Pakiramdam ay sirang plaka kapag pinagsasabihan ang anak? Alamin dito ang ilang posibleng dahilan kung bakit hindi nakikinig ang bata.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit hindi nakikinig ang anak ko?
- Paano mo mahihikayat ang bata na makinig
- Tamang paraan ng pagdidisiplina sa bata
Isa sa mga pinakamahirap na bahagi ng pagiging isang magulang ay ang pagdidisiplina sa anak. Dahil sa pagmamahal natin sa kanila, gusto nating lumaki sila nang maayos, marunong sa buhay at may malasakit sa kapwa.
Kaya naman pilit nating tinuturo sa kanilang ang mga bagay na dapat nilang matutunan at ginagabayan sila papunta sa tamang landas.
Subalit kahit siguro ang pinakamabait na tao sa mundo ay nasusubukan kapag tila hindi nakikinig ang kanilang anak.
Masasabi kong mahaba ang aking pasensiya. Hindi naman ako mabilis magalit noon. Pero pagdating sa pagsuway sa aking mga anak, napapansin ko na parang umiiksi ang pasensiya ko.
Lalo na kapag parang pasok sa isang tenga, labas sa kabila ang mga pangaral at mga sinasabi ko sa kanila. Minsan pa ay parang wala silang naririnig at tuloy lang sila sa paglalaro o panonood sa kanilang gadget.
Nakaka-relate ka ba, mommy? Hindi ba talaga namang nakakasubok ng pasensya kapag parang paulit-ulit mo nang pinagsasabihan pero hindi nakikinig ang bata? Paano ba palakihin ang anak na magalang at masunurin?
Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit na siyang pinagsasabihan?
Larawan mula sa Shutterstock
Hindi nakikinig ang bata? 3 posibleng dahilan nito
“Hindi nakikinig ang anak ko sa’kin.”
Ayon kay Dr. Bre-Ann Slay, isang clinical child psychologist mula sa University of Denver’s Graduate School of Professional Psychology, ang pahayag sa itaas ang isa sa mga karaniwang reklamo ng mga magulang na sumasangguni sa kaniya.
Aniya, karamihan pa ng mga magulang ay nagsasabing madalas ay kailangan pa nilang ulit-ulitin ang pangaral o utos sa kanilang anak bago ito sumunod sa kanila.
Dahil rito, tinalakay ng eksperto ang mga posibleng rason kung bakit tila hindi nakikinig o mahirap pasunurin ang mga bata. Narito ang ilan sa kanila:
Minsan, kaya hindi agad nakakasagot ang ating mga anak ating mga tanong, o kaya naman natatagalan bago nila gawin ang isang bagay ay dahil sa nalilito rin sila mula sa mga bagay na sinasabi natin sa kanila.
Tandaan na mas maiksi ang attention span ng mga bata kaysa sa atin at lalo na sa maliliit na bata, wala pa siyang kakayahang tandaan lahat ng ito.
Gayundin, kapag paulit-ulit tayo sa ating sinasabi, ang sanhi ay maaari tayong makaranas ng frustration, dahilan para tayo ay sumigaw at magalit sa ating anak, na hindi nakakatulong para magkaroon tayo ng magandang relasyon sa kanila.
Ayon kay Dr. Slay, isa sa mga bagay na dapat nating pag-isipan bilang magulang ay ang dami ng mga bagay o pangaral na sinasabi natin sa ating anak. Kung masyadong marami, paano natin masisiguro na matatandaan lahat ito ng bata?
Gayundin, mahalaga ba talaga na gawin niya ito? Baka naman sa halip na paulit-ulit na pagsabihan, ay pwedeng hayaan natin ang bata na gawin ito para malaman niya ang magiging resulta ng isang bagay at maintindihan niya kung bakit natin siya pinagsasabihan.
“One question for parents to consider before making demands is to determine ‘Is this necessary?’ One way to address children’s behavior is to use natural consequences.
If your child wants to wear shorts to school instead of pants, the natural consequence is that they will be cold, and maybe next time they will decide to wear pants,” ani Dr. Slay.
Para masiguro rin ang pakikinig ng bata, mas mabuti kung magbibigay ng mas simpleng utos o pangaral, at huminto muna para malaman kung naintindihan ba ito ng iyong anak.
Huwag ka munang magbibigay ng karagdagang utos hangga’t nagawa na ng bata ang nauna o naintindihan na niya ng maayos ang iyong sinabi.
Mayroong tip si Dr. Slay na itinuturo niya sa mga magulang sa Parent-Child Interaction Therapy (PCIT). Ito ay ang 5-second rule:
“In PCIT, we encourage parents to wait 5 seconds (silently) without saying anything following giving a command. This time period allows the child to hear the command and make a decision to follow it without distraction,” aniya.
Nakakatulong rin ito para mabawasan ang pag-uulit-ulit ng magulang ng kaniyang sinasabi sa anak.
“Introducing the 5-second rule and waiting for compliance also reduces the need for parents to constantly repeat themselves.
When we set the expectation that the child is to comply with a command the first time it is said, repetitions are not needed,” dagdag niya.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Mas pinagtutuunan mo ng pansin ang mga bawal.
