Madalas mo na bang nakikita na naglalaro ang inyong mga chikiting ng para bang nagtatrabaho sila? Larong nagkukunwari silang teacher, nurse, doktor, cashier o kaya naman ay nasa salon? Magandang obserbasyon ito dahil ibig sabihin nag-eexplore na sila ng hobbies at lumalawak ang imagination nila. Kung napapansin niyong mahilig sila maglaro nang parang nasa salon, baka gusto niyo silang bigyan ng safe for kids na mga laruan. Narito ang listahan ng nail polish safe for kids.
Bakit mahalagang may mga hobbies ang inyong chikitings?
Ang mga hobbies ay mga regular activities na kadalasang ginagawa pampalipas ng oras. Ang purpose nito ay para magkaroon ng enjoyment.
Sa mga bata, nade-develop ang kanilang passion at talent kung nauunawaan ng mga magulang ang kanilang mga hobbies. Mapapansin ito sa mga larong ginagawa nila.
Sila ba ay mahilig kunwaring mag-aayos-ayos ng buhok, magturo, maggamot-gamutan, o magmake-up sa kanilang mga kalaro? Diyan niyo kasi mapapansin kung anong hilig nila.
Mahalagang malaman ito dahil maaaring maging lifetime benefit ito para sa kanila. Natural kasing makakakuha sila ng mga skills and dagdag knowledge dahil sa mga hobbies na ito.
Ito rin ang pwedeng maging way para malaman na nila kung ano ang gusto nilang tahakin in the long run.
Benefits ng bonding with your kids through nail polish safe for kids
Best way para makuha ang attention ng inyong mga kids ay alamin kung saan sila nag-eenjoy. Ilan sa mga benefits na pwedeng makuha sa pakikipagbonding sa kanila with their hobbies ay:
Quality time
Minsan mahirap kunin ang attention ng mga kids dahil sa maiksing span na mayroon sila. Madali kasi silang ma-distract sa mga bagay-bagay. One of the ways para magkaroon siya ng oras at atesnyon sa inyo ay sumali sa kanilang mga hobbies.
Dahil sa hilig nila ang mga ito, sure na mas mahaba ang attention span na kaya nilang ilaan. Ito ang pwede ninyong gawin para magkaroon ng quality time kasama sila.
Explore your kid’s talents
“Every talent has a place" ika nga. Malalaman mo kung ano ang mga pwedeng i-develop at suportahang talent ni baby sa kanilang mga hobbies.
Bawat hobby na kanilang pinapasok kasi ay ibig sabihin bagong talents at skills na naman. Isa sa benefits din ng pag-explore ng kanilang mga talents ay ang pag boost ng kanilang self-confidence at self-esteem.
Develop parenting skills
Maganda ang relationship ng mga kids sa kanilang parents kung nakikitaan nila ito ng suporta sa kung anong gusto nilang gawin.
Madalas naiisip ng mga magulang kung ano ba ang pagkukulang nila sa tuwing nalalayo ang loob nila sa kanilang mga anak.
Maaaring ma-develop ang parenting skills sa pamamagitan ng pag-explore sa hobbies ng mga kids. In this way, nakikita mo rin kung ano ang dapat mong maitulong at pagkukulang when it comes to parenting.
Mga dapat hanapin sa pagpili ng nail polish safe for kids
May mga chemical ang nail polish kaya usually for adults ito.
Kung nahihilig talaga ang anak niyo sa manicure at pedicure, maaaring i-consider ang tatlong bagay na ito kung bibili na ng ganitong klase ng laruan:
- Interest - Try to observe kung anong style at design ang hilig niya o itanong ito sa kanya. Mas doble kasi ang sayang dala ng laruan kung nasa interest niya ito.
- Safety - Parating i-check kung ang laruan ang appropriate ba para sa mga bata. Tignan kung anong ingredients at materials ang kasama sa produkto. Mas maganda ring alamin kung may mga certificates ba ang brand na nagpapatunay na sila ay safe to use by kids.
- Variety - The more, the merrier! Maiksi ang attention ng bata, so mas maganda kung ang bibilhin mo ay maraming variety. Bukod sa kulay, masaya rin kapag may kasamang nail stickers, glitters, etc.
5 Best Nail Polish Safe for Kids
Para mas mapadali ang pagpili ng nail polish safe for kids, inilista namin ang ilang options para sa iyo:
[product-comparison-table title="5 Best Nail Polish na Safe for Your Kids"]
Best quick-drying and long-lasting nail polish safe for kids

Love na love ba ng inyong kids si Hello Kitty? Ang Hello Kitty Sweet Nail Polish ay best para sa long-lasting shine at quick-drying ng polish sa nails. Mayroong tatlong textures ang kanilang ino-offer, matte, mirror, at glitters.
Marami ka ring pwedeng choices na pagpilian, like bright oil, China red, pink, rose red, light bean paste, matcha green, strawberry red, khaki, ice cream purple, colorful pink at 51 degrees gray.
Features We Love:
- Safety: Non-toxic, high-quality products, and 100% brand new.
- Variety: Matte, mirror, and glitters.
- Design: Hello Kitty themed packaging.
Best for fruity flavors

Isa ang Little Bling sa mga best selling kids cosmetic brand sa Korea. Sobrang attractive ng packaging pa lang ng Little Bling Secret Jouju Jewelry Nail.
It comes with different shapes at may mga pictures pa ng princesses na tiyak magugustuhan ng mga kids.
Kung nagugustuhan ng inyong mga anak ang mga “fruity flavors" o “fruity scents" perfect ito para sa kanya. Kahit pa may fruity flavors guaranteed pa rin na may low level for irritation dahil quick drying at easy to remove ang mga ito.
Kahit pa water-based ang material quality pa rin ang coloring power ang nail polishes ng Little Bling.
Features We Love:
- Safety: Natural ingredients (EWG verified ingredients), hypoallergenic, and tested for harmful ingredient via Korean GOV accredited institution.
- Variety: Fruit flavored nail polishes, free jewelry stickers, and with cubic bling-bling earrings.
- Design: Pastel colored nail polishes and with princesses pictures.
Best nail polish safe for kids with nail stickers

Super unique ang mga nail polishes na ito ng Miigu Toys. Attention grabbing na ang packaging para sa kids dahil sa fun characters ng mga ito.
Washable ang Miigu Toys Saalin Nail Polishes and Stickers at hindi masakit sa balat kaya no need to worry about damaging nails.
Watermelon red, fuschia pink, light pink, green, blue, at yellow ang mga colors na pwedeng pagpilian ng mga kids.
Tiyak na matutuwa sila kung ang Miigu Toys Saalin Nail Polishes ang ibibigay mong gift sa kanilang birthdays or holidays.
Features We Love:
- Safety: Safe & non-toxic, environment friendly, water-soluble, and easy to peel-off.
- Variety: With nail stickers.
- Design: Unique and fun characters packaging and bright colored polishes.
Best for peel-off nail polish

Kilala ang Pinky Cosmetic bilang Korean company na gumagawa ng safe cosmetics for children. Number one priority nila ang safety ng kids para mapanatag ang mga moms kung bibilhin ito ang bibilhin na toy para sa kanila.
May makikitang cute ribbons at princess characters sa packaging ng I’m Pinky Kids Water-based Peel-off Nail Polish kaya naman maganda sa mata ng mga bata.
Mayroon din itong 13 different color shades plus 1 top coat para ma-enjoy ni baby ang mga pagpipilian.
Para lang din itong stickers kung ilalagay sa kuko dahil sa dali nitong tanggalin at di na need ng acetone o nail polish remover.
Features We Love:
- Safety: Odorless, water-based to minimized nail damage, good raw material, and no hazardous ingredients.
- Variety: With one top coat.
- Design: Vivid and fun colors and mild flavors.
Best for scented nail polish safe for kids

Cute na cute for kids ang nail polishes ng Piggy Paint. Super fun at vibrant ang mga colors na ino-offer nila swak para lalong ma-enjoy ng kids ang choices.
Water-based na rin ang formula pero durable ito dahil hindi nagpe-peel kaagad. Pwedeng pang matagalang gamit sa mga nails.
Hindi ka na rin magwo-worry kung ano ang maiinhale ng chikiting dahil ang Piggy Paint Scented Nail Polish ay hypoallergenic.
Mapapanatag talaga ang mga moms kung ito ang magiging toys ng kanilang mga anak.
Features We Love:
- Safety: Non-toxic, hypoallergenic, and cruelty-free.
- Design: Kid-friendly designs and brightly colored.
Price Comparison
Ngayong alam mo na ang ilan sa mga reviews at features ng mga nail polishes na ito, maganda ring makita kung swak ba sa budget ang mga presyo nila:
Brand |
Price |
Hello Kitty Sweet Nail Polish |
Php 45.00 per piece |
Little Bling Secret Jouju Jewelry Nail |
Php 215.00 |
Miigu Toys Saalin Washable Nail Polishes and Stickers |
Php 481.00 |
I’m Pinky Kids Water-based Peel-Off Nail Polish |
Php 232.00 |
Piggy Paint Scented Nail Polish |
Php 350.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Para sa mas imaginative at creative play pa ng iyong anak, bilhan sila ng playhouse! Basahin: Playhouse For Sale Philippines: Best Para Sa Inyong Imaginative Kids