Isang expectant mother ang dumulog sa ibang mommy dahil nahuli niyang niloko pala siya ng kaniyang partner. Nakakuha ng proof ang magiging first time mom ng larawan kung saan may dinala raw sa motel ang magiging tatay ng kaniyang baby.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Niloko ng partner habang pregnant
- Advice ng ibang mommies
- Ano ang dapat gawin kapag nalamang nag-cheat ang partner
Niloko ng partner habang pregnant
Hindi madali ang magbuntis. Ngunit mas lalong mahirap ito kapag nalaman mong niloloko ka ng iyong mister o partner habang ikaw ay pregnant. ‘Yan ang nangyari sa kwento ng isang mommy.
Nahihirapang magdesisyon ang isang first time mommy dahil sa ginawa ng kaniyang partner. Ito ay matapos niyang mahuli ito na nagloko sa kanilang relasyon.
Sa theAsianparent community app, nanghingi ng advice ang isang anonymous sender kung ano ang dapat niyang gawin. Ito ay dahil ayaw niya sanang masira ang kanilang family.
Wika ng mommy, sobrang nasaktan siya noong kaniyang malaman na may iba palang babae ang magiging tatay ng kaniyang baby.
May pruweba rin daw siyang picture kaya pinilit niyang paaminin ang kaniyang partner tungkol sa pag-cheat nito sa kaniya.
“Nalaman ko na sobra sobra nahuli ko ‘yong soon to be daddy ng baby ko na my sinamang ibang babae sa motel.”
“Ngayon na alam ko na ang totoo, I’m confused ano ba dapat kong gawin. Ayoko pa din masira ‘yong family namin dalawa.”
Ang masakit pa sa ginawa ng kaniyang partner ay dahil nagawa nitong mag-cheat habang siya ay six months na buntis.
Hindi tuloy maiwasan ng mommy na isipin kung ano ang kaniyang naging pagkakamali. At humantong sa pagloloko ang kaniyang karelasyon.
“Saan ako nagkulang? Lahat-lahat naman ibinibigay ko pero nalusutan pa din ako.”
Advice ng ibang mommies
Nagbigay naman ng payo ang ibang mommies na parte ng theAsianparent community sa anonymous sender.
Halo-halo ang mga naging opinyon tungkol sa sitwasyon. Saad ng ibang nanay, nasa anonymous sender ang desisyon kung tatanggapin pa ba niya ang kaniyang partner. Ito ay sa kabila ng mabigat na kasalanang nagawa nito sa kaniya.
Anila, dapat pa ring isaalang-alang ang kapakanan niya dahil posible rin itong makaapekto sa kanilang pagsasama lalo’t nasira na ang tiwala niya sa kaniyang partner.
“Nasa sayo ang desisyon sis. Hindi madali ‘yong pinagdadaanan mo. It will take a long time to heal. Kasi ‘pag pinatawad mo, kailangan mo din isipin na hindi ‘yan pagmumulan ng away niyo.
Kailangan mo ng isantabi ‘yong pangyayari na ‘yan dahil once na inungkat mo yan at yan ang pinagmulan ng away niyo, doon mo malalaman na ‘di ka pa totally nakapagpatawad.”
“Nasa sayo pa din yan Mommy, iba-iba kasi mindset ng tao based on experience. ‘Yong iba kasi galing sa broken family kaya kahit ano gagawin, huwag lang masira ang pamilyang binubuo niya.
Pero kung torture na torture ka na, ‘wag ka maging martir. Mas mapupunan mo ‘yong pagmamahal mo para sa anak mo.”
Samantala, may ilan ding nagsasabi na dapat ay iwan na umano ng first time mommy ang kaniyang partner. Ito ay dahil mahirap na raw bigyan ng chance ang isang cheater. Nagbigay rin ng assurance ang iba pang mommies na walang kasalanan ang anonymouse sender kaya nagloko ang tatay ng kaniyang magiging baby.
“Leave! Know your worth mommy. Period. Ang mga cheaters po, hindi na dapat binibigyan ng second chances. Ang mga cheaters po, kahit ilang beses mangakong magbabago, cheater pa rin po.”
“Siya ‘yong nagkamali, hindi naman ikaw yung kulang. Mahalin mo ‘yong sarili mo at baby mo. Layuan mo muna siya. Kasi ma-stress ka lang. mahirap sa umpisa pero need kayanin para sa sarili at para kay baby.”
BASAHIN:
REAL STORIES: “2 weeks pagkapanganak ko kay baby, iniwan kami ng ama niya.”
Husband confession: “Nakakapagod magkaroon ng kabit—kailangan parating magtago”
Ano ang dapat gawin kapag nalamang niloko ng partner
Mali ang magloko habang nasa loob ng isang relationship. Isa itong kasalanan na madalas ay deal breaker para sa kahit kaninong tao.
Ngunit may ilang pinipili pa ring magbigay ng second chance. Ito ang ilang factors na dapat isaalang-alang bago mo pag-isipang patawarin muli ang iyong partner na nag-cheat:
Siguruhing siya ay nagsisisi – Kailangan maramdaman na may remorse o pagsisisi ang iyong partner sa kaniyang ginawang kasalanan. Ito ay ang first step para bumalik sa dati ang inyong pag-iibigan.
Maging honest sa isa’t isa – Ito marahil ang pinakamahirap pagdating sa pagpapatawad ng isang cheater. Dahil mahirap nang maibalik ang trust sa isang relationship kapag ito ay nasira na. Ngunit kailangan pa ring subukan na siguraduhing maging honest sa bawat isa. Ibig sabihin ay kailangang sabihin na kung may mga sikreto pa ba na hindi nasasabi sa isa’t isa.
Kumuha ng therapist kapag kailangan – Kung gusto talagang mag-work ang relationship, maaaring kumonsulta sa therapist. Ito ay dahil magsisilbing neutral party ang therapist para makatulong sa pag-uusap ng couple.
Dapat ay maiwasan na ang mga temptation – Ang mga tukso tulad ng mga cellphone number o mga nakakausap sa social media ng nag-cheat ay kailangang masigurong wala nang puwang. Kaya naman maaaring pakiusapan ang inyong partner na i-delete na ito para na rin mabawasan ang duda sa kaniya.