Tandaan, gusto ng bata na nakukuha ang atensyon ng taong mahalaga sa kaniya. Gayundin, hindi pa nila alam ang pagkakaiba ng positibo o negatibong atensyon.
Kaya kung mas nakukuha ng iyong anak ang iyong atensyon kapag sinusuway at pinagsasabihan mo siya, asahang mas gagawin pa niya ang bagay na kinaiinis mo.
Napansin ko ito sa aking 3-taong-gulang na pamangkin, isang bibo at napakalikot na bata. Para bang kapag lalo mo siyang sinuway at pinagsabihan (lalo na kung pasigaw at nakatingin sa kaniya ang lahat). Lalo pa niyang ginagawa ito nang nakangisi dahil sinusubukan niyang kunin ang atensyon ng lahat ng naroon.
Sinubukan naming gawin ang reverse psychology sa kaniya kung saan imbes na pigilan at pangaralan siya sa pag-akyat sa hagdan mag-isa, sinabi lang ng kaniyang Tatay na, “Go. Go up the stairs.” Parang magic na tumigil ang bata at ginawa ang kabaliktaran ng sinabi ng kaniyang ama.
Hindi naman makakatulong ang reverse psychology sa kalaunan dahil maaaring malito ang bata. Pero bilang magulang ay pag-isipan din natin ang mga salitang ginagamit natin at pinagtutuunan natin ng pansin.
Kung ang mga salitang “No,” o “Huwag” ang laging nakakakuha ng ating atensyon, maaring lalong gawin ng ating anak ang mga bagay na ayaw nating gawin nila.
“Words like ‘no’, ‘don’t’, and ‘stop’ are categorized as Negative Talk in PCIT” ani Dr. Slay.
“Negative Talk is avoided because it gives attention to the negative behavior. The minute you say ‘don’t touch that,’ all your child is thinking about is touching it,” dagdag niya.
Sa halip na gumamit ng negatibong pananalita, subukan nating gumamit ng mga mas positibong salita. Halimbawa, sa halip na sabihing, “Huwag kang tumakbo!” Pwede mong sabihing, “Lumakad nang mabagal please.”
-
Hindi mo nabibigyang-pansin ang mga mabuting ginagawa niya.
Gaya ng nabanggit, kung ano ang binibigyan mo ng atensyon, iyon ang gagawin ng iyong anak. Kaya naman kung gusto mong sumunod o makinig siya sa ‘yo, dapat ay pansinin mo nang mas madalas at purihin siya kapag ginagawa niya ito.
“Remember: Any behavior we give attention to is bound to happen again so it is especially important to give attention to positive appropriate behaviors to ensure they continue occurring,”ani Dr. Slay.
BASAHIN:
7 paraan kung paano disiplinahin ang batang ayaw sumunod
4 parenting mistakes kaya lumalaki na irresponsable ang bata
7 sitwasyon kung saan makakabuting imbis na pagbigyan ay mag-NO ka sa anak mo
Paano mahihikayat na makinig ang iyong anak
“Huwag mo siyang diktahan.”
Ayon kay Dr. Becky Kennedy, isang clinical psychologist at parent coach, isang paraan upang mabawasan ang pangangaral natin sa ating mg anak.
Sa halip na diktahan siya sa anong dapat niyang gawin, at magkaroon tayo ng collaboration kung saan hinahayaan natin silang mag-isip para sa kanilang sarili at tutulungan natin silang makarating sa isang desisyon na makakabuti para sa kaniya. Basahin ang kaniyang paliwanag rito:
Larawan mula sa Shutterstock
“Let’s think of ourselves, in a job where we are less experienced than our manager. How will you best learn to be productive and capable?
From your managing telling you what to do… or from your manager connecting with you when times are tough and ‘scaffolding’ your own learning by giving you just enough to figure out solutions on your own?
Let’s start seeing our kids as people who need our support to find their own ideas and solutions – this is very different than providing our ideas and solutions. Let’s empower our kids by collaborating, not dictating.”
Halimbawa, sa halip na paulit-ulit na sabihin sa iyong anak na ilagay ang kaniyang maruruming damit sa labahan, maari mong sabihin na, “Ano kayang pwede nating gawin para matandaan mo na ilagay ang iyong damit sa labahan? Anong paraan ang mas madali para matandaan mo ito?”
Payo rin niya, minsan ay may mga bagay na hindi mo na kailangang paulit-ulit na sabihin sa iyong anak. Ika nga sa sikat na kanta, “Let it go.”
Maaari ring hindi nakikinig ang bata dahil mayroon siyang pangangailangan na hindi mo naibibigay o natutugunan, dahilan para hindi kayo magkaintindihan. Maaaring kailangan mo munang bigyan ng pansin ang inyong relasyon upang masiguro na konektado kayo sa isa’t isa.
Higit sa lahat, iparamdam sa iyong anak na ang iyong mga pangaral ay dahil sa pagmamahal mo sa kaniya at para sa ikabubuti rin niya. Kapag maganda ang samahan niyo, magkakaroon siya ng tiwala at magiging mas madali na para sa iyong anak na makinig at sumunod sa iyo.
Source:
Psychology Today, Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!