sa hindi magandang araw.
  • Maglakad-lakad. Ang paglalakad-lakad ay naglalagay ng kaisipan sa isang meditative na kalagayan. Nakakapag-release ito ng endorphins na nakakapagpababa ng stress-levels.
  • Mag-chewing gum. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagnguya ng chewing gum ay nakaka-tulong sa atensyon at pagiging epektibo ng isang tao. Nakita rin na nakakapag dulot ito ng magandang epekto sa anxiety.
  • Mag-alaga ng aso. Nakita sa mga pag-aaral na ang pag-aalaga ng mga aso ay nakakapagpababa ng cortisol levels at nakakapagpataas ng hormone na oxytocin.
  • Magkaroon ng sapat na tulog. Ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga ay nakaka-tulong sa pagkontrol ng mood at pagpuksa ng stress. Ang rekumendadong dami ng oras ng pagtulog ng matatanda ay nasa 8 oras, ngunit masmataas ang kailangan kapag nakakaramdam ng stress.

Subukan ang mga tips na ito bilang panlaban sa mga araw na hindi maganda. Ingatan ang kalusugan at huwag piliin na magtapon ng pera para mawala ang stress.

Basahin din: 5 Paraan para bawasan ang parenting stress

Source: South China Morning Post

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Dahil napuno sa sama ng araw niya, lalaki itinapon ang halagang ₱735k sa kalye
Share:
  • Lunod ka na ba sa parenting stress? Ito ang iyong dapat gawin

    Lunod ka na ba sa parenting stress? Ito ang iyong dapat gawin

  • Mister, iniwan si misis matapos manalo ng lotto

    Mister, iniwan si misis matapos manalo ng lotto

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

app info
get app banner
  • Lunod ka na ba sa parenting stress? Ito ang iyong dapat gawin

    Lunod ka na ba sa parenting stress? Ito ang iyong dapat gawin

  • Mister, iniwan si misis matapos manalo ng lotto

    Mister, iniwan si misis matapos manalo ng lotto

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pag-aalaga ng baby at kanilang kalusugan.