Nikki Valdez proud disciplinarian mom sa anak niya. Ayon kay Nikki, marami naman daw itong naibibigay na benepisyo sa bata.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Nikki Valdez as a disciplinarian mom.
- Paano dinidisplina ni Nikki ang anak niya.
Nikki Valdez as a disciplinarian mom
Sa isang exclusive interview sa theAsianparent Philippines ay ibinahagi ng aktres na si Nikki Valdez na siya ay proud disciplinarian mom. Isinasabay niya daw ito sa pagiging stage mother dahil labis niyang ipinagmamalaki at sinusuportahan ang talent ng kaniyang anak.
“Staged mother ako. I am a mother who is proud of my daughter. I never forget tell to everyone her talent. And at the same time hindi ko tinotolerate yung mga gawain na hindi ko talaga gusto. Walang problema maging disciplinarian.”
Ito ang sabi pa ni Nikki sa panayam.
Ayon pa kay Nikki, wala naman daw masama sa pagdidisiplina ng anak. Hindi rin daw dapat itong ika-guilty ng mga magulang. Kasi para naman ito sa kabutihan at kapakanan ng anak nila.
“You should not feel guilty or scared. Kasi diba yun ang mom specially my tendency yan na maawa agad to think that hindi kaya or natatakot silang masasaktan ang anak nila.”
“When I was new mom, I always have the tendency to feel bad about teaching my daughter discipline. Pero habang tumatagal habang tumatanda nakikita mo yung benefit para sa kanila rin talaga.”
Ito ang sabi pa ni Nikki.
Paano dinidisplina ni Nikki ang anak niya
“Assigned them chores kasi it will make them responsible people when they grow up. Make them feel a little bit of pain but just assure them that you will be there when that happen. You have to teach them to be strong kasi pag hindi nila naranasan yun parang anung mangyayari? Iiyak kana lang ba mag-tatantrums kana lang ba diba?”
Ito ang sabi ni Nikki kung paano niya dinidisiplina ang anak niya.
Sa pagpapaliwanag naman sa anak, ito daw ang sinasabi niya dito para maintindihan ang parenting style niyang ito.
“I always tell my daughter I love you that’s why I’m doing this for you. This is the way that I know to help you be a better and stronger child.”
Ito ang sabi pa ng celebrity mom na si Nikki Valdez.