“Wais Na Misis” na si Neri Miranda inaresto diumano dahil sa kasong estafa

Maliban sa estafa si Neri ay kinasuhan rin daw diumano ng 14 counts of violations sa Securities Regulation Code.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Neri Miranda inaresto diumano dahil sa kasong estafa. Alamin dito ang iba pang detalye.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Neri Miranda inaresto diumano dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code.
  • Ano ang Securities Regulation Code?

Neri Miranda inaresto diumano dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code

Larawan mula sa Facebook account ni Neri Naig – Miranda

Sa isa sa kaniyang latest Chika ay ibinahagi ng showbiz reporter na si Ogie Diaz ang pagkakaaresto diumano ni Neri Miranda. Si Neri ay ang misis ng vocalist ng Parokya ni Edgar band na si Chito Miranda. Siya rin ay kilalang aktres at businesswoman na tinaguriang “Wais Na Misis”.

Ayon sa report ni Ogie Diaz, si Neri ay inaresto umano noong November 23, 2024 sa Pasay City. Ito ay dahil sa paglabag sa Section 28 ng Republic Act No. 8799, o mas kilala sa tawag na Securities Regulation Code.

Neri Miranda kinasuhan rin ng estafa?

Ayon naman sa hiwalay na pahayag ng Southern Police District sa kanilang Facebook page, bagamat walang diretsahang pahayag na ang tinutukoy nila ay ang aktres. Maliban sa paglabag sa SEC Code, ang actress-businesswoman na alyas “Erin” ay may hiwalay na kasong estafa at syndicated estafa.

Siya rin ay nakalista bilang pangpito sa mga wanted na indibidwal sa nasabing istasyon. Naaresto umano ang nasabing aktres sa convention center ng isang mall sa Pasay.

Hanggang sa ngayon, si Neri ay wala pang opisyal na pahayag sa nasabing balita na inuugnay sa kaniyang pangalan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Neri Naig – Miranda

Ano ang Securities Regulation Code?

Ang Securities Regulation Code (RA 8799) ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong proteksyonan o iregularize ang securities tulad ng stocks, bonds, at iba pang financial instruments. Sa pamamagitan nito ay napoprotektahan ang mga mamumuhunan, panatilihin ang integridad ng merkado, at tiyakin ang transparency sa mga transaksyong pinansyal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabilang sa mga mahahalagang probisyon sa batas na ito ay ang pagpaparehistro ng securities at pati ng mga sellers o nagbebenta nito sa SEC. Ganoon rin ang mga patakaran laban sa insider trading, at mga parusa para sa mga fraudulent na gawain.

Larawan mula sa Southern Police District Facebook account

Samantala, nangyayari naman ang paglabag sa nasabing batas sa oras na ang isang tao o negosyo ay nagsagawa ng mga sumusunod:

  • Pagbebenta ng securities nang walang SEC registration (Seksyon 8).
  • Pag-operate bilang hindi rehistradong broker, dealer, o sales agent (Seksyon 28).
  • Mapanlinlang o manipuladong aktibidad sa merkado ng securities (Seksyon 26).
  • Insider trading o paggamit ng pribadong impormasyon para sa sariling pakinabang (Seksyon 27).

Ang mga parusa ay maaaring multa hanggang pagkakakulong nan aka-depende sa bigat ng kaso o paglabag sa nasabing batas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement