Nanganak ng tulog ang isang buntis sa Canada! Hindi niya namalayan na ang kaniyang baby katabi niya na pala sa kama.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng buntis na nanganak ng tulog.
- Paano magkakaroon ng kalmadong at mas madaling panganganak?
Buntis na nanganak ng tulog
Sa pamamagitan ng TikTok ay ibinahagi ni Amy Dunbar mula Canada ang kaniyang unusual birth story. Ayon kay Amy, ipinanganak niya ang kaniyang baby girl habang siya ay tulog. Nagulat na nga lang umano siya ng magising siya na ito pala ay katabi niya na sa kama.
#stitch with @beyondboss_ everyone was in disbelief #birthstory #momtok #TikTokGGT
♬ Blue Blood – Heinz Kiessling
Pagkukuwento ni Amy, hindi naman ito nangyari ng basta-basta. Dumaan din siya sa sakit na dulot ng labor na 12 oras niyang ininda. Dahil sa masyadong matagal na ang paglelabor niya, siya umano ay binigyan ng epidural para kahit paano ay maibsan ang sakit at makatulog na muna.
Noong una ay inakala nilang hindi gumagana ang epidural na ibinigay sa kaniya. Ngunit ilang minuto ang nakalipas ay nakatulog rin si Amy.
Kuwento ng ina ni Amy na kasama niya noon at binabantayan siya habang tulog, pumasok ang nurse niya sa kuwarto para i-check kung siya ay nakatulog na.
Sinagot naman ito ng ina ni Amy na oo. Ikinatuwa naman nito ng nurse at sinabing nakita niya na nagkaroon ng big contraction si Amy na marahil hindi niya naramdaman dahil umeepekto na ang epidural na ibinigay sa kaniya.
Agad namang umalis ang nurse ngunit dali-dali ring bumalik at ginising si Amy. Ayon sa nurse, hindi na umano makita sa monitor ang heartbeat ng baby niya. Pero wala naman umano dapat ipag-alala si Amy, dahil baka umikot at nagpalit lang ng puwesto ang baby niya.
Kaya naman sunod sa utos ng kaniyang nurse, inayos ni Amy ang kumot niya at iikot na sana. Pero naramdaman niyang parang may kakaiba sa tabi niya.
Nang itaas niya nga ang kumot, nakita niya ang kaniyang baby sa kama. Ito ay ipinanganak niya habang natutulog siya. Ito pala noon ang sinasabi ng nurse na big contraction na naranasan niya.
Photo by Marcel Fagin on Unsplash
“So I had been in labour for about 12 hours and they did the epidural. We figured out very quickly that it wasn’t working, so they did whatever it is that they do to make it work.”
“At some point during me being asleep the nurse who had been monitoring me the whole time turned to my mum and was like, ‘Is she asleep’. My mum was like, ‘Yeah, she is’.”
“The nurse was like, ‘Hey, great, there was a really big contraction and she’s sleeping, so that means the epidural is working because she didn’t feel it.”
“Not even a minute after that, the nurse was waking me up saying she’d lost the baby’s heartbeat on the monitor, but she said ‘Don’t worry, flip over and I’ll find it, baby just probably move.”
“Doing what I was told, I moved the blanket and was turning over and I was like ‘there’s something going on.”
“My baby was in the bed. She had delivered herself while I was asleep. That big contraction the nurse saw was her being born.”
Ito ang pagkukuwento ni Amy sa TikTok ng kaniyang naging karanasan.
Samantala, hindi lang si Amy ang unang babaeng napabalitang nanganak ng tulog. Nitong October 2020, isang ina sa Texas din na nagngangalang Laura Thompson ang nakaranas ng parehong insidente.
Siya rin ay nahihirapan sa pagle-labor noon at binigyan ng epidural para maibsan ang sakit at makatulog. Ilang oras matapos bigyan ng epidural nakatulog si Laura at nagulat nalang ng magising na ang baby niya ay katabi niya na rin sa kama.
BASAHIN:
REAL STORIES: Buntis, nanganak ng kambal pero magkaibang linggo nabuo!
Baby ipinanganak na hawak hawak ang IUD ng kanyang ina
Ina, nagulat nang bigla na lang siyang nanganak sa CR!
Paano magkaroon ng madali at kalmadong panganganak?
Gustuhin man nating maging mapayapa at walang sakit ang panganganak, ito ay imposible. Lalo na kung ninanais mo itong gawin sa natural na paraan o sa pamamagitan ng vaginal delivery.
Pero may mga paraan na maaaring gawin para mapadali ang paglelabor o hindi masyadong maging mahirap ang panganganak.
1. Ihanda ang iyong sarili.
Makakatulong ang pagbabasa-basa tungkol sa panganganak para makondisyon ang iyong utak tungkol sa mga dapat mong asahan at paghandaan.
O kaya naman ay umattend ng mga prenatal classes para magkaroon ng dagdag kaalaman at makapagtanong sa mga bagay na gusto mo pang malaman.
People photo created by senivpetro – www.freepik.com
2. Ihanda ang iyong katawan.
Ang paglelabor ay kailangan ng lakas at ng stamina. Kaya naman para matulungan ang iyong katawan na maging handa ay makakatulong ang mag-exercise ka.
Payo ng mga doktor makakatulong ang paglalakad-lakad kapag iyong kabuwanan na. Ito ay para kusang bumaba ang iyong sanggol ay hindi ka mahirapan sa panganganak.
Dahil sa kailangan mo ng lakas, malaking bagay rin ang magagawa ng mga pagkaing iyong kinakain. Kumain lang ng mga masusustansya para masiguro ring paglabas ng baby mo ay malusog siya.
3. Magkaroon ng birth plan.
Para mas maging handa sa iyong panganganak makakatulong kung ikaw ay magkakaroon ng birth plan. Sa birth plan mo nakapaloob kung saang ospital ka manganganak, sinong midwife o doktor ang aalalay sa ‘yo.
Pati na kung sino sa miyembro ng iyong pamilya ang madali mong makokontak sa oras na dumating na ang araw na pinakahihintay mo. Ganoon din kung saan kukunin ang mga dadalhin mo sa panganganak.
Ang birth plan mo mas mabuting i-discuss mo sa iyong asawa at iba pang miyembro ng pamilya. Para sa oras na paparating na si baby lahat ay tila magiging under control at lahat ay nakahanda na.
Baby photo created by tirachardz – www.freepik.com
4. Hanapin ang right caregiver, midwife, o doktor para sa ‘yo.
Napaka-laking bagay na magkaroon ka ng tamang tao o ekspertong aalalay sa panganganak mo. Dahil sila ang mas nakakaalam kung paano ang tamang pangangalaga sa pagbubuntis mo. Para masigurong ligtas ka at ang iyong sanggol. Marami rin silang alam na paraan at tips upang maihanda ang iyong katawan o isipan sa panganganak.
Source:
KidSpot, Tommys Org
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!