Neri Naig ng maging isang ina: “Mas chinallenge 'yong patience ko”

Ayon kay Neri, tumatawag daw siya ng rescue sa mister na si Chito kapag di niya na kaya ang mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Neri Naig as a mom mas naging pasensyosa umano ng magkaaanak. Gift na gusto ni Neri for mother’s day kahit isang oras na pahinga lang daw! Relate ka ba mommy?

Mababasa dito ang mga sumusunod:

Neri Naig as a mom

Larawan mula sa Instagram account ni Chito Miranda

Sa isang exclusive interview kamakailan lang kay Neri Naig ng theAsianparent Philippines sa Batang Zest-O event ay ibinahagi ng celebrity mom ang naging pagbabago sa buhay niya ng siya ay maging isang ina.

Ayon kay Neri, bagamat pasensyosa na siya noon pa mang siya ay dalaga ay mas sinubok daw ang pasensya niya nang siya ay maging isang ina.

“Mas chinallenge 'yong patience ko nung lumalaki na 'yong mga bata kasi different personalities sila.

So kailangan bilang ikaw 'yong mommy at nakakakatanda kailangan talaga mag-set ka ng perfect example or good example for them.

Kapag may hindi ka naiintindihan or minsan nababadtrip ka, hindi mo agad ilalabas yung anger mo.”

“Kailangan mo silang pakitaan talaga na you need to explain everything. Ako talaga kapag 'di ko na ma-explain nagtatawag na ako sa asawa ko ng sub. Kasi minsan talaga masusubukan ka talaga ng mga kids kung hanggang saan ka.”

Ito ang nangingiting pagbabahagi ni Neri sa karanasan niya bilang isang ina.

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig-Miranda

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Perfect gift kay Neri ngayong Mother’s day

Para naman sa nais niyang gift ngayong Mother’s day, simple pero wish rin ng lahat ng ina ang gustong makuha ni Neri.

“Perfect gift sa akin kahit one day rest lang. Kasi ang dami kong ginagawa sa bahay and of course may mga anak kami and  may negosyo. Gusto kong matulog lang sa bahay or manood ng Netflix. Ganoon lang simpleng-simple lang.”

Ito ang sabi pa ng celebrity mom.

Relate ka ba gustong matanggap na gift ni Neri ngayong Mother’s day? Kapit Momma!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement