Best Nail Polish Safe for Kids: Para Sa Mas Masayang Bonding With Kids

Lagi mo bang napapansin na naglalaro ang inyong kids na para bang nasa salon sila? Check out this list of nail polish safe for your kids!

Madalas mo na bang nakikita na naglalaro ang inyong mga chikiting na para bang nagtatrabaho sila? Larong nagkukunwari silang teacher, nurse, doktor, cashier o kaya naman ay nasa salon? Magandang obserbasyon ito dahil ibig sabihin nag-eexplore na sila ng hobbies at lumalawak ang imagination nila.

Kung napapansin niyong mahilig sila maglaro na parang nasa salon, baka gusto niyo silang bigyan ng child-friendly salon toys or products. Isa na riyan ang nail polish. Turuan pa silang mas maging creative at pumili sa aming listahan ng best nail polish for kids. Siguradong panibagong bonding experience na naman ang hatid ng product na ito sa inyo!

Bakit mahalagang may hobbies ang bata?

Ang hobbies ay mga regular activities na kadalasang ginagawa pampalipas ng oras. Ang purpose nito ay para magkaroon ng enjoyment. 

Sa mga bata, nade-develop ang kanilang passion at talent kung nauunawaan ng mga magulang ang kanilang mga hobbies. Mapapansin ito sa mga larong ginagawa nila.

Sila ba ay mahilig kunwaring mag-aayos-ayos ng buhok, magturo, maggamot-gamutan, o magmake-up sa kanilang mga kalaro? Diyan niyo kasi mapapansin kung anong hilig nila.

Mahalagang malaman ito dahil maaaring maging lifetime benefit ito para sa kanila. Natural kasing makakakuha sila ng mga skills and dagdag knowledge dahil sa mga hobbies na ito.

Ito rin ang pwedeng maging way para malaman na nila kung ano ang gusto nilang tahakin in the long run.

 

Benefits ng bonding with kids – Using nail polish for kids

Best way para makuha ang attention ng inyong mga kids ay alamin kung saan sila nag-eenjoy. Ilan sa mga benefits na pwedeng makuha sa pakikipagbonding sa kanila with their hobbies ay:

Quality time

Minsan mahirap kunin ang attention ng mga kids dahil sa maiksing span na mayroon sila. Madali kasi silang ma-distract sa mga bagay-bagay. One of the ways para magkaroon siya ng oras at atesnyon sa inyo ay sumali sa kanilang mga hobbies.

Dahil sa hilig nila ang mga ito, sure na mas mahaba ang attention span na kaya nilang ilaan. Ito ang pwede ninyong gawin para magkaroon ng quality time kasama sila. 

Explore your kid’s talents

 “Every talent has a place" ika nga. Malalaman mo kung ano ang mga pwedeng i-develop at suportahang talent ni baby sa kanilang mga hobbies.

Bawat hobby na kanilang pinapasok kasi ay ibig sabihin bagong talents at skills na naman.  Isa sa benefits din ng pag-explore ng kanilang mga talents ay ang pag boost ng kanilang self-confidence at self-esteem.

Develop parenting skills

Maganda ang relationship ng mga kids sa kanilang parents kung nakikitaan nila ito ng suporta sa kung anong gusto nilang gawin.

Madalas naiisip ng mga magulang kung ano ba ang pagkukulang nila sa tuwing nalalayo ang loob nila sa kanilang mga anak.

Maaaring ma-develop ang parenting skills sa pamamagitan ng pag-explore sa hobbies ng mga kids. In this way, nakikita mo rin kung ano ang dapat mong maitulong at pagkukulang when it comes to parenting.

