Nalunod na baby habang naliligo dahil diumano sa halos 50 minutes na pagtetelebabad ng ina.
Ang naturang kaso ng nalunod na baby at namatay ay kasalukuyang dinidinig sa Wales, UK.
Sa ginawang imbestigasyon lumabas na nangyari ang nakakalungkot na insidente dahil sa ina nitong 50 minutes na nakatelebabad sa telepono at hindi nabantayan ang sanggol habang naliligo.
Nalunod na baby, isang aksidente?
Ang isang taong nalunod na baby habang naliligo ay kinilalang si Baby Rosie na anak ni Sarah Elizabeth Morris ng Bagilit, Flintshire.
Sa naunang interview kay Sarah tungkol sa nangyari sa anak ay sinabi nitong iniwan niya si Baby Rosie at kambal nito sa bath tub habang naliligo. Ito ay upang labahan at painitan ang towel na gagamitin nila pagtapos maligo.
Nang siya raw ay magpunta sa kaniyang kwarto upang magsigarilyo ay tila nakarinig siya na napindot ang plug ng kanilang bath tub na iniwan niyang naka-drain.
Nang tingnan niya nga raw upang i-check ang kaniyang kambal ay doon niya nakita si Baby Rosie na nakahiga na sa bath tub at wala ng buhay.
Nalunod na baby, dahil nga ba sa kapabayaan?
Ngunit iba ang kuwentong lumabas sa ginawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Ayon sa ginagawang paglilitis sa nangyaring pagkamatay ni Baby Rosie, ay sinabi ng prosecution team na pinamumunuan ni Prosecutor Oliver Saxby na hindi makapagbigay ng maayos na salasay si Sarah sa nangyaring pagkalunod at pakamatay ng anak.
Ito ay dahil napag-alaman nilang nasa telepono ito at kausap ang kaniyang partner na si Sarah Swindles ng halos 50 minutes habang nasa bath tub ang kambal na anak na walang bantay.
Sa pagdinig ng kaso ay dinagdag ni Prosecutor Oliver Saxby na sinisilip lang daw ni Sarah ang mga bata kapag sinasabihan siya ni Sarah Swindles na kausap niya sa telepono para gawin ito.
Napag-alaman din sa imbestigasyon na hindi nagamit ang mga bath seats buong araw sa kanilang banyo na nangangahulugang sinadya ni Sarah na iwan ang kambal niyang anak habang naliligo upang hindi maistorbo.
Wala rin daw kahit anong child support ang kambal para maiwasan silang madulas at matumba sa bath tub habang naliligo.
Nang matapos ang pakikipagusap ni Sarah sa telepono ay saka palang niya binalikan ang naliligong kambal.
Doon na tumambad sa kaniya si Baby Rosie na nakahiga na sa bath tub at hindi na humihinga.
Nang makita nga ang nangyari kay Baby Rosie ay agad daw ng tinawagan ni Sarah ang kaniyang kaibigan na si Jemma Egerton at ikinuwento ang nangyari.
Hindi daw nito alam ang gagawin.
At sa halos sampung minutong pag-uusap sa telepono tungkol sa nangyari ay pinayuhan ni Jemma Egerton si Sarah na tumawag sa 999—ang emergency number sa UK—at humingi ng tulong.
Pero imbis na gawin ito ay tumakbo palabas ng bahay si Sarah bitbit si Baby Rosie ng nakatiwarik at nagsisigaw ng tulong habang naiwan ang isa sa kambal na nasa bath tub parin.
Doon siya nakita ng kaniyang kapitbahay na si Christine Murphy at sa punto palang na iyon nakatawag ng tulong.
Una ng sinabi ni Sarah na limang minuto lamang daw niya iniwan ng walang kasama ang kaniyang kambal na anak.
At matapos makita ang nangyari kay Baby Rosie ay sinubukan niya itong i-revive at bigyan ng CPR.
Dahil sa pagkamatay ng anak ay kinasuhan ng gross negligence manslaughter at child cruelty ang 35 years old na si Sarah.
Ang insidente ay nangyari noon July 2015.
Ngunit hanggang ngayon ay patuloy paring dinidinig ang kaso ng nalunod na baby dahil sa kapabayaan ng kaniyang ina.
Guidelines sa pagpapaligo kay baby
Para naman masigurong ligtas ang inyong baby habang naliligo narito ang mga paalala at paraan na dapat niyong tandaan.
- Simulan ang pagpapaligo sa mga newborn baby sa pamamagitan lang ng sponge baths o pagpupunas. Ito ay para maiwasang mabasa ang umbilical cord ni baby at mabilis itong matuyo.
- Gumamit ng bath tub na may support. Ang malalaking bath tub ay hindi safe para sa ma baby. Pumili ng bath tub na may contoured design o may internal sling para maiwasang madulas si baby sa tub habang naliligo.
- I-check ang water at air temperature. Dapat ay hindi masyadong mainit o malamig ang tubig na pampaligo ni baby. Hindi rin siya dapat paliguan sa loob ng malamig na kwarto. Para i-test ang temperature ng tubig ay gamitin ang inyong siko.
- Gumamit ng mga mild soaps at shampoo sa pagpaligo kay baby. Umiwas sa mga sabon o shampoo na may malakas na pabango dahil maaring makasama ang content nito sa sensitive skin ni baby. Iwasan din ang mabubulang shampoo at sabon. Dahil ang mga bubbles ay maaring pumasok sa urethra ni baby at magdulot ng urinary tract infection.
- Gumamit lang kokonting tubig. Ang kailangan lang sa pagpapaligo ng baby ay 2 to 4 inches ng tubig sa bath tub.
- Ayusin ang paliguan at lahat ng mga kailangan ni baby bago siya ilagay sa tub. Dahil hindi dapat iwan si baby na kahit isang segundo. Ang once inch na tubig ay maari ng makapagpalunod sa kaniya. Huwag ding tatanggalin ang isa mong kamay habang pinapaliguan si baby hanggat maari. Ito ay para masigurong nakasuporta ka lagi sa kahit ano mang mangyari sa kaniya o sa bawat niyang paggalaw.
Sources: Mirror, BBC, Healthy Women
Photo: Pixabay
Basahin: 4-anyos na “nalunod,” ni-rape at binugbog raw ng ina at boyfriend nito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!