Talaga nga namang kakaiba ang pagbubuntis ng isang babae. May iba na dumaan sa normal na pregnancy ngunit iba ang kwento ng mismong panganganak. Mayroon din namang babae na nabuntis ng dalawang beses habang may nabubuo nang fetus sa kaniyang tiyan. Sa huli, siya ay nanganak ng super twins!
Oo, posible ang ganitong bihirang pangyayari. Isang babae mula sa UK ang nagsilang ng kambal ngunit ang kakaiba rito ay tatlong linggo ang lumipas bago mabuo ang pangalawang sanggol sa kaniyang sinapupunan.
Matagal nang nagpaplanong magkaanak si Rebecca at ang asawa nitong si Rhys. Dahil sa edad na 38, hindi maiwasang mangamba ito kaya naman nais na nilang magkaanak agad. Kaya naman nagpakonsulta sila sa doktor at dito na nga sumailalim sa fertility treatment si Rebecca.
Dagdag pa ng ina, sa unang cycle pa lang ng ibinigay na drug, nabuntis agad siya. Pagkatapos ng 12 weeks scan, saka lang niya nalaman na siya ay buntis sa pangalawang pagkakataon.
Sa dalawang scan nito, isang sanggol lamang ang nakita sa kaniyang sinapupunan. “I had already had two scans at seven and 10 weeks and both times they only saw Noah.”
“I was so shocked, I didn’t feel real at all. It was a good job I was laying on the couch or I would have fainted on the floor.”
Naibahagi rin niyang halo-halo ang naging emosyon nila ng kaniyang asawa ng malaman na siya ay buntis ulit.
“I felt really lucky, but so, so shocked at the same time.”
Dati pa lamang ay nais nang magkaroon ng kambal ni Rebecca. Ngayon ngang biniyayaan sila ng superfetation twins, talaga namang hindi makapaniwala ang mag-asawa. “I mean, all of a sudden I have twins and now the are super special rare twins. It felt magical.”
Sa kaso ni Rebecca, ang kaniyang pagbubuntis ay tinatawag na superfetation pregnancy. Kung saan ang dalawang sanggol ay hindi sabay na nabuo dahil ang magkaibang itlog ay hindi sabay na na-fertilize.
Dahil nga hindi sabay na nabuo ang kambal, iba rin ang kanilang timbang at laki. Nang ipinanganak si Noah, ang panganay, ito ay 4 lbs 10 oz habang si Rosalie naman ay 2 lbs 7 oz.
Sa unang mga linggo ng kambal sila ay dinala muna sa neonatal intensive care unit. Habang si Rebecca naman ay kinailangang manatili rin sa NICU nurse.
Ibinahagi ng ina na ang kaniyang pagbubuntis ay hindi naging madali. Maaari umanong mamatay si Rosalie kapag ito ay nakalabas na.
“They tested me for viruses and infections as I thought this might be why Rosalie is small but the test came back completely clear.”
Kinailangang dumaan sa c-section ni Rebecca dahil hindi ito pwedeng manganak ng normal. Ito ay dahil maaaring magkaroon ng impeksyon ang pagbubuntis. “When the babies were born we had lots of tests done to find out if there was a genetic reason Rosalie was so much smaller and she came back clear.”
Sanhi ng kondisyong ito, agad na-diagnosed siya na ito ay superfetation pregnancy.
Ano ang superfetation pregnancy?
Ang superfetation pregnancy ay isang uri ng bihirang pagbubuntis. Ito ay nangyayari kapag ang isang buntis ay nabuntis ulit sa magkaibang linggo. Ang mga sanggol na ito ay itinuturing na kambal dahil sa paglabas nila ng sabay.
Kadalasang nangyayari ang ganitong pagbubuntis kapag ang isang babae ay kasalukuyang mayroong fertility treatment.
Sapagkat ang pagbubuntis na ito ay bihira lamang mangyari, walang sintomas ang mararamdaman. Malalaman lang ito kapag ikaw ay sinuri ng doktor sa iyong monthly check-up at kapag magkaiba ang laki o timbang ng kambal sa loob ng sinapupunan.
Komplikasyon ng superfetation pregnancy
Sapagkat dalawang sanggol ang nasa iyong sinapupunan at lumalaking magkaiba ang timbang o size, ang pinakabatang fetus ay maaaring hindi pa handang lumabas. Posibleng ipanganak ng premature ang sanggol na ito.
Narito ang risk ng mga sanggol na ipinanganak ng premature:
- Hirap sa paghinga
- Mababang timbang kapag ipinanganak
- Brain hemorrhage o pagdugo ng utak
- Neonatal respiratory distress syndrome
- Problema sa paggalaw
Bukod sa fertility treatment habang ikaw ay buntis, maaaring maiwasan ang superfetation pregnancy kung hindi muna magtatalik habang ikaw ay buntis. Ngunit dahil ito ay hindi pangkaraniwang pagbubuntis, mababa ang tyansa na may mabuo ulit kapag nakipagtalik habang buntis.
Source:
CBS News, Healthline