Best Nail Polish Safe for Kids

Para mas mapadali ang pagpili ng nail polish for kids, inilista namin ang ilang options para sa iyo: 

Nail Polish for Kids
Unicorn Princess Kids Nail Polish
Best water-based nail polish
Buy Now
Girls World Nail Polish
Best nail polish set for kids
Buy Now
Miigu Toys Saalin Nail Polishes and Stickers
Best washable nail polish
Buy Now
I’m Pinky Kids Water-based Peel-Off Nail Polish
Best peel-off nail polish
Buy Now
Piggy Paint Scented Nail Polish
Best hypoallergenic
Buy Now
Go Glam U-Nique Nail Salon for Girls
Most unique nail polish set
Buy Now

Unicorn Princess Kids Nail Polish

Best water-based nail polish

Nail Polish For Kids: Child-Friendly Brands Na Mabibili Online | Unicorn Princess

Worry-free ka sa nail polish set na ito dahil ito ay water-based at 100% natural. Siguradong magugustuhan din ng iyong anak ang Unicorn Princess Kids Nail Polish dahil bukod sa naggagandahang color choices na mayroon ito ay napaka cute ng packaging nito. Ang lid ng nail polish na ito ay princess crown kaya’t nakakapukaw din ng atensyon ng bata.

Bukod pa roon ay odorless din ang produktong ito kaya’t makakasigurado kang hindi maiirita ang iyong anak. Ligtas ito gamitin sa mga bata na 3 years old pataas. At pwedeng-pwede rin ito gamitin ni mommy kahit na siya ay buntis o di kaya ay nagbibreastfeed.

Features We Love: 

  • Water-based at non-toxic
  • Odorless
  • Attractive color choices at packaging
  • Safe for kids, pregnant at breastfeeding moms

Girls World Nail Polish

Best nail polish set for kids

Nail Polish For Kids: Child-Friendly Brands Na Mabibili Online | Girls World

Sulit nga naman kung isang set na ang bibilhin mong nail polish for kids. Mas maraming color choices, mas masaya hindi ba? Kaya naman di naming kinalimutang isama sa listahan ang Girls World Nail Polish set. Ito ay naglalaman ng 5 pieces kid-friendly nail polish na gawa sa safe materials at di naglalaman ng harsh chemicals.

Karagdagan, ito ay peel-off nail polish din kaya anytime ay maaaring tanggalin sa kuko ng iyong anak. Ang makukulay na nail paint na ito ay may halo ring glitters na talaga namang attractive.

Odorless din ang produktong ito at eco-friendly.

Features We Love: 

  • 5 pieces kid-friendly nail polish
  • Easy to remove
  • No harsh chemicals
  • Eco-friendly

Miigu Toys Saalin Nail Polishes and Stickers

Best washable nail polish

Nail Polish For Kids: Child-Friendly Brands Na Mabibili Online | Miigu Toys

Super unique ang mga nail polish na ito ng Miigu Toys. Attention grabbing na ang packaging para sa kids dahil sa fun characters ng mga ito.

Washable ang Miigu Toys Saalin Nail Polishes and Stickers at hindi masakit sa balat kaya no need to worry about damaging nails. 

Watermelon red, fuschia pink, light pink, green, blue, at yellow ang mga colors na pwedeng pagpilian ng mga kids.

Tiyak na matutuwa sila kung ang Miigu Toys Saalin Nail Polishes ang ibibigay mong gift sa kanilang birthdays or holidays. 

Features We Love: 

  • Safe and non-toxic
  • Water soluble
  • With nail stickers.
  • Bright colored polishes.

 

I’m Pinky Kids Water-based Peel-Off Nail Polish

Best peel-off nail polish

Nail Polish For Kids: Child-Friendly Brands Na Mabibili Online | I’m Pinky

Kilala ang Pinky Cosmetic bilang Korean company na gumagawa ng safe cosmetics for children. Number one priority nila ang safety ng kids para mapanatag ang mga moms kung bibilhin ito na toy para sa kanila.

May makikitang cute ribbons at princess characters sa packaging ng I’m Pinky Kids Nail Polish kaya naman maganda sa mata ng mga bata.

Mayroon din itong 13 different color shades plus 1 top coat para ma-enjoy ng iyong little girl ang mga pagpipilian.

