Neri Naig may say sa mga mister at boyfriend na nag-aadmire parin sa ibang mga babae.
Mababasa sa artikulong ito:
- Say ni Neri Naig sa pagla-like ng mga mister at boyfriend sa picture ng ibang mga babae sa social media.
- Payo ni Neri sa mga babaeng may naglolokong partner o asawa.
Neri Naig walang isyu sa pagla-like ng mister na si Chito Miranda sa pictures ng ibang babae sa social media
Image from Neri Naig’s Facebook account
Isa na ata sa madalas na pinag-aawayan ng mga magka-partner ngayon ay ang inilalaan na oras ng bawat isa sa social media. Lalo na kung mahuhuli na ang isa ay nakikipag-chat o nakikipaglandian sa iba.
Minsan may iba namang hindi nagugustuhan ang pagla-like ng partner o asawa sa pictures ng iba. Partikular na sa ating mga babae na karamihan ay hindi nagugustuhan na nag-admire si mister o boyfriend sa picture ng ibang babae.
Pero para sa aktres at wais na nanay na si Neri Naig, ayos lang na mag-admire si mister sa ibang babae. Kung makikita mong nagla-like siya ng picture ng iba, hindi ka dapat mag-alala. Ang hindi raw maganda ay ang inililihim niya ito sa ‘yo.
“Ladies, para sa akin, okay na marinig o makita niyo na mag admire ang asawa o boyfriend natin. Ang masama dyan ay ‘yong nililihim na niya at gumagawa na ng way para magkaroon sila ng special time together. Cheating na ‘yon.”
Ito ang bungad na pahayag ni Neri Naig. Ang pahayag niyang ito ay nag-ugat matapos mag-react ang mga netizen sa comment ng mister niyang si Chito Miranda sa isang larawan ng aktres na si Sarah Lahbati sa Instagram.
Inahalimbawa nga ni Neri, ang nangyari sa kanila ni Chito noong hindi pa sila mag-asawa. Dahil raw si Chito natural na mahilig sa mga cute na babae.
“Nangyari na ‘yan dati nung bf ko pa lang si Chito hehe! Malandi talaga siya, panay pa-cute sa mga girls, as in maramihan alam ko kasi alam niyo naman tayong mga babae mas magaling pa sa mga imbestigador.”
Kung sakaling mahuli si mister, huwag siyang awayin ganoon din si girl
Image from Chito Miranda’s Instagram account
Pero kuwento pa ni Neri, never niyang inaway si Chito dito. Hindi niya rin inaway ang mga babae. Ito ang dahilan niya kung bakit.
“Never kong inaway si Chito lalong lalo na ‘yong mga girls. Why? Unang una, ‘wag na ‘wag awayin ang other girl, ipakita mo how strong and classy you are na naughty minsan hehe!”
“’Wag na ‘wag papatulan ang mga lumalandi sa asawa, bf mo. You know your worth. Ikaw ang asawa, ikaw ang gf.”
Imbis nga raw na awayin ang ibang babae ay gawin ang lahat ng iyong makakaya para maiparamdam sa iyong partner o mister ang pagmamahal mo.
“Show more ways kung bakit talagang ikaw ang the best woman sa buhay nya. Mababaliw ‘yan sa ‘yo.”
BASAHIN:
Neri Naig sa mga nagtatanong tungkol sa anak na si Pia: “Every child deserves a home and love”
Chito Miranda: Sobrang laking bagay for me na masipag ang asawa ko
Pero kung over na sa panloloko, move-on na girl
Image from Neri Naig’s Facebook account
Kung sakali naman umano na lumala ang mister o bf mo at patuloy ang panloloko, hindi na raw ito worth your time. Ang payo niya, mag-concentrate sa iyong sarili at mag-move on na.
Tulad ng ginawa niya noon kay Chito noong mag-boyfriend girlfriend pa lang sila na naging daan umano para matauhan ito at magbago na.
“Kung patuloy pa rin ang pagloloko, iwan mo na. You deserve someone else, waaaay better! Nakipaghiwalay na ako kay Chito nung bf/gf pa lang kami kase nga ganun siya. Pero dun siya natauhan. Kaya kapit lang! May nakalaan para sa ‘yo. Don’t settle for anything less.”
Dagdag pa niya, mabuting i-improve ang iyong sarili, para mas maging confident at secured ka.
“Improve yourself every day. And love yourself every day. Magiging secure ka sa sarili mo.”
Hirit niya pa sa mga pasaway na lalaki, may babae rin kayong makakatapat. Pero ngayon pa lang mas maigi na magbago na kayo. Ito ay para maging happy at healthy ang inyong pagsasama.
“Sa mga g****g lalaki, makakahanap din kayo ng katapat niyo! Magbago na kayo, oy! At gagawin naming masaya ang buhay niyo, pramis!”
Ito ang sabi ng wais na misis na si Neri Naig.
Agree ba kayo sa sinabi niya?