X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Nangangaliwa mas dumami ngayong COVID pandemic? Heto ang paliwanag ng mga experts

4 min read
Nangangaliwa mas dumami ngayong COVID pandemic? Heto ang paliwanag ng mga expertsNangangaliwa mas dumami ngayong COVID pandemic? Heto ang paliwanag ng mga experts

Ilan sa binigay na rason na nakita ng mga experts kaya dumami ang cheaters ay dahil sa boredom at stress na dulot ng pandemic.

Napag-alaman ng mga eksperto na lalong lumaki ang bilang ng mga nangangaliwa sa panahon ng COVID-19 pandemic. Maraming factors na tiningnan para malaman kung bakit dumami ang mga nag-cheat sa kanilang relasyon.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Bilang ng mga nangangaliwa mas dumami sa pandemic
  • Ano-ano ang maaaring epekto ng pangangaliwa o cheating?

Bilang ng mga nangangaliwa mas dumami sa pandemic

nangangaliwa sa pandemic

Larawan kuha mula sa Pexels

Isa sa pinakamasakit na maranasan ng isang tao sa relasyon ay ang mangaliwa o magcheat ang kanyang partner. Tinatayang 25 percent daw ng lahat ng marriage ay nakararanas ng infidelity.

Ang infidelity ay ang pagkakataon kung saan nagkaroon ng ibang kasiping o kapalagayan ng loob ang taong nasa loob ng relasyon. Sa pangangaliwa, nasisira ang tiwala at boundary na pinangako sa isang relasyon.

Ibig sabihin ano mang paglabag sa napagkasunduang boundaries ng magkarelasyon ay maituturing na cheating basta hindi agree ang isa’t isa.

Maituturing na cheating o affair ang one-night stand, pagyakap o paghalik sa iba, emotional infidelity, online sexting o flirtation, at kahit anumang compulsive na sexual behavior.

Sa isang pag-aaral, napag-alaman ng mga eskperto na tumaas ang bilang cheating sa panahon ng pandemic na dala ng COVID-19. Nakita kasi nilang nadadagdagan ng halos 17,000 na bagong miyembro kada araw ang isang dating site para sa married individuals. Mas mataas ng 1,500 ang naturang bilang mula sa taong 2019.

Ibig sabihin, maraming mga married man o woman ang naghanap ng ibang makakausap sa pandemic bukod sa kanilang asawa.

Inalam ng mga eksperto kung bakit ito lumobo sa panahon ng pandemic, ang ilan sa kanilang nakita ay:

  • Labis na pagtaas ng level ng stress sa kalagitnaan ng pandemic.
  • Pagkauhaw sa emotional validation.
  • Pagkakaroon ng fantasy sa secret sexual relationship.
  • Pagkaranas ng boredom dahil sa kakulangan ng outdoor activities.
  • Labis na pagkalungkot sa mga nangyayari.
  • Madalas na pag-aaway ng partner dahil palaging magkasama sa iisang bubong.
nangangaliwa sa pandemic

Larawan kuha mula sa Pexels

Dagdag pa ng mga eksperto, mas mahirap daw ang recovery sa gitna ng pandemic kumpara sa bago pa man nito. Limited lang din kasi ang resources maging ang social support sa ganitong panahon kaya mas mahirap na magmove on sa problema dahil mag-isa itong hinaharap.

Bukod dito, hindi lamang ito ang problemang maaaring kaharapin pa ng mag-asawa. Naririyan din ang financial concerns at siyempre ang anxiety na makakuha ang pamilya ng virus.

Bagaman mataas ang bilang ng nangangaliwa sa pandemic, mayroon naman daw mga couples na naging daan ito upang mas mapag-usapan pa ang isyu ng isa’t isa. Isa raw sa susi upang maiwasan na manlamig ang relasyon at magbunga ng infidelity ay ang mag-work as a team.

Palaging tandaan na magkakampi kayo ni partner sa lahat ng problemang kakaharapin ninyo usapin man ‘yan ng physical, mental, o emotional problems. Mahalaga rin daw ang pagiging bukas ninyong dalawa sa nararamdaman upang maiwasan ang sikreto sa relasyon.

BASAHIN:

Are you cheating? 10 ways you are unknowingly being unfaithful

8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating

How can you tell if your husband is cheating, or if you’re just being paranoid?

Ano-ano ang maaaring epekto ng pangangaliwa o cheating?

nangangaliwa sa pandemic

Larawan kuha mula sa Pexels

Marami ang maaaring maging epekto ng pangangaliwa o cheating sa isang relasyon. Karamihan pa dito ay long-term na nakakasira pagdating sa physical, emotional, at mental health ng tao. Narito ang ilan sa kanila:

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
  • Labis na pagbaba ng self-confidence. Dahil nga sa nakaranas ng pangangaliwa, maiisip ng taong pinagtaksilan na siya ay kulang o hindi na sapat para sa kanyang karelasyon. Nagbubunga ito ng pagbulusok ng kanyang self-confidence maging self-esteem. Maaaring maging tingin niya sa sarili ay panget, hindi tama ang hubog ng katawan o kaya naman pagiging losyang.
  • Pagsisisi sa sarili. Karaniwang nangyayari na sinisisi nila ang sarili kung bakit pinili ng kanilang partner na maghanap ng iba. Maiisip pa nila na may mga ginawa silang hindi maganda sa relasyon kaya nagawa ito ng kanilang kasintahan. Minsan tuloy ay nagmumukhang justified ang cheating dahil sa inaakala nilang mayroon silang nagawa na hindi nagustuhan ng kanilang partner.
  • Pagbabago sa relasyon. Sa oras na makaranas ang isang relasyon ng cheating, hindi na ito maibabalik pa kagaya sa dati. Kahit pa nagkaayos nandun pa rin ang galit na nararamdaman mula sa ginawang kasalanan na ito. Kabilang na diyan sa pagbabago ay ang kawalan na ng tiwala sa partner at pagsusumbat sa nagawang pangangaliwa.
  • Pagkakaroon ng anxiety at depression. Ang kaganapang ganito ay maaaring magbunga ng iba’t ibang mental health problems na kadalasang long-term. Dahil sa labis na stress at pagkalungkot madedevelop nito ang depression maging ang anxiety sa maraming bagay.

Online Library, Marriage.com

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Nangangaliwa mas dumami ngayong COVID pandemic? Heto ang paliwanag ng mga experts
Share:
  • Caring for your baby boy's genitals: A guide for parents

    Caring for your baby boy's genitals: A guide for parents

  • Leaking breasts during pregnancy, when should you be concerned?

    Leaking breasts during pregnancy, when should you be concerned?

  • Subconjunctival hemorrhage in newborns: What it is and when to call the doctor

    Subconjunctival hemorrhage in newborns: What it is and when to call the doctor

app info
get app banner
  • Caring for your baby boy's genitals: A guide for parents

    Caring for your baby boy's genitals: A guide for parents

  • Leaking breasts during pregnancy, when should you be concerned?

    Leaking breasts during pregnancy, when should you be concerned?

  • Subconjunctival hemorrhage in newborns: What it is and when to call the doctor

    Subconjunctival hemorrhage in newborns: What it is and when to call the doctor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.