Para lang din itong sticker kung ilalagay sa kuko dahil sa dali nitong tanggalin at di na need ng acetone o nail polish remover.

Features We Love: 

  • Odorless at water-based
  • Made from non-hazardous raw material
  • Vivid and fun colors

 

Piggy Paint Scented Nail Polish

Best hypoallergenic

Nail Polish For Kids: Child-Friendly Brands Na Mabibili Online | Piggy Paint

Cute na cute for kids ang nail polishes ng Piggy Paint. Super fun at vibrant ang mga colors na ino-offer nila kaya’t swak para lalong ma-enjoy ng kids ang choices.

Water-based na rin ang formula pero durable ito dahil hindi nagpe-peel kaagad. Hindi ka na rin magwo-worry sa skin or respiratory tract irritation na maaaring makuha ng iyong chikiting dahil ito ay hypoallergenic. 

Mapapanatag talaga ang mga moms kung ito ang magiging toys ng kanilang mga anak.

Features We Love: 

  • Non-toxic
  • Hypoallergenic
  • Kid-friendly designs and bright colors

 

Go Glam Nail Polish Set

Most unique nail polish set

Nail Polish For Kids: Child-Friendly Brands Na Mabibili Online | Go Glam

Maeenhance naman talaga ang creativity ng iyong anak kapag hinayaang maglaro gamit ang nail polish. Maaari siyang magcombine ng colors at higit pa riyan gumawa ng iba’t ibang designs. At tiyak na mas makakatulong para palitawin ang pagiging artist ng iyong anak gamit ang nail polish set na itong from Go Glam.

Kakaiba ang set na ito dahil may kasama itong dryer at nail stamper. Ang nail stamper ay maaaring lagyan ng iba’t ibang designs at maaari mag mix and match ang iyong chikiting sa 120 cute icons, letters at trendy patterns.

Pagdating naman sa safety ay maaasahan mo ang produktong ito dahil ito ay di naglalaman ng strong chemicals. Siguradong maeenjoy niya ang paglalaro nito!

Features We Love: 

  • Comes with dryer and nail stamp
  • Can produce 120 designs
  • Non-toxic polish

Price Comparison Table

Ngayong alam mo na ang ilan sa mga reviews at features ng mga nail polishes na ito, maganda ring makita kung swak ba sa budget ang mga presyo nila:

Brand  Price 
Unicorn Princess Kids Nail Polish Php 345.00
Girls World Nail Polish Php 299.00
Miigu Toys Saalin Washable Nail Polishes and Stickers Php 240.00
I’m Pinky Kids Water-based Peel-Off Nail Polish Php 268.00 – Php 429.00
Piggy Paint Scented Nail Polish  Php 350.00
Go Glam Nail Polish Set Php 1,800.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

Mga dapat hanapin sa pagpili ng nail polish safe for kids

May mga chemical ang nail polish kaya usually for adults ito.

Kung nahihilig talaga ang anak niyo sa manicure at pedicure, maaaring i-consider ang tatlong bagay na ito kung bibili na ng ganitong klase ng laruan:

  • Interest Try to observe kung anong style at design ang hilig niya o itanong ito sa kanya.  Mas doble kasi ang sayang dala ng laruan kung nasa interest niya ito. 
  • Safety – Parating i-check kung ang laruan ang appropriate ba para sa mga bata. Tignan kung anong ingredients at materials ang kasama sa produkto. Mas maganda ring alamin kung may mga safety certificates ba ang brand na nagpapatunay na sila ay ligtas gamitin ng mga bata.
  • Variety The more, the merrier! Maiksi ang attention ng bata, so mas maganda kung ang bibilhin mo ay maraming variety. Bukod sa kulay, masaya rin kapag may kasamang nail stickers, glitters, etc.

Para sa mas imaginative at creative play pa ng iyong anak, bilhan sila ng playhouse! Basahin: Playhouse For Sale Philippines: Best Para Sa Inyong Imaginative Kids

Sinulat ni

Ange Villanueva