X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bagong mutated coronavirus strain nakita sa Quezon City

4 min read

New coronavirus strain Philippines: Bagong strain ng COVID-19 virus nakita sa Quezon City. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay mas nakakahawa.

New coronavirus strain Philippines mas nakakahawa

Hindi lang mabilis na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon sa mga eksperto makikita na rin dito ang isa sa pinaka-nakakahawa na strain nito. Ito ay ang mutated coronavirus strain na kung tawagin ay G614. Pahayag ng mga international health experts, ang strain na ito ay halos napaibabawan na ang first version ng virus na D614. Dahil sa ito ay mas mabilis kumalat at makahawa na nagcicirculate na sa buong mundo.

Paliwanag pa nila ang bagong mutated coronavirus strain ay binabago ang amino acid sa position 614 mula sa D o aspartic acid sa G o glycine. Ito daw ay mas dumadami sa upper respiratory tract tulad ng ilong, sinus at bibig. Kaya naman ito ay mas nakakahawa ngunit hindi naman umano mas malala o nakamamatay.

New coronavirus strain Philippines

Image from Freepik

Dito sa Pilipinas ang bagong mutated coronavirus strain ay nakita sa siyam na COVID-19 samples na kinuha sa Quezon City. Ito nga daw ay na-detect noon pang Hunyo sa maliit na sample ng positive cases sa bansa. Ito ay ayon sa Philippine Genome Center na nagsasagawa ng targeted sequencing ng COVID-19 virus dito sa Pilipinas.

Ngunit hindi naman mas malala o nakamamatay

Dagdag pa nila, sa ngayon ang nakalap nilang impormasyon ay nagpapatunay lang na mayroon ng mutated COVID-19 strain na G614 sa Pilipinas. Ngunit ito naman ay nakita lang sa mga samples mula sa Quezon City. At hindi masasabing makikita narin sa iba pang COVID-19 cases sa buong bansa. Ito ang kanilang pahayag.

“Although this information confirms the presence of G614 in the Philippines, we note that all the samples tested were from Quezon City and may not represent the mutational landscape for the whole country.”

Paglilinaw pa nila, sa kabila ng pahayag ng mga international health experts na ito raw ay mas nakakahawa, wala pang matibay na ebidensya na makakapagpatunay nito. At ang pagkakaroon daw ng bagong mutated COVID-19 virus strain na ito ay hindi nakakaapekto sa mga clinical studies na ginagawa laban sa sakit. Partikular na sa pagbuo ng vaccine laban dito.

New coronavirus strain Philippines

Image from Freepik

Pahayag ng DOH sa new coronavirus strain Philippines

Ang mga pahayag na ito ng Philippine Genome Center ay sinuportahan naman ng Department of Health.

“Kailangang maintindihan ng ating mga kababayan na itong ginawang study ng Philippine Genome Center naka-centralize o naka-focus sa Quezon City. So it might not be a representative sample for the rest of the country.”

Ito ang pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.

“Although they are trying to continue the study malalaman natin in the coming weeks and months kung ano yung mapapakita ng study nila.”, dagdag pa niya.

Sa ngayon ayon parin kay Vergeire, habang nag-aantay sa resulta ng mga ginagawang pag-aaral ay isa lang ang malinaw. May dalawang strain na ng COVID-19 sa Pilipinas. Ngunit kahit ano pa man daw ang strain ng COVID-19 na mayroon sa bansa ay dapat ipagpatuloy lang ang mga safety precautionary measures na ginagawa laban sa sakit.

“Ngayon ang alam pa lang natin meron tayong two kinds of strains and ‘yung ibang detalye pinag-aaralan pa lang.” “Whatever strain there may be in the Philippines for SARS-CoV-2, we just have to continue to enforce strictly and properly the minimum health standards.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Vergeire.

New coronavirus strain Philippines

Image from Freepik

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 164,474 COVID-19 positive cases sa bansa at nasa 2,681 na katao na ang nasawi dahil rito. Nangunguna narin ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Base sa latest na pahayag ng Malacañang, matapos ang paglalagay sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa MECQ ay balik GCQ na ang mga ito mula sa August 19. Ito daw ang naging desisyon ng palasyo sapagkat kinakailangang muling buksan ang ekonomiya. Ito ay upang hindi na madagdagan pa ang mga Pilipinong walang trabaho.

“Kinakailangan buksan po natin ang ekonomiya sabay po yung tinatawag nating ‘refresh’. Ire-refresh po natin ang responses natin sa COVID, kasama na po diyan yung maigting na testing.”

Ito ang pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque.

Ayon sa isang survey na isinagawa nitong nakaraang buwan halos kalahati ng mga adult workers sa bansa ang walang trabaho.

Pero rekumendasyon ng mga eksperto mula sa University of the Philippines, dapat sana ay ini-extend pa ng 15-days ang ipinatupad na MECQ sa ilang bahagi ng Luzon. Dahil kung hindi ay maaring madagdagan pa ng 40,000 ang COVID-19 cases sa bansa bago matapos ang buwan ng Agosto.

 

Source:

Partner Stories
Pfizer partners with multiple organizations to deliver medicines and vaccines to isolated Mindanao community in Philippines via automated drone delivery
Pfizer partners with multiple organizations to deliver medicines and vaccines to isolated Mindanao community in Philippines via automated drone delivery
Trust the doctor: Water like no other, care like mother’s
Trust the doctor: Water like no other, care like mother’s
Novo Nordisk launches once-weekly treatment for Filipinos with type 2 diabetes  
Novo Nordisk launches once-weekly treatment for Filipinos with type 2 diabetes  
TOYM Heroes Unmasked raises over 2 million pesos for PGH
TOYM Heroes Unmasked raises over 2 million pesos for PGH

Manila Bulletin

BASAHIN:

Public school teacher na naghahanda ng module sa nalalapit na pasukan, nag-positibo sa COVID-19

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Bagong mutated coronavirus strain nakita sa Quezon City
Share:
  • Kaso ng COVID-19 sa Quezon City lumagpas na ng 6,000

    Kaso ng COVID-19 sa Quezon City lumagpas na ng 6,000

  • 4 ways to prevent eye strain in kids during exam period

    4 ways to prevent eye strain in kids during exam period

  • 5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

    5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Kaso ng COVID-19 sa Quezon City lumagpas na ng 6,000

    Kaso ng COVID-19 sa Quezon City lumagpas na ng 6,000

  • 4 ways to prevent eye strain in kids during exam period

    4 ways to prevent eye strain in kids during exam period

  • 5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

    5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.