Alam niyo ba na hindi lang ang presyo ng mga school supplies ang dapat alalahanin ng mga magulang? Importante ring alamin ng mga magulang kung paano makakaiwas sa nakakalasong school supplies.
Ito ay matapos magbabala ang DOH tungkol sa mga produktong ito na mura nga, ngunit may panganib namang dala.
Nakakalasong school supplies, ibinebenta raw sa merkado
Ayon sa Health Secretary Francisco Duque, mahalaga raw maging mapagmatyag ang mga magulang pagdating sa mga produktong kanilang binibili.
“We appeal to parents be cautious when buying school supplies for their children.
“Read carefully the labels to know if it is appropriate for your children and registered with our FDA for safety,” aniya.
Dagdag pa ni Secretary Duque, “Children, therefore, need adult supervision especially when they are engaged in activities that will expose them to unnecessary hazards, such as choking from removable parts or ingestion of glue or paint.”
Noong nakaraang taon ay nakahanap ang DOH ng mga nakalalasong kemikal sa ilang mga school supplies. Kabilang na rito ang 12-in-1 na pencil, fabric pen, at crayon, na mayroong lead, cadmium, at mercury.
Ang mga kemikal na ito ay posibleng magdulot ng pinsala sa nervous system, problema sa mental at physical development, attention at learning deficit.
Kaya mahalagang mag-ingat ang mga magulang pagdating sa mga nakalalasong school supplies.
Ilang mga tips para makasiguradong ligtas ang school supplies
Heto ang ilang mga importanteng tips para sa mga magulang upang makaiwas sa mga nakalalasong school supplies:
- Pumili lang sa mga reputable na tindahan, at hanapin ang seal ng FDA
- Umiwas sa pagbili ng mga peke o kaya produktong kaduda-duda ang pinanggalingan
- Kung mayroong kakaibang amoy ang produkto, ay mabuting iwasan itong bilhin
- Kilalanin rin ang mga tindahan na nagbebenta ng mga safe at FDA approved na mga school supplies
Source: ABS-CBN News
Photo from: Philippine Star
Basahin: Mga back-to-school tipid tips para sa mga wais na mommies!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!