Nahihirapan sa pag aaral ang iyong anak?
Ang kindergarten ay importanteng parte ng academic journey ng mga bata. Ito ang unang parte ng kanilang development para sa skills sa literasiya at math. Bukod dito, nagkakaroon din sila ng interaction sa mga bagong tao at malayang nagkakaroon ng kaibigan.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pag-aaral tungkol sa epekto ng relasyon pang akademya ng isang guro sa kaniyang estudyante
- Benepisyo ng pagbabasa ng libro
Ngunit alam mo bang importante ang relasyon ng iyong anak at kaniyang guro?
Isang pag-aaral mula Teacher Stress Study sa University of Jyväskylä, University of Eastern Finland at New York University of Abu Dhabi ang nagsasabing ang pagkakaroon ng problema ng iyong anak sa kaniyang guro ay isang dahilan kung bakit nawawalan ito ng interes sa pag-aaral.
Nahihirapan at nawawalan ng interes sa pag-aaral ang iyong anak?
Kabilang sa pag-aaral na ito ang 461 na mag-aaral na may edad anim na taong gulang. Kasama rin ang 48 na guro sa nasabing pag-aaral. Nakita sa resulta nito kung paano naapektuhan ang interes sa pagbabasa at aralin sa math ng mga bata ang relasyon nila sa kanilang mga guro.
BASAHIN:
Matalinong bata: Mga dapat taglayin ng magulang para sa success ng kanilang anak
STUDY: Mas matalino ang mga bata kapag mayroong sapat na Vitamin D ang ina habang nagbubuntis
Pinakamatalino sa magkakapatid ang panganay, ayon sa pag-aaral
Nagkakaroon ng negatibong epekto sa motibasyon ng isang bata sa pag-aaral kung sila:y mayroong problema sa guro. Isa rin itong dahilan kung bakit nawawalan ng interes ang iyong anak sa pagsali sa mga aktibidad sa sa eskuwelahan.
Nakita ng mga researcher na ang mga batang may problema sa kanilang guro ay maaaring bumaba ang interes sa pag-aaral ng literasiya at matematika. Dalawang bagay ang maaaring naging dahilan nito. Una, ang pagbaba ng interes ng bata sa mga aktibidad o ang mga guro ay mas nakatutok sa kilos at ugali.
Kahalagahan ng Teacher-Student relationship sa akademya
Kinakailangan na mas pagtuunan ng pansin ng mga magulang kung ano nakakapag-motivate sa kanilang anak. Dito rin nalaman ng mga eksperto kung gaano kaimportante ang magandang relasyon ng guro at estudyante pagdating sa akademya para sila ay mag-excel.
Sa research na ito ipinakita kung ano ang maaaring maging impluwensya ng relasyon ng guro sa kanilang estudyante para sa pag-aaral nila.
Para maiwasan ang tagpong ito, nirerekomenda ng mga ekperto na magkaroon ng iba’t ibang programa para sa mga guro. Kung saan matututunan nila kung paano magkaroon ng magandang relasyon sa kanilang estudyante. Maganda itong pagsasanay para na rin sa mabuting takbo ng pag-aaral ng bawat bata.
Ayon pa kay Professor Jaana Viljaranta mula University of Eastern Finland, “Compared to daycare, kindergarten introduces children to a more structured learning environment. The experiences children gain in this environment may have long-term consequences on the development of their academic motivation and competencies. Therefore, it is essential that our teachers are aware of the power their interaction with children may have, and that they are supported in finding optimal ways to interact with each child, while taking individual strengths and needs into consideration,”
Paano maging matalino si baby
Alam mo ba na mayroong mga maliliit na bagay na puwedeng magkaroon ng malaking epekto sa iyong anak? Isa na rito ang pagbabasa sa kanila ng libro. Marahil marunong na silang magbasa mag-isa pero ang pagbabasa ng libro sa kanila ay mas nakakabuti raw ayon sa mga pag-aaral.
Subukan umano itong gawin araw-araw at makikita mo unti-unti ang mga benepisyo nito. Bagama’t madalas ay abala ang mga magulang sa ibang bagay, importante talagang bigyan pa rin ang iyong anak ng kahit kaunting oras at atensyon.
Ano ang mga benepisyo nito
1. Malawak na vocabulary
Dahil ang bata ay makakarinig ng mga bagong salita at kahit papano’y malalaman ang ibig sabihin nito, lalawak ang kaniyang vocabulary. Ayon sa mga pag-aaral, ang batang may malawak na vocabulary ay mas nage-excel sa eskuwela dahil kapag mayroong itinuturo ang kanyang guro, naiintindihan niya ito nang buo. Kumpara sa bata na kaunti pa lang ang alam na salita.
2. Siya’y masasanay na magbasa ng libro
Dahil ito ay isang habit na mabubuo sa kaniya, lalaki ang bata na nagbabasa ng libro. Hindi ka mahihirapan sa tuwing mayroon silang kailangang basahin para sa eskuwela. Sa panahon din kasi ngayon, maraming bata ang mas gustong gumamit ng gadgets o ‘di kaya:y matuto mula sa mga pinapanood sa YouTube. Wala namang masama sa mga ito, pero ang batang mahilig magbasa ay mas maituturing pa rin na advanced.
3. Bonding time
Ito rin ay magsisilbing bonding time niyo ng iyong anak. Sa tuwing babasahan mo siya ng libro, mararamdaman niyang naglalaan ka ng oras para sa kaniya at dahil dito, ilu-look forward niya ang bonding na ito.
4. Nagkakaroon siya ng empathy
Dahil sa mga kuwento ay nai-immerse ang bata sa iba’t ibang karakter. Dahil dito, natututo siyang pakiramdaman ang mga saloobin ng mga ito at siya ay magkakaroon ng sense of empathy.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Karagdagang ulat mula kay Mayie