Happy New Year Everyone! Isang bagong simula ang bumungad sa atin netong mga nakaraan linggo lamang. Isa na namang bagong taon na puno ng bagong pagkakataon para mas maging mabuting mga magulang tayo sa ating mga anak. Ika nga nila, day 7 of 366. Oh di’ba? Nadagdagan pa ng isang araw dahil sa leap year, the more the merrier sabi nga nila. At dahil uso na naman ang mga New Year’s Resolutions for moms and dads, naglista kami ng ilan sa mga resolutions na maaari nating gawing gabay para masimulan at mapaghandaan ang panibagong taon na ito para sa ikabubuti ng atin mga tahanan, ating mga anak, ating relasyon sa ating partner sa buhay, at pati na rin sa ating mga sarili.
5 New Year’s Resolutions for Moms and Dads ngayong 2020
1. Mas maglaan ng oras sa Family Bonding
Sa panahon ngayon hindi natin maiiwasan na mawalan ng oras para sa pamilya lalo na at napakabilis ng pagusad ng mundo, kasabay ng pagunlad ng teknolohiya ay ang pagtaas ng mga bilihin at gastusin. Hindi mo maiiwasang magtrabaho or humanap ng paraan para maging laging connected sa mga kaganapan sa mundo. Ngunit isa sa mga masasamang epekto nito ay ang pagkawala ng quality time para sa pamilya. Ugaliing maglaan ng oras para makapagusap at makapagbonding sa pamilya ng hindi nadidistract ng mga cellphone, gadget, o ng kung ano pa mang mga bagay. Magplano ng mga bakasyon o kaya ay mag staycation sa bahay.
2. Speak Less, Listen More
Isa sa mabilis na lumalaganap na problema sa ating lipunan ay ang mga isyu ng Mental Health. Ayon sa mga eksperto, isa sa mabisang panglaban sa mga negatibong pananaw ng pagiisip ay ang open communication. Kailangan natin maiparamdam sa ating mga anak, sa ating partner, pati na rin sa ating mga sarili na tayo ay nandito para makinig at umunawa at hindi manghusga.
3. Wag dalhin sa bahay ang trabaho
Hindi masama maging masipag sa trabaho. Ngunit tulad ng nabanggit sa number 1, ito rin ay nakakabawas sa quality time na dapat ay nakalaan na para sa pamilya. Tulad ng hindi natin pagdala ng personal na mga problema sa trabaho, ay dapat hindi rin natin iuwi ang trabaho sa ating mga tahanan.
4. Refuse, Reuse, Recycle
Kapansin pansin na ngayon ang mga negatibong epekto ng single-use plastics sa ating kapaligiran. Sa mga simpleng paraan tulad ng paggamit ng eco-bags sa pamamalengke, pag dine-in imbes na mag take-out sa mga restaurants, mag recycle ng mga lumang gamit at bigyan ito ng bagong pakinabang, malaki na ang maitutulong natin sa kalikasan pati na rin sa ating lipunan.
5. Gumawa ng Schedule
Mula sa paghahati-hati ng gawaing bahay, hanggang sa pagtatalaga ng oras ng pagtulog, malaking tulong ang magagawa ng paggawa ng schedule para sa bawat miyembro ng pamilya. Ito ay nakakatulong sa pag develop ng disiplina at ng teamwork.
Ilan lamang ito sa mga pwede nating gawin para masimulan ang taon na ito ng maayos at masaya. Syempre pwede mo pa rin itong dagdagan ng sarili mong mga resolutions. Ishare mo sa amin yan mga mommies at daddies, para mabasa din ng ibang mga magulang.
Photo: unsplash.com
Basahin: 6 tips para mapangatawanan ang New Year’s resolution
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!