Ang tanong ng karamihan, naipapasa ba ang COVID-19 sa baby habang buntis si mommy?
Sa pag-aaral ng mga eksperto, rare kung tawagin ang transmission ng COVID-19 sa mga baby habang nagbubuntis ang isang nanay.
COVID-19 bihirang maipasa sa baby habang buntis, ayon sa pag-aaral
Iba’t-ibang balita na ang narinig natin tungkol sa mga newborn child na nagkaroon ng COVID-19 dahil carrier ng nasabing virus ang nanay nito. Ngunit wala pang malinaw na kasagutan kung nakuha ba ng bata ang virus bago o pagkatapos nitong mapanganak.
Ayon sa mga eksperto kasama na ang University of Nottingham, mababawasan ang risk na magkaroon o matuloy ang transmission ng COVID-19 mula nanay hanggang sa anak nito ay kung ito ay isasailalim sa caesarean section at ihihiwalay muna ang kanyang newborn child mula sa ina. Ngunit binigyang diin din nila na hindi pa ito napapatunayan ng todo. Dahil maliit lang ang nakikitang ebidensya laban sa pag-aaral na ito.
Base sa co-author ng pag-aaral na si Kate Walker,
“There has been a lot of concern around. Whether pregnant women should be concerned for the health of their babies if they contract Covid-19,”
Ngunit ayon sa isang pag-aaral, ang pagkahawa ng isang baby sa nanay nitong carrier ng COVID-19 ay rare o bihira lamang mangyari.
Sa research na ginawa ng International Journal of Obstetrics & Gynaecology, napag-alaman na ang mga newborn child na isinailalim sa test sa COVID-19, karamihan sa kanila ay asymptomatic o yung hindi nakikitaan ng sintomas ng nasabing virus.
Kabilang ang 655 na kababaihan at 666 na newborn babies sa pag-aaral na ito. Napagalaman na ang mga nanay na nanganak ng normal at hindi isinailalim sa caesarean section ay nasa 2.7 % lamang ang kanilang mga anak na nagpositibo sa COVID-19. Samantalang ang natitirang 364 na babae na caesarean ay nasa 5.3% na nagpositive ang kanilang baby sa COVID-19.
Sa mga nangangamba naman na nanay diyan, ‘wag mag alala dahil ayon sa mga eksperto, safe mag pabreastfeed ang mga mommy at hindi nakakaapekto sa kanilang newborn child.
“We wanted to look at the outcome for babies whose mothers contracted the virus and see if the route of birth, method of infant feeding, and mother/baby interaction increased the risk of babies contracting the virus.”
Sa pag-aaral na ito, napagalaman na mababa ang tyansa na magkaroon o matuloy ang transmission ng virus sa newborn child kung ang nanay nito ay carrier ng COVID-19. Pinabulaanan nila na maaaring magkaroon ng virus ang mga baby na ipinanganak vaginally, breast fed o nagkaroon ng contact sa nanay na positive.
Pero may mga ibang baby na asymptomatic talaga o hindi nakikitaan ng anumang sintomas ng COVID-19.
Epekto ng COVID-19 sa buntis
Ayon sa pag-aaral, ang mga buntis ay nakakaranas ng physiologic o immunologic na pagbabago sa kani-kanilang katawan. Dahil dito, ang kanilang mga katawan ay mas nagiging lapitin at delikado sa mga infections o virus katulad ng COVID-19.
Pero sa ngayon, wala pang nakakapagtuturo ng sapat at konkretong dahilan para masabing mataas ang risk factor nila sa nasabing virus. Ngunit kung ihahalintulad ito sa SARS at MERS ay may naitalang may mga pregnant mom ang nakaranas ng pregnancy loss tulad ng miscarriage at stillbirth ng madapuan ng virus dati.
Sintomas ng COVID-19 sa baby
Ito ang mga sintomas na maaaring makita sa mga baby at matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa mga baby at matatanda ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Mataas na lagnat
- Shortness of breath
- Pagkawala ng panlasa
- Pag-ubo o dry cough
Kung sakaling mapapansin mo na hindi na normal ang nararamdaman ng iyong baby, agad siyang dalhin sa ospital. Narito ang mga sintomas na kailangang bigyan ng pansin:
- Pagdumi
- Pagbabago ng kulay ng mukha
- Abnormal na pananakit ng dibdib
- Hirap sa paghinga
Source: