NBSB o no boyfriend since birth na 70-anyos ikinasal sa kababata. Ang dalawa 65 years ring hindi nagkita. Pero ng mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng komunikasyon binasbasan agad ng kasal ang kanilang pagmamahalan.
Mababasa dito ang sumusunod:
- NBSB na ikinasal sa kababata.
- Kuwento ng pag-iibigan ni Lolo Felix at Lola Amelia.
NBSB na ikinasal sa kababata
Viral ngayon sa social media ang kuwento ng No Boyfriend Since Birth o NBSB na ikinasal sa kababata niya. Siya si Lola Amelia na 70-anyos at isang dating teacher at ngayon ay businesswoman. Kamakailan lang siya ay ikinasal sa kababata niyang si Lolo Felix na 65 years rin niyang hindi nakita.
Ang kanilang kasal ay viral ngayon sa social media na inupload ng kanilang wedding organizer.
Kuwento ng pag-iibigan ni Lolo Felix at Lola Amelia
Ayon sa isang panayam kay Lola Amelia, sa social media sila nagkaroon ng komunikasyon ni Lolo Felix. Ito daw ay nasa ibang bansa na naninirahan. Mula sa pagtatawagan sa pamamagitan ng voice call ay nabago daw ito at naging video call na. At matapos ng ilang buwan si Lolo Felix umuwi ng Pilipinas para tagpuin at makita sa personal ang kaniyang childhood crush. Habang si Lola Amelia nahulog narin ang loob kay Lola Felix na alam niyang hindi lang din basta kaibigan para sa kaniya.
Larawan mula sa Elite Weddings Creative video
“Nung una, linggo-linggo ang pag-uusap. Nang lumaon, naging araw-araw na. Kaya yun ang sinabi ko, Aba, iba na ito, ha. Hindi na ito friends.'”
Ito ang kuwento ni Lola Amelia.
Matapos nga ng ilang buwang pagkakaroon ng constant communication, nauwi sa kasalan ang relasyon nila Lola Amelia at Lolo Felix. Base sa video ng kanilang kasal, makikitang kapwa sila masaya na matapos ang ilang taon ay nauwi sa happy wedding ang love story nila.
Kaya sigaw ng maraming netizens, true love waits talaga at may forever!
Larawan mula sa Elite Weddings Creative video
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!