May binigay na mahalagang paalala ang DepEd sa mga magulang tungkol sa learning materials ng kanilang mga anak sa darating na pasukan ngayon. Ayon sa kanila, hayaan na ang kanilang mga anak ang mag sagot sa module nito.
DepEd’s Modular Learning
Ngayong araw, Oktubre 5 ang opisyal na pagsisimula ng klase para sa school year 2020-2021. Mahigpit na ipinagbabawal ang face-to-face class dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa buong bansa dahil sa pandemya na nararanasan. Nagsagawa ang Department of Education ng alternatibong paraan para maituloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante ngyaong taon kahit na may krisis na nararanasan ang buong bansa.
Ito’y tinatawag na Blended learning. Ang pag-aaral na ito’y sa pamamagitan ng online class o modular learning.
DepEd learning materials | Image from Freepik
DepEd learning materials
Unang inanunsyo sa publiko na ang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021 ay sa Agosto 24 subalit inilipat din ngayong Oktubre 5. May ibang paaralan naman ang nagsimula na at ito nga ang tinatawag na online o distance learning.
Sa mga uri ng learning na ito, mahigpit na ipinagbabawal muna ang face-to-face o pisikal na pagpunta ng mga estudyante para mag-aral sa paaralan. Sa ibang paaralan, sila naman ay nasa ilalim ng module learning.
Libre ba ang printed module?
Ayon sa Department of Education, ang printed module materials ay libre o walang bayad at hindi na kailangang bumili pa ng gadgets na isang pangunahing problema ng karamihan.
Paano makukuha ang printed module?
Ngayong taon, bibigyan ng kanilang guro ng SLM o printed module ang mga estudyante bawat quarter. Ang printed module na ito ay hatid ng DepEd at kailangang ibigay sa mga magulang ng estudyante bago magsimula ang klase. Kung bigo namang kuhain ito mismo sa paaralan, maaari itong makuha sa mga naitalagang barangay. Ang distribution na ito ay apat na beses mangyayari.
Paano kapag tapos nang sagutan ng anak ko ang module?
Pagkatapos sagutan ng iyong anak ang mga module na ito, ang mga magulang nila’y dadalhin ito sa paaralan at ibibigay sa kanilang guro o designated pick up point. Pagkatapos nito, ang mga estudyante ay sasailalim sa summative exercises o performance task ng paaralan.
Nasa tinatayang 13 million na public school student ang gagamit ng printed module, ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.
Bukod dito, magsasagawa ng 14 episode na webinar ang Department of Education para sa magulang ng mga estudyante. May tema itong “Isulong! Karapatan ng Bata sa Panahon ng COVID-19” na mangyayari sa buong buwan ng Setyembre hanggang unang linggo ng Oktubre.
DepEd learning materials | Image from Freepik
Balik eskuwela ngayong Oktubre 5
May ibinigay na mahalagang paalala si Education Undersecretary Tonisito Umali para sa unang araw ng klase ng mga bata. Ayon sa kaniya, mahalaga ang ginagampanang role ng mga magulang sa online learning ng kanilang anak ngunit hindi ibig sabihin nito na sila na ang sasagot ng learning materials na bigay ng DepEd. Suporta at gabay ang tanging ibibigay nila sa kanilang anak.
“Hindi po sila ang dapat sasagot nang pagsusulit o takdang aralin o gawaing pang-upuan ng mga bata. Klaro po ‘yan,”
Ayon sa Education Undersecretary, nagbigay naman sila ng paalala sa mga magulang na bigyan ng suporta at tulong ang mga bata kung kinakailangan.
Ano ang Helicopter Parenting?
Isa sa pinakakahulugan ng Helicopter Parenting ay ang madalas na pagtulong sa kanilang mga anak sa gawaing paaralan. Ang mga gawaing ito’y ksyang-kaya naman ng kanilang mga anak katulad nang pag-aayos ng class schedule, pagkausap sa guro at iba pa. Kadalasan itong nakikita sa gma high school at college students ngunit maaari pa rin itong makita sa ibang edad.
Pumapasok ang Helicopter Parenting sa elementary school kapag ang magulang ang namimili ng kaibigan o aktibidad ng kaniyang anak, namimmili ng guro o paggawa ng kanilang proyekto.
Ayon kay Dr. Dunnewold,
“In toddlerhood, a helicopter parent might constantly shadow the child, always playing with and directing his behavior, allowing him zero alone time,”
Nagagawa ng ibang magulang ito dahil takot sila sa magiging consequences kung sakaling magkamali ang kanilag anak. Pumapasok sa usapang ito ang pagkakaroon ng mababang grado ng kanilang anak, hindi pagtanggap sa pinapasukang trabaho o school club.
DepEd learning materials | Image from Freepik
Ayon pa nga kay Dr. Daitch, “Worry can drive parents to take control in the belief that they can keep their child from ever being hurt or disappointed,”
Ngayon, bakit nga ba hindi nakabubuti ang helicopter parenting sa ating mga anak?
Una, ang mga batang lumaki sa ganitong paraan hirap silang makaisip ng solusyon sa problemang kinakaharap nila. Mahihirapan silang i-handle ang sitwasyon kung saan sila ay nagkamali katulad ng pagkatalo o pagkadismaya sa isang bagay. Ayon sa pag-aaral, nagagawa ng helicopter parenting ang bata na hindi maging competent sa kanilang paglaki.
Pangalawa, ayon kay Dr. Dunnewold, ang mga batang lumaki sa gnaitong paraan ay bumababa ang self confidence. “The underlying message [the parent’s] over-involvement sends to kids is ‘my parent doesn’t trust me to do this on my own.”
Source:
ABS-CBN, Healthline
BASAHIN:
8 parenting mistakes kung bakit nagiging tamad ang bata
Online classes maaaring ma-extend ng 7 hanggang 8 oras, ayon sa DepEd
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!