Napag-alaman ng mga eksperto na lalong lumaki ang bilang ng mga nangangaliwa sa panahon ng COVID-19 pandemic. Maraming factors na tiningnan para malaman kung bakit dumami ang mga nag-cheat sa kanilang relasyon.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Bilang ng mga nangangaliwa mas dumami sa pandemic
- Ano-ano ang maaaring epekto ng pangangaliwa o cheating?
Bilang ng mga nangangaliwa mas dumami sa pandemic
Isa sa pinakamasakit na maranasan ng isang tao sa relasyon ay ang mangaliwa o magcheat ang kanyang partner. Tinatayang 25 percent daw ng lahat ng marriage ay nakararanas ng infidelity.
Ang infidelity ay ang pagkakataon kung saan nagkaroon ng ibang kasiping o kapalagayan ng loob ang taong nasa loob ng relasyon. Sa pangangaliwa, nasisira ang tiwala at boundary na pinangako sa isang relasyon.
Ibig sabihin ano mang paglabag sa napagkasunduang boundaries ng magkarelasyon ay maituturing na cheating basta hindi agree ang isa’t isa.
Maituturing na cheating o affair ang one-night stand, pagyakap o paghalik sa iba, emotional infidelity, online sexting o flirtation, at kahit anumang compulsive na sexual behavior.
Sa isang pag-aaral, napag-alaman ng mga eskperto na tumaas ang bilang cheating sa panahon ng pandemic na dala ng COVID-19. Nakita kasi nilang nadadagdagan ng halos 17,000 na bagong miyembro kada araw ang isang dating site para sa married individuals. Mas mataas ng 1,500 ang naturang bilang mula sa taong 2019.
Ibig sabihin, maraming mga married man o woman ang naghanap ng ibang makakausap sa pandemic bukod sa kanilang asawa.
Inalam ng mga eksperto kung bakit ito lumobo sa panahon ng pandemic, ang ilan sa kanilang nakita ay:
- Labis na pagtaas ng level ng stress sa kalagitnaan ng pandemic.
- Pagkauhaw sa emotional validation.
- Pagkakaroon ng fantasy sa secret sexual relationship.
- Pagkaranas ng boredom dahil sa kakulangan ng outdoor activities.
- Labis na pagkalungkot sa mga nangyayari.
- Madalas na pag-aaway ng partner dahil palaging magkasama sa iisang bubong.
Dagdag pa ng mga eksperto, mas mahirap daw ang recovery sa gitna ng pandemic kumpara sa bago pa man nito. Limited lang din kasi ang resources maging ang social support sa ganitong panahon kaya mas mahirap na magmove on sa problema dahil mag-isa itong hinaharap.
Bukod dito, hindi lamang ito ang problemang maaaring kaharapin pa ng mag-asawa. Naririyan din ang financial concerns at siyempre ang anxiety na makakuha ang pamilya ng virus.
Bagaman mataas ang bilang ng nangangaliwa sa pandemic, mayroon naman daw mga couples na naging daan ito upang mas mapag-usapan pa ang isyu ng isa’t isa. Isa raw sa susi upang maiwasan na manlamig ang relasyon at magbunga ng infidelity ay ang mag-work as a team.
Palaging tandaan na magkakampi kayo ni partner sa lahat ng problemang kakaharapin ninyo usapin man ‘yan ng physical, mental, o emotional problems. Mahalaga rin daw ang pagiging bukas ninyong dalawa sa nararamdaman upang maiwasan ang sikreto sa relasyon.
BASAHIN:
Are you cheating? 10 ways you are unknowingly being unfaithful
8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating
How can you tell if your husband is cheating, or if you’re just being paranoid?
Ano-ano ang maaaring epekto ng pangangaliwa o cheating?
Marami ang maaaring maging epekto ng pangangaliwa o cheating sa isang relasyon. Karamihan pa dito ay long-term na nakakasira pagdating sa physical, emotional, at mental health ng tao. Narito ang ilan sa kanila:
- Labis na pagbaba ng self-confidence. Dahil nga sa nakaranas ng pangangaliwa, maiisip ng taong pinagtaksilan na siya ay kulang o hindi na sapat para sa kanyang karelasyon. Nagbubunga ito ng pagbulusok ng kanyang self-confidence maging self-esteem. Maaaring maging tingin niya sa sarili ay panget, hindi tama ang hubog ng katawan o kaya naman pagiging losyang.
- Pagsisisi sa sarili. Karaniwang nangyayari na sinisisi nila ang sarili kung bakit pinili ng kanilang partner na maghanap ng iba. Maiisip pa nila na may mga ginawa silang hindi maganda sa relasyon kaya nagawa ito ng kanilang kasintahan. Minsan tuloy ay nagmumukhang justified ang cheating dahil sa inaakala nilang mayroon silang nagawa na hindi nagustuhan ng kanilang partner.
- Pagbabago sa relasyon. Sa oras na makaranas ang isang relasyon ng cheating, hindi na ito maibabalik pa kagaya sa dati. Kahit pa nagkaayos nandun pa rin ang galit na nararamdaman mula sa ginawang kasalanan na ito. Kabilang na diyan sa pagbabago ay ang kawalan na ng tiwala sa partner at pagsusumbat sa nagawang pangangaliwa.
- Pagkakaroon ng anxiety at depression. Ang kaganapang ganito ay maaaring magbunga ng iba’t ibang mental health problems na kadalasang long-term. Dahil sa labis na stress at pagkalungkot madedevelop nito ang depression maging ang anxiety sa maraming bagay.