Kambal na sanggol, nakitang "nag-aaway" sa ultrasound

Kambal na sanggol, nakitang "nag-aaway" sa ultrasound

Nakita sa fetal ultrasound ang dalawang kambal na tila ay 'nag-aaway' sa loob ng sinapupunan ng kanilang ina, at ibinahagi sa social media ng ama ng kambal.

Ang mga fetal ultrasound ay pagkakataon para sa mga magulang na makita ang development ng kanilang mga anak. Pero bukod dito, pagkakataon rin ito para maka-bond ng mga magulang ang kanilang mga baby.

Kaya naman ganun na lang ang tuwa ng mag-asawa nang makita nilang tila ay malikot at 'nag-aaway' ang kanilang kambal na anak. Nakuhanan pa ito ng video ng ama, at agad na ibinahagi sa social media.

Kambal, nakitang 'nag-aaway' sa fetal ultrasound

Nangyari raw ito sa China, habang sumasailalim sa routine na ultrasound ang isang ina sa kaniyang ika-4 na buwan ng pagbubuntis.

Kuwento ng ama ng mga bata ay napansin nilang tila parang nagsusuntukan sa loob ng tiyan ang mga kambal. Natuwa siya sa nakita, kaya't kumuha siya ng video ng kaniyang mga kambal.

Matapos niya itong i-upload, ay mabilis itong nag-viral sa social media. 

May isa pa raw ultrasound na magkayakap naman ang kambal

Dagdag pa ng ama ng kambal, hindi raw ito ang unang beses na mayroong ginagawang nakakatuwa ang kanilang mga anak.

Noong January raw ay nakita niyang magkayakap ang kanilang kambal sa isa pang ultrasound. Aniya, kahit hindi pa pinapanganak ang kaniyang mga anak ay marunong na silang magmahal sa isa't-isa. Naniniwala raw siyang magiging mabuti ang relasyon nilang dalawa paglaki.

Panoorin ang video:

 

Source: Daily Mail

Basahin: Mga Ultrasound Packages na Pasok sa Budget

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner