X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

8 parenting mistakes kung bakit nagiging tamad ang bata

4 min read
8 parenting mistakes kung bakit nagiging tamad ang bata8 parenting mistakes kung bakit nagiging tamad ang bata

Paano nga ba hindi maging tamad ang iyong anak na puro paglalaro ang nasa isip? Narito ang ilang tips na siguradong makakatulong sa'yo! | Lead Image from Freepik

Natural na sa isang bata ang hindi sumunod sa utos lalo na kung sunod-sunod ito. Ngunit ibang usapan na kung napapadalas ito at napapansin mong wala na sa lugar ang pagiging tamad na anak nito. Mismong pag-aaral o personal na pangangailangan nito ay napapabayaan na.

8 parenting mistakes na nagreresulta sa tamad na anak

Paano nga ba hindi maging tamad ang iyong anak na puro paglalaro ang nasa isip?

tamad-na-anak

How to not raise a lazy child | Image from Freepik

1.  Ginagawa mo ang task para sa anak mo kapag nahihirapan na siya

Hindi mo kailangang gawin ang task ng iyong anak kapag nahihirapan sila

Parte ng paglaki ang mahirapan sa isang gawain. Katulad na lamang ng iyong anak. Kung nahihirapan sila sa isang chore, ‘wag maging malambot ang iyong puso at hahayaan mo na lang silang maglaro ng cellphone imbes na chore ang harapin. Maaari mo rin naman silang tulungan pero dapat ay may guidance ng kanilang gagawin.

Katulad na lamang kapag tapos na silang maglaro ng kanilang toys. Turuan sila na pagkatapos maglaro, dapat ay ibalik rin sa lagayan o tamang pwesto ang mga gamit na nilaro nila.

Kung nahihirapan bakit hindi mo sila i-cheer up?

2. Hindi pagpapaintindi ng salitang ‘responsibilidad’

Masyado pang mabigat ang salitang ‘responsibilidad’ sa isang bata. Sa ganitong pagkakataon, hindi mo naman kailangang ibigay ang mismong definition nito. Maaari mong simpleng ipaintindi mo ito katulad kapag tapos niyang kumain, dapat nitong hugasan ang pinagkainan niya o kaya naman pagkagising sa umaga at dapat ligpitin ang higaan.

Habang lumalaki ito, natututunan na niya kung ano ang responsibilidad o mga dapat niyang sanaying gawin habang tumatanda.

tamad-na-anak

How to not raise a lazy child | Image from Freepik

3. Unlimited ang pagbibigay ng gadgets

Sa panahon natin ngayon, hindi na talaga maiiwasan ang paggamit ng gadgets ng mga bata. Halos lahat na ng bahay ay may cellphone na kadalasang ginagamit bilang entertainment. Maaaring gumamit ng cellphone ang iyong anak ngunit limitado lamang. Ipalaro sa kanya ito kapag free time lang.

‘Wag na ‘wag ipapagamit ito kapag kumakain o oras ng pag-aaral. Mapapataas kasi nito ang tyansa na mahumaling ng todo ang anak mo sa mga gadget dahilan para mas unahin ito kesa sa ibang mas importanteng bagay.

Higit sa lahat, turuan siya na huwag sabay-sabay ang pag-gamit ng gadget. Hindi puwedeng gumagamit ng cellphone habang nanonood ng TV. Maging ehemplo din para sa kaniya at iwasan rin na gawin ito.

4. Pagiging malambot at marupok

Mahalaga sa pagdidisiplina ang consistency  lalo na kung kailangang mabago ang ugali ng iyong anak. Kung sila ay iiyak kapag pinagalitan mo o hindi nasunod ang kanilang gusto, ‘wag maging malambot at ibigay ang kanilang hinihingi. Ipaintindi sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit mo sila dinidisiplina at hindi lahat ng kanilang gusto ay kailangang masunod.

5. Hinahayaan ang bata na walang physical activity

Makakatulong sa iyong anak na hindi lumaking tamad kung ito ay sasanayin mo sa mga pisikal na gawain. I-encourage siya na mag enroll sa mga sports sa school o sa inyong lugar. Makakatulong ito sa kanyang katawan para maging fit at magugol niya sa exercise ang kanyang free time imbes na sa gadgets.

tamad-na-anak

How to not raise a lazy child | Image from Unsplash

6. Hindi tinuturuan ang bata ng gawaing bahay

Simulang bigyan ng parte ang iyong anak sa mga gawaing bahay. Katulad na lamang ng pagdidilig ng maliliit na halaman, pagliligpit ng kanyang laruan o kaya naman pag-aayos ng kanyang hinigaang kama. Ipaliwanag rin sa kanya ang kahalagahan ng kanyang ginagawa. Katulad ng makakatulong ito sa kanyang paglaki para masanay sa mga responsibilidad.

7. Kakulangan ng guidance

Parte na ng learning process ang adjustment, failure, disappointment at confusion. Normal ito lalo na sa mga batang natututo pa lamang. Ngunit magiging madali lang ang lahat kung may proper guidance sila na manggagaling sa’yo.

Gabayan sila sa lahat para naman ganahan rin sila sa mga chores na ibibigay mo. Mararamdaman nilang may suporta silang natatanggap at ang simleng ngiti mo ang magbibigay sa kanila ng lakas ng loob.

8. Hindi magandang ehemplo

Habang lumalaki ang iyong anak, kayo ang tinitignan nilang example. Lahat ng gawain o behavior niyo ay nag-re-reflect rin sa kanila. Iniisip ng iyong mga anak na tama lang ang lahat ng inyong ginagawa kaya ginagaya nila ito.

Kaya naman maging isang example para sa iyong mga anak.

 

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

BASAHIN:

Masama ba akong ina? 10 signs that you are a toxic mom

7 paraan kung paano disiplinahin ang batang ayaw sumunod

Iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa bawat edad ng bata

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 8 parenting mistakes kung bakit nagiging tamad ang bata
Share:
  • REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

    REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

  • Stay-at-home-mom inirereklamo ang kaniyang tamad na asawa, netizens nagbigay ng payo sa kaniya

    Stay-at-home-mom inirereklamo ang kaniyang tamad na asawa, netizens nagbigay ng payo sa kaniya

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

    REAL STORIES: "Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak."

  • Stay-at-home-mom inirereklamo ang kaniyang tamad na asawa, netizens nagbigay ng payo sa kaniya

    Stay-at-home-mom inirereklamo ang kaniyang tamad na asawa, netizens nagbigay ng payo sa kaniya

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.