LOOK: Neri Naig-Miranda magiging college graduate na sa kursong Business Administration!

Alamin kung paano nagawa ito ni Neri habang nagpapatakbo ng kaniyang mga negosyo at full-time mom at misis sa kaniyang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Neri Naig ga-graduate na at magkakaroon na ng business administration degree. Mister niyang si Chito Miranda proud na proud sa asawa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Graduation ni Neri Naig sa kaniyang business administration degree
  • Chito Miranda super proud sa achievement ng kaniyang misis
  • Ano ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation na pinasukang programa ni Neri para makapagtapos ng kolehiyo?

Graduation ni Neri Naig sa kaniyang business administration degree

Image from Neri Naig-Miranda’s Instagram account

Kilala si Neri Naig na misis ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda. Mayroon siyang iba’t ibang uri ng business na kung saan naging daan para tagurian siyang ‘wais mom’.

Mula sa pagtitinda ng gourmet tuyo, pagkakaroon ng milk tea shop at kung ano-ano pang negosyo ay pinapasok ni Neri. Ang mga negosyo niyang ito lahat ay successful.

Kahapon sa kaniyang Instagram account ay may bagong magandang balitang ibinahagi si Neri. Hindi ito bagong negosyo pero bagong milestone sa buhay niya na ipinagmamalaki ni Neri at kaniyang mister na si Chito Miranda.

Dahil si Neri ay ga-graduate at magkakaroon na ng Bachelor’s degree in Business Administration. Ito ang proud niyang ibinahagi sa Instagram habang nakasuot ng kaniyang toga at masayang nakangiti sa kaniyang graduation picture.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Finally”

Ito ang caption ng post ni Neri kasunod ang mga hashtag na  #ETEEAPStudent #BusinessAdministration #UniversityOfBaguio.

Si Neri nakuha ang kaniyang Business Administration Degree sa University of Baguio sa pamamagitan ng ETEEAP o Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.

Chito Miranda super proud sa achievement ng kaniyang misis

Dahil sa kaniyang bagong achievement ay binaha ng pagbati si Neri sa kaniyang Instagram account. Nangunguna na syempre ang mister niyang si Chito Miranda na sobrang proud sa kaniyang misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Congrats, Ms.Neri!!!”

Ito ang pagbati ni Chito sa asawa na sinagot ni Neri ng matamis na “I love you.”

Binati rin si Neri ng kaniyang celebrity friends kabilang na ang Queen of All Media at mom of 2 na si Kris Aquino. Ganoon rin ang mga mommies na sina Mariel Padilla at Camille Prats.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa Facebook naman ng University of Baguio ay nag-share sila ng mga larawan sa naging pagbisita ni Neri at Chito sa kanilang eskwelahan. Ito ay ang araw na kung saan kinunan ang graduation picture ni Neri.

Ayon sa University of Baguio, March 2021 ng pumasok at nag-enroll si Neri sa kanilang ETEEA program. At makalipas ang higit sa isang taon siya ay nakatakdang grumaduate ngayong darating na Mayo sa kursong Business Administration.

“Ms. Nerizza Miranda, an SBAA ETEEAP student visited (University Of Baguio) yesterday morning for a graduation photoshoot.

She joined the program in March 2021 and is expected to graduate in May 2022. Indeed, a proud UBian!”

Ito ang kanilang post tungkol sa nalalapit na graduation ni Neri.

Image from the University of Baguio’s Facebook account

Samantala, maliban sa pag-graduate sa kursong Business Administration, nauna na ring nakakuha ng certificate mula sa Harvard Business School si Neri para sa online course na “Entrepreneurship Essentials” noong 2020.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay masayang ipinakita ni Neri sa kaniya ring Instagram account na may kasama pang words of encouragement.

“Sulit lahat ng puyat! Never stop learning. Kapag gusto, gagawa talaga tayo ng paraan.”

BASAHIN:

Ruffa Gutierrez malapit ng mag-graduate ng college at 47 years old: “It’s never too late!”

Jodi Sta. Maria graduates college at 39 years old: “Success comes to those who want it”

High school graduate nakalikom ng pera para makabili ng gadgets para sa mga anak ng jeepney drivers

Ano ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation na pinasukang programa ni Neri para makapagtapos ng kolehiyo?

Naging possible ang pag-graduate ni Neri sa kursong sa kaniyang kinuha sa pamamagitan ng ETEEAP o Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program. Ito ay isang alternative learning education na pinangungunahan ng CHED o Commission on Higher Education.

Sa ilalim ng programang ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga working professional na hindi nakapasok o hindi nakatapos sa kolehiyo na maka-graduate.

Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hindi bababa sa limang taon karanasan na may kaugnayan sa kursong kanilang napili. Ang kanilang naging kaalaman, karanasan, at achievement sa kanilang trabaho ay gagamitin at maaring i-convert to school credits na kailangan nila bago maka-graduate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaso ni Neri ay ginamit niya ang nalalaman niya sa pagpapatakbo ng negosyo at mga negosyong kaniyang naitayo para mabilis na magtapos sa kaniyang kurso sa loob lang ng isang taon.

Maraming school institutions sa bansa ang nagpapatupad na ng programang ito. Isa na nga rito ang University of Baguio na kung saan magtatapos si Neri sa kursong Business Administration.