Hindi maiiwasan na magkaroon ng negatibong epekto ang online class ngayon. Katulad na lamang ng isang guro na nakapag-send ng isang sensitibong video sa kaniyang mga mag-aaral.
Guro, aksidenteng na-send ang porn video imbes na assignment sa mga estudyante
Hindi sinasadyang maipasa ng isang guro mula sa Bali, Indonesia ang porn video sa kaniyang mga estudyante. Ayon sa kaniya, video sana ito tungkol sa painting ngunit hindi inaasahang mapindot ang ‘send’ button at tuluyan na ngang naipasa ito sa kaniyang klase.
Ayon sa Head of Public Relations ng Bangi Police, tumagal ng dalawang oras bago nabura ng nasabing guro ang video. Natanggap ng gurong si Akp Sulhadi ang video sa ibang chat sa Whatsapp. “It was an accident,” pag-amin niya sa nagawang kamalian.
Nakipagkita harap-harapan ang guro sa mga magulang ng estudyante at humingi ng paumanhin sa nangyaring insidente. Napag pasyahan ng awtoridad at mga magulang na hindi na ito palakihin pa. Ngunit hindi pinalampas ng naturang school ang nangyari. Binigyan ito ng consequence sa kaniyang ginawa.
Paalala ng paaralan, tignan ng mabuti ang mga files na ise-send bago ito ipadala sa mga mag-aaral at magsilbi itong lesson sa mga guro.
Mahigpit na ipinagbabawal ng Indoneisa ang pag-download o panonood ng adult videos. May karampatang parusa ang sinumang mahuhuling lumabag sa anti-pornography bill nila. Maaaring makulong hanggang apat na taon o magbayad ng S$298,000 ang lalabag dito.
School year 2020-2021
Ayon kay Secretary Briones, maaaring pumunta mismo sa school ang estudyante o kaya naman via online ang pag-aaral. Ang pagpasok ng estudyante ay nakabase sa magiging desisyon ng government task force bawat lugar. Ang mode of learning na ito ay tinatawag na ‘Blended Learning’
Nakapaloob sa Blended learning ang pagbibigay ng printed o digital study modules na ihahatid mismo sa mga estudyante, ito’ y ang Modular Learning. Maaari rin naman kuhain ito ng mga magulang ng bata sa designated place na itatalaga ng paaralan. Isa pang uri ng learning ngayon ay ang online learning kasama na ang TV at radio.
Ang klase ay magtatapos sa April 30, 2021.
DepEd’s Modular Learning: Mga dapat paghandaan at tandaan
Unang inanunsyo sa publiko na ang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021 ay sa August 24 ngunit ito ay inilipat din ngayong October 5. May ibang paaralan naman ang nagsimula na at ito nga ang tinatawag na online o distance learning.
Sa mga uri ng learning na ito, mahigpit na ipinagbabawal muna ang face-to-face o pisikal na pagpunta ng mga estudyante para mag-aral sa paaralan. Sa ibang paaralan, sila naman ay nasa ilalim ng module learning.
Libre ba ang printed module?
Ayon sa Department of Education, ang printed module materials ay libre o walang bayad at hindi na kailangang bumili pa ng gadgets na isang pangunahing problema ng karamihan.
Paano makukuha ang printed module?
Ngayong taon, bibigyan ng kanilang guro ng SLM o printed module ang mga estudyante bawat quarter. Ang printed module na ito ay hatid ng DepEd at kailangang ibigay sa mga magulang ng estudyante bago magsimula ang klase. Kung bigo namang kuhain ito mismo sa paaralan, maaari itong makuha sa mga naitalagang barangay. Ang distribution na ito ay apat na beses mangyayari.
Paano kapag tapos nang sagutan ng anak ko ang module?
Pagkatapos sagutan ng iyong anak ang mga module na ito, ang mga magulang nila’y dadalhin ito sa paaralan at ibibigay sa kanilang guro o designated pick up point. Pagkatapos nito, ang mga estudyante ay sasailalim sa summative exercises o performance task ng paaalan.
Nasa tinatayang 13 million na public school students ang gagamit ng printed module, ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.
Bukod dito, magsasagawa ng 14 episode na webinar ang Department of Education para sa magulang ng mga estudyante. Ito ay may temang “Isulong! Karapatan ng Bata sa Panahon ng COVID-19” na mangyayari sa buong buwan ng September hanggang unang linggo ng October.
Source:
BASAHIN:
Teachers to parents: “Wag po niyong sagutan ang modules para sa anak ninyo.”
Teacher na dumalo sa online class na walang damit pantaas, suspendido
Does my child need a blue light glasses for online class and where can I buy?