Ang pigsa ay isang bacterial skin infection ng isang hair follicle. Ang pigsa ang may lamang nana. At ang sanhi ng pigsa ay staphylococcal bacteria. Ang tanong ng karamihan nakakahawa ba ang pigsa?
Nakakahawa ba ang pigsa?
Mayroong kontrobersya sa pigsa na nakakahawa raw ito. Sabi ng mga ibang eksperto ang pigsa di-umano ay hindi nakakahawa dahil nagkakaroon ng pigsa dahil sa bacteria na makikita sa balat. Sa kabilang banda naman, sabi ng iba na nakakahawa ang pigsa dahil posible di-umano na maipasa ang bacteria person-to-person, lalo na kung yung taong infected ng pigsa ay nadikit sa balat ng ibang tao, na maaari ring mag-develop ng pigsa.
Nakakahawa ba ang pigsa at bakit ba nagkakaroon ng ganito?
Ano nga ba ang ‘incubation period’ ng pigsa?
Ang common range di-umano ng incubation period ng staphylococci ay mga apat hanggang sampung araw, ang pigsa na sanhi sa bacteria na ito na normally nakikita sa balat ay kino-consider na variable ng isang incubation period.
Paano ko malalaman kung may pigsa ang iyong anak?
Ang pigsa ay naguumpisa sa pamumula at pagtigas ng isang area ng inpeksyon. Matapos ang apat hanggang pitong araw, yung matigas na bukol nagsisimula ng maging whitish dahil nagkakaroon na ito ng nana sa ilalim ng balat nito. May mga ibang pigsa na bigla na lang puputok at lalabas ng kusa ang nana. Ang iba naman nage-expand pa at magfo-form ng abscess.
Paano kumakalat ang pigsa?
Posibleng kumalat ang pigsa sa ibang tao kung yung bacteria na galing sa original na infected na tao ay nadikit sa balat ng isa pang tao na susceptible sa bacteria. Subalit, ang pigsa ay pwedeng kumalat sa balat sa infected na tao bilang isang abscess o maaari pa itong mag-develop bilang clump ng pigsa (carbuncle). Ang malalang inpeksyong ay maaaring mag-lead sa isang lagnat, pamamaga ng lymph node. At mas marami pang malalang komplikasyon ng inpeksyon, tulad na nga lamang ng sepsis.
Nakakahawa ba ang pigsa at bakit ba nagkakaroon ng ganito? | Image from Unsplash
Paano malalaman kung gumaling na ang pigsa?
Ang pigsa ay gumagaling kapag naubos na ng todo ang nana nito sa loob at yung infecting bacteria ay na-eliminate na. Kapag nangyari ito, ang mga sintomas ng pamumula ng balat, pamamaga, at sakit ay mareresolbahan na makaraan ng ilang araw. Ang ibang maliliit na pigsa na hindi naman masyadong malalalim sa balat ay bigla na lang magde-drain ito ng kusa pero yung ibang pigsa naman baka kailanganin na ng isang duktor na magi-incise sa pigsa upang lumabas ang nana nito. Ang topical antibiotics at oral antibiotics ay binibigay din upang tuluyang magamot ang infecting bacteria. Samantalang ang malalaking pigsa naman ay kailangan ng gauze packing upang matulungan na ma-facilitate ang pus drainage. Aalisin naman ang gauze matapos ang isa hanggang dalawang araw.
Paggamot sa pigsa
Usually ang primary home remedy para sa mga pigsa ay heat application, usually gamit ang hot soaks o hot packs. Kinakailangan na i-apply ang isang heat application around 20 minutes sa bawat isang pigsa mga three to four times daily. Ang heat application ay nagi-increase ng circulation sa area ng pigsa at naga-allow sa katawan na labanan ang inpeksyon. Nagdadala rin ng antibodies at white blood cells sa area ng inpeksyon.
Nakakahawa ba ang pigsa at bakit ba nagkakaroon ng ganito? | Image from Unsplash
Kailan ko dapat kontakin ang isang medical caregiver tungkol sa pigsa?
Dapat mag-seek ng medical care ang isang tao. Ito ay para sa kanilang pigsa kapag nilalagnat na ang mga ito. May sobrang pananakit na nararamdaman sa area ng pigsa, hindi nade-drain o ayaw ma-drain ng pigsa. Kung may iba pang pigsa na lumitaw sa ibang area ng iyong balat, o di kaya naman may red streak na nag-extend sa pigsa. Ang mga tao naman na may heart murmurs, immune system depression, diabetes, o yung mga may iniinom na gamot o nagme-maintenance na naga-alter ng immune system ay dapat na kontakin ang physician lalo na kung nag-develop na ng pigsa.
Source:
MedicineNet
Basahin:
Pigsa: 10 bagay na dapat mong malaman tungkol sa boils
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!