Nico Bolzico how to carry a baby video, nag-viral na naman dahil sa kanyang mga tips at tricks featuring ang cute na cute na si Baby Thylane!
Nico Bolzico how to carry a baby
Sa kanyang Instagram video, ipinakita ni Nico ang kanyang iba’t ibang paraan ng pagkarga kay Baby Thylane. At sa tingin namin, nage-enjoy naman talaga si Thylane sa kanyang mga poses!
View this post on Instagram
A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico) on
Pinangalanan pa nga niya ang mga poses at paraan ng pagkarga na ito! Ayon kay Nico, ito ay ang kanyang free tutorial para sa mga dads katulad niya. Talaga namang bagay na bagay ang dad life sa kanya.
Multitasking mom Solenn Heusaff
6 months into parenting at talaga namang kita sa mag-asawang Solenn at Nico na ine-enjoy nila ang bawat moment kasama si Baby Thylane.
Sa kanilang mga Instagram post, laging tila nagbabangayan ang dalawa. Pero alam naman ng lahat na sa likod ng mga banters na ito ay isang magandang pagsasamahan. Sa recent Instagram post ni Nico, pinakita niya ang kanyang appreciation sa asawa. At pati na rin sa lahat ng mga ina.
Image from @nicobolzico’s Instagram
“Multitasking doesn’t exist… Never underestimate how many tasks a mother can do at the same time! That doesn’t mean they should, we must always be there to help, make sure they enjoy motherhood and be a reminder that they need to do things for themselves!”
Pinaalalahan niya rin ang mga asawa na magsilbing support system sa mga babae dahil hindi madali ang pagiging ina. Kadalasan ay nakakalimutan na nilang alagaan ang kanilang mga sarili o di naman kaya ay gawin ang mga hilig nila.
“In this past 6 months w #TiliBolz I realized that mums tend to focus on their babies so much that they forget about everything else, including themselves. Our role is to be a strong support system to make sure they can also enjoy life outside motherhood!”
Dagdag pa niya,
“A happy mum is the best mum! We love you, Solenn.”
Narito naman ang artwork na nililikha ni Solenn habang nagpapa-breastfeed kay Thylane.
Image from @nicobolzico’s Instagram
4 Marriage tips ni Nico Bolzico
“As you all know my wife is very beautiful, probably the most beautiful girl in the world, that is why she has so many guys proposing to her all the time. The picture shows her reaction every time someone proposes. Look again, she is not showing the middle finger!”
Ilan pa nga sa realizations turned marriage tips ni Nico ay ang mga sumusunod:
Tip #1: “If our relationship is based in trust and respect, we shouldn’t be worry about it, and we should be fine with our ladies talking to other guys.”
Ayon kay Nico, ayos lang daw na hayaang makipagusap ang mga babae sa ibang lalaki.
Sa pamamagitan nito ay naipapakita mo ang respeto at tiwala mo sa kaniya. Dahil ayon parin kay Nico, ang maling reaksyon sa tricky situation na ito ay napakacritical hindi lang sa future ng inyong relationship kundi pati narin sa iyong physical health.
Tip #2: “Might be difficult seeing them talking to another guy; but it is ok, they should be able have male friends, as we should be able to have female friends.”
Oo nga’t para sayo ang asawa mo ang pinaka-maganda at pinaka-precious na tao sa buong mundo at ayaw mong maagaw siya ng iba sayo pero kailangan daw tandaan na ang isang relasyon ay dapat based on trust and respect palagi. Dahil sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mga un-funded fights, drama at higit sa lahat ay ang degradation ng inyong relationship.
Image from Nico Bolzico’s Instagram
Tip #3: “If you really love her, then: trust her, give her the freedom she deserves and let her be; this way you will see your relationship getting stronger every day!”
Ang pagbibigay daw ng kalayaan at pagtitiwala sa iyong asawa ay isang paraan para mas mapatatag ang isang relasyon. Dito ay mas mabibigyan ninyo ng oras ang isa’t-isa na gawin ang mga bagay na magpapasiya sa mga sarili ninyo na ang kailangan lang ay pagtitiwala.
Dahil sa kilalang sense of humor ni Nico, hindi syempre nawalan ng humor ang lengthy post niya na ito na sinabi niya sa pamamagitan ng isang disclaimer. Ito ang pinakahuling piece of advice ni Nico na proven at tested na niya para makaiwas sa away mag-asawa.
Tip #4: “As usual, these are my words based on what I believed and experienced, as usual I can be wrong; and, if by any means, what I write, say or even think, is not in line with my wife opinion, then my wife opinion should predominate and everything else was wrong, even if that means contradicting, math, physics, gravity, supreme justice or the Pope, she is right.”
Ang mga piece of advice na ito na galing kay Nico ay ilan lang sa mga sikreto ng masaya at kwelang pagsasama nila ng asawang si Solenn na halos tatlong taon ng kasal at nagsasama.
Source:
Instagram
Basahin:
Solenn, sinagot ang comment na pangit ang anak niya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!