Bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga? Nahihirapan ba silang huminga dahil dito? Hindi talaga mabuti sa katawan ang sintomas ng sakit sa paghinga. Ngunit kapag nagkaroon ng sakit, tulad ng bronchiolitis, mas tumitindi ang hirap sa paghinga. Ang problema kasi ay hindi madaling mapansin kapag nahihirapan huminga ang sanggol. Kaya gustong ibahagi ng isang ina ang mga tips para malaman agad ito ng mga magulang.
Bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga?
Image from Freepik
Maraming kaso na nagsasabing masama padedehin ang bata nang nakahiga. Ito raw kasi ay maaring maging sanhi ng pagka-samid nila. Kaya ang tanong ng mga new moms, bawal ba padedehin ang baby ng nakahiga? Kung ikaw ay nangangamba, alamin na lamang ang mga posisyon ng breastfeeding na mas maigi para kay baby.
Paano malalamang kapag nahihirapan huminga ang sanggol?
Image from Freepik
Si Charlie O’Brien, isang nanay at blogger sa UK, ay gumawa ng video upang ipaalam sa mga magulang ang seryosong sintomas ng flu sa mga sanggol. Bagama’t noong nakaraang taon pa in-upload ang video, malaking tulong pa rin ito sa mga magulang.
Napansin ni Charlie na ang kaniyang anak na si Luna ay tila kakaiba ang paghinga. Napansin niya na tila masyadong mabilis ang paghinga ng anak, at lumalaki daw ang butas ng kaniyang ilong.
Nang tanggalin niya ang damit ni baby Luna, napansin niya na parang nahihirapan huminga ang sanggol. Masyadong lumulubog ang ribs ni Luna kapag siya ay humihinga. Naisip agad ni Charlie na hindi ito magandang senyales, at dinala niya agad sa doktor ang kaniyang anak.
Panoorin:
Ayon kay Dr Kristin Dean, ang Associate Medical Director mula sa Doctor on Demand, retractions ang tawag sa naging paghinga ni luna.
Nangyayari raw ito kapag kinakailangan gumamit ng rib muscles at muscles sa leeg ang sanggol para lang huminga. Ibig sabihin, ito ay sintomas na nahihirapan huminga ang sanggol.
Paano nagsimula ang kaniyang sakit?
Bago pa man niya kunan ng video ang anak, napansin na ni Charlie na may sakit si Luna.
Dinala niya si Luna sa ospital, dahil nagkaroon ng bronchiolitis ang kanilang anak na lalake. Doon, nag-antay sila ng ilang oras, at bumuti na din ang pakiramdam ni Luna.
Ngunit noong araw na nakunan nila ang video, tahimik daw at hindi malikot si Luna. Napansin lang niya ang problema nang tanggalin ang damit ng sanggol.
Inalala niya ang pangyayari:
“Pinapanood ko siyang matulog sa tabi ko at parang may hindi tama sa kaniya.
Tinanggal ko ang damit niya at eto ang aking nakita.
Kapag lumulubog ang ribs sa paghinga, dapat mo nang dalhin ang iyong anak sa ospital.
Mayroon raw siyang bronchiolitis, at mababa ang oxygen sa katawan. Sa kabutihang palad, nabigyan siya ng oxygen sa ospital at bumuti ang kaniyang kalagayan.”
Nangyayari ang bronchiolitis kapag ang respiratory syncytial virus (RSV) ay kumakalat sa airways ng isang tao. Sa mga matatanda at malalaking bata, ang mga sintomas nito ay katulad halos ng sipon at ubi. Ngunit ito ay nakamamatay para sa mga sanggol.
Ang RSV ay nakakahawa, at kumakalat kapag mayroong umuubo o bumabahing.
Bakit niya kinuhanan ang video?
Ayon kay Charlie, kinuhanan daw niya ng video ang anak habang naghihintay sa National Health Service ng Britain na tawagan siya. Kinuhanan niya ng video ang kaniyang anak upang maipakita agad sa mga doktor, at malaman ang mga sintomas.
Dahil dito, madaling naagapan ang sakit ni Luna. Naidala agad siya sa pagamutan at nabigyan ng oxygen para sa kaniyang sakit. Bumuti na rin ang kaniyang pakiramdam at ngayon siya ay isang malusog na 1-year-old!
O’Brien and her 1-year-old daughter, who is now healthy and happy, Luna.
Pinuri siya ng mga eksperto, at sinabing dapat kalmado palagi
Ayon kay Dr Dean, kapag napansin ng mga magulang na nagkakaroon ng retraction ang kanilang sanggol habang humihinga, mabuting dalhin na agad ito sa doktor.
Dagdag pa ni Diana Spalding, isang pediatric nurse, dapat maging kalmado lamang ang mga magulang, at dalhin agad ang kanilang anak sa ospital, o kaya ay tumawag sa emergency services.
Mabuti ring magtiwala ang mga magulang sa kanilang hinala. Kung sa tingin nila ay masama ang lagay ng kanilang anak, o kaya nag-aalala sila sa kondisyon nito, hindi dapat mag dalawang-isip na pumunta agad sa ospital.
Mga magulang, huwag mag atubiling humingi ng tulong sa doktor kapag may napansing kakaiba sa inyong anak. Huwag kayong matakot na magtiwala sa inyong gut instinct!
References: Irishnews.com
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/breathing-difficulties-in-babies
Basahin:
Ibinahagi ng isang ina ang simpleng lunas sa sipon at ubo
4 breastfeeding positions para sa tamang pagpapasuso kay baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!