TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Normal lang ba ang naiihi tuwing nakikipagsex?

3 min read
Normal lang ba ang naiihi tuwing nakikipagsex?

Bakit nga ba naiihi kapag nakikipagsex paminsan ang mga tao? Ating alamin kung anu-ano ang dahilan sa ganitong pangyayari.

Naranasan mo na ba na habang nakikipagsex sa iyong asawa ay bigla ka na lang naiihi? Nakakainis ang pakiramdam na ito lalo na kung malapit ka na mag-orgasm, at minsan pa nga ay nakakabitin o kaya nakakawala ng mood. Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit naiihi kapag nakikipagsex ang ilang mga babae?

Bakit nga ba naiihi kapag nakikipagsex ang ibang babae?

Maraming dahilan kung bakit ito nararanasan ng ibang mga babae. Posibleng sadyang naiihi na sila, at nakalimutan lang nila gawin dahil gusto na nilang makipagsex sa kanilang asawa.

Posible rin na ang mismong pakikipagsex ang nagdulot nito. Ito ay dahil habang pumapasok ang iyong asawa, posibleng maipit o magkaroon ng pressure sa iyong pantog, at ito ang nagiging dahilan kung bakit ka naiihi.

May mga pagkakataon rin na ang pagkakaroon ng dry na vagina ang dahilan kung bakit ka naiihi. Ito ay dahil nagiging sanhi ito ng irritation, at nagkakaroon ng swelling ng urethra. Dahil dito magkakaroon ka ng pakiramdam na parang gusto mong maihi, kahit hindi naman talaga.

Paano kung malapit na ako mag-orgasm?

Para sa mga ibang babae, nakakaranas sila ng pakiramdam na parang naiihi sila kapag malapit na silang magkaroon ng orgasm. Ngunit paano nga ba malalaman kung naiihi ka, o orgasm lang ito? Simple lang ang kailangan mong tandaan; kapag ikaw ay naiihi, medyo masakit ang pakiramdam nito. Kung hindi mo ito nararamdaman, malamang sa malamang ay baka malapit ka nang mag-orgasm.

Mayroon ding tinatawag na “female ejaculation” o naglalabas ng fluid ang isang babae kapag siya ay nag-orgasm. Katulad lang ito ng pagkakaroon ng orgasm ng mga lalake, ngunit ang pakiramdam nito ay para kang naiihi.

Hindi sigurado ang mga scientists kung ano nga ba talaga ang fluid na ito. Ayon sa iba, ihi lang daw ang lumalabas, ngunit sabi naman ng ibang scientist ay ibang klaseng fluid ito.

Ano ang dapat gawin kapag naiihi kapag nakikipagsex?

Ang pinakamagandang solusyon dito ay umihi muna bago ka makipagsex. Ito ay upang masiguradong walang laman ang iyong pantog, at hindi mo aksidenteng maihian ang iyong asawa, o kaya ay itigil ang inyong pagtatalik.

Kung nahihiya ka naman sa pagkakaroon ng female ejaculation, puwede kayong mag sex habang nasa shower, o kaya sumubok ng ibang mga sex positions.

Ngayon, kung napapansin mong parang masyadong madalas kang naiihi habang nakikipagsex, mabuting magpatingin ka na sa doktor. Ito ay dahil posibleng mayroon kang UTI, at mabuting magamot ito kaagad bago pa lumala.

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

 

Source: Women’s Health Mag

Basahin: Sex positions para sa mga matagal nang nagsasama

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Normal lang ba ang naiihi tuwing nakikipagsex?
Share:
  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

    Paano Na? Action Plan Kapag Namatay ang Asawa Mo—Inspired by Rufa Mae Quinto’s Story

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko