Pinakasikat na problema sa relasyon ay ang cheating. Kaya nga marami ang nabubuong pelikula at teledrama na patungkol sa mga niloloko ng asawa. Sa artikulong ito pag-uusapan natin ang tungkol sa pangangaliwa na naranasan ng mag-asawa.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Dr. Tofi tungkol sa panloloko ng asawa: “Hindi natural sa tao ang maging monogamous”
- 6 epekto ng pangangaliwa sa relasyon ng mag-asawa
Dr. Tofi tungkol sa panloloko ng asawa: “Hindi natural sa tao ang maging monogamous o maging stick to one lang”
Inabangan mo rin ba palagi ang mga palabas sa telebisyon tungkol sa mga mag-asawang may mga kabit? Madalas pa ay may mga eksena ng brutal na pamimisikal. May mga batuhan ng laitan at mabibigat na mga salita.
Sa isang panayam ng psychologist na si Dr. Tofi De Jesus sa Magandang Buhay ay pinag-usapan nila ang tungkol sa pangangaliwa.
Tinalakay nila ang sitwasyon ng isang viewer ng talk show na si tinago sa pangalang “Mimi.” Si Mimi raw ay niloko ng kanyang asawa ngunit hindi nito magawang magalit.
Malaking factor daw ang pag-amin sa panloloko ayon kay Dr. Tofi. Kaya raw hindi galit ang naranasan ni Mimi ay dahil nakabawas ang pag-amin ng kanyang asawa.
Nagsilbi pa raw kasi itong “more accepting” dahil nalaman niya mismo sa partner kaysa sa ibang tao. Dito raw mababawasan ang konsepto ng betrayal ngunit hindi magagarantisa na ito ay mawawala.
Kumbaga ay nakapagpalubag-loob ang pagiging open ng asawa sa kanya ukol sa panloloko.
“When people commit infidelity usually the problem here is that they found out the lie after it has been a long time it has been done”
Masakit daw sa ganito ay ang malamang matagal na silang niloloko dagdag pa ang ideyang niloko ka ng asawa. Binukas niya rin ang konsepto na ang tao ay natural daw na gumawa ng infedelity. Ayon sa kanya,
“Hindi natural sa tao ang maging monogamous.”
Ang monogamous ay tumutukoy sa pagkakaroon ng isang partner lamang o ang pagiging “stick to one.” Binalikan niya rin ang kasaysayan na nasanay raw ang tao na maging polygamous.
Ang polygamous naman ay ang kabaliktaran ng monogamous kung saan mayroong kang higit sa isa na karelasyon.
Bagaman lahat ng kasarian ay maaaring manloko, sa kasaysayan ay mas madalas daw ang polygamy noon sa mga kalalakihan. Noong panahong hindi pa sibilisado ang tao at lipunan, nasanay raw genetically na magkalat ng lahi kaya nag-aasawa ng marami.
6 epekto ng pangangaliwa sa relasyon ng mag-asawa
Isa ang pangangaliwa sa mga pinakamasasakit na mararanasan ng isang tao. Kaya nga dahil din dito ay maraming negatibong epekto ang ganitong pangyayari sa isang tao. Ito ang mga sumusunod:
1. Pagbubuo ng kaliwa’t kanang katanungan sa pag-iisip
Isa sa mga epekto ng pangangaliwa sa relasyon ay ang pagbubuo ng napakaraming katanungan.
“Bakit niya nagawa iyon?” “Kailan niya ginagawa sa akin iyon?” “Paano siya nakalusot sa kabila ng pagbabantay ko?” “Saan nila ginagawa ang panloloko sa akin?”
Ang mga katanungang ito ang magsusulputan sa oras na malaman mo ang panloloko sa iyo ng partner. Magiging malala ang overthinking na mararanasan.
Ang malungkot pa dito ay kadalasang wala nang kasagutan pa sa mga tanong. Tanging matitira na lang ay ang sakit, poot at bitterness na mararamdaman.
2. Sobra-sobrang sakit at inis
Hindi mapaliwanag na sakit ang mararamdaman ang maranasang mawasak dahil sa nasirang tiwala lalo na sa kasintahan. Dahil sa sobra-sobra ang pagmamahal, sobra-sobra rin ang sakit na balik nito sa iyo sa panahong malaman mong niloko ka ng asawa.
Kalaunan ang pag-iibigan na napunta sa sakit ay mauuwi naman sa galit.
BASAHIN:
Mister huli sa pangangaliwa, habang nagle-labour ang kaniyang misis
Alamin dito ang 3 uri ng pangangaliwa na walang kinalaman sa sex
3. Pagkakaroon ng trust issues
Napakahirap nang buuin ng tiwala kung ito ay masisira. Kung minsan, hindi lang sa kasintahan ito nawawala nadadamay pa ang ibang relasyon gaya ng pamilya at kaibigan.
Inaabot ng ilang taon ang pagbubuo ng tiwala, habang ilang oras lang ay maaaring masira ito.
4. Worthlessness
Bukod sa tiwala, maaaring mawala rin ang worth sa isang tao kung siya ay niloko ng asawa. Magsisimula na kasing pumasok lahat ng kaisipan kung saang parte ng relasyon ka nagkulang.
Dito na rin pababa nang pababa ang binuong self-confidence at self-esteem. Palagi mo nang iisipin na hindi ka too good enough sa kahit kaninong tao.
5. Lovers to enemies
May mga pagkakataong hindi na sinusubukang ayusin pa ng magkasintahan ang relasyon. May mga nagiging magka-away matapos malamang niloko ng asawa. Dahil nga nabubuo ang galit, mas mananaig din pananatili bilang magkaaway kaysa magkarelasyon.
6. Paghihiwalay
Kapag niloko ng asawa ay maaaring maging sanhi ito ng paghihiwalay. Sapagkat aminin natin isa ito sa pinakamasakit na maaaring magawa ng ating mga asawa sa atin.
Kapag naghiwalay ang mag-asawa, hindi lamang sila ang maaapektuhan nito kundi ang kanilang mga anak. Kung masakit para sa isang tao ang panloloko na ginawa, mas masakit din ito para sa kanilang